CHAPTER 27 Nag desisyon si Sakura na puntahan ang classroom kung saan nasaksak si Chantelle. Marahan niyang binuksan ang pinto bago pumasok sa kuwarto. Tahimik, madilim at nakakapanindig ng balahibo. Ilang lamang iyan sa maaaring makapaglarawan sa aura na naka palibot sa kuwarto. Nag lakad-lakad siya at nag masid, nag bakasakaling makakita siya ng ebidensya laban sa killer. Palabas na sana siya ng classroom nang bigla siyang may napansin kumikinang sa ilalim ng teacher's table. Napa ngiti ang dalaga at agad itong sinuri. Nakita niya rito ang isang ID ng kanyang kaklase. May bakas ito ng dugo. Dali-dali niya itong binulsa para itago. "Sinasabi ko na nga ba. Ikaw ang killer... I'm gonna make a show out of you," malamig na bulong ng dalaga sa sarili. Tumayo siya sa pag kakaupo sa sahig at

