CHAPTER 26 Umaga pa lamang ay abala na sa pag-aayos ng mga booths ang mga estudyante. Kasabay nito ang pag-a-assemble ng mga carnival rides at attractions sa paaralan. Maagang nag kita-kita ang mga estudyante ng Section 6 para ayusin ang natitirang props. Mag-a-alas siyete na ng umaga nang makapag simula sila mag-ayos dahil nahuli ng dating si Ms. Gomez. Ipinagpatuloy pa rin ng pulisya ang pag-iimbestiga kahit na mayrong naganap na selebrasyon sa paaralan, lalo na't mayroon nanamang nakitang bangkay ng isang dalaga sa isa sa mga banyo sa dulo ng Academic Building. "Hindi ako maka paniwala na nag pakamatay si Erizel," bulong ni Alex kay Hunter habang tinitingnan ang mga pulis na hawak ang suicide note na isinulat ni Erizel. "Nakaka lungot. Dapat pala pinigilan ko siya kahapon. Kasama pa

