Naka higa si Zoey sa isang kahoy na kasing hugis at kasing tangkad niya. Tila ba parang ipinasadya ito para sa kanya. Naka baon sa malalaking pako ang mga kamay at paa niya. Naka suot ang dalaga ng sira-sirang uniporme ng St. Venille na mayron ring mantsa ng dugo dahil sa kanyang mga sugat. Kapansin-pansin din ang pulang markang ekis sa kanyang pusod. Hindi maiwasan ni Zoey na humikbi habang pinag mamasdan ang kanilang stuffed toys na sina Mister Nameless at Mika sa isang maliit na stand sa kanyang harapan. Mariin siyang napa lunok nang napansing kakaiba ang kulay ng bulak sa loob ng stuffed toys. May mantsa ito ng dugo at pinamumugaran na rin ng mga gumagapang na malalaking uod. Gusto mang gumalaw ni Zoey, hindi niya ito magawa. Pinagmasdan niya ang pintuan at umaasang lalabas mula rito

