Kinabukasan, naka upo si Sakura sa kanilang sofa. Hindi na niya namalayang napapatingin siya sa upuan kung saan laging naka upo si Zoey. Nag buntonghininga muna siya bago sumandal sa sofa. Habang naka tingala sa kisame muli niyang naalala ang kanyang naka babatang kapatid. "I'll avenge your death, Zoey." Nag desisyon siyang buklatin ang kuwaderno upang alamin ang nilalaman nito. Sa ikatlong pahina, nagulat siya nang makita ang listahan ng mga pangalan ng kanyang mga kaklase na namatay na. Sa kasunod ng pahina, nakita niya nakaipit dito ang isang litrato, pero ito'y hindi lamang isang ordinaryong litrato. Ito ay ang kanilang class picture. Mayroong mga markang ekis sa mukha ang mga nabiktima nilang kaklase. Bago ipatuloy ang kanyang pag susuri, tumayo muna siya sandali at agad kinuha ang

