Dalawang buwan na ang lumipas. Sampung araw na lamang at darating na ang araw ng pag tatapos. Ang buong paaralan ng St. Venille ay excited sa party para sa kanilang graduating students. Samantala, pinili namang mag plano ng sariling party ang mga estudyante ng pang-anim na seksyon. Ito ay para umiwas narin sa ibang mag-aaral na hanggang ngayon ay galit parin sa kanila. Kahit na naka bukod ang kanilang party, hindi maitatanggi na masaya at excited parin sila rito. Natahimik ang mga estudyante nang makita nilang pumasok sa kuwarto ang kanilang guro. "Ready na ba kayo para sa party mamaya?" mahinhing tanong ng guro sa klase. "Yes ma'am!" excited at sabay-sabay na sagot ng mga estudyante. Napalingon ang guro nang marinig niya ang tatlong mag kakasunod na katok mula sa pintuan. Nakita niya an

