"Hassan dropped by earlier habang wala ka. He asked me kung kailan siya p'wedeng bumalik sa trabaho. Ayaw daw niyang madagdagan ang utang niya sa'yo kaya babayaran niya iyon sa pamamagitan ng pagsisilbi sa'yo." wika ni Monty habang lulan sila ng van pauwi sa kaniyang mansion. Napaikot naman ng mga mata si Elvina. Hapo ang katawan niya sa maghapong shooting kaya naman ang nais na lamang niya ay mahiga na at matulog. "Wala pang isang linggo mula nang mabaril siya at magising ang kapatid niya. A stubborn jackass. P'wede niya iyong bayaran kapag magaling na ang sugat niya. Baka mamaya ay ako pa ang mag-protekta sa kaniya sa kakulitan niya." Pagbaba sa van ay tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi siya nag-abalang tignan kung sino ang tumatawag at sinagot ito habang naglalakad papasok. "H

