Dahil sa pangyayari ay halo-halo ang naging reaksyon mula sa mga tao. May ibang nanumbalik ang paghanga kay Elvina dahil sa mga taong natulungan nito. Ngunit may iba pa rin ang nagsasabing binayaran lamang niya ang mga ito upang pabanguhin ang kaniyang pamilya. Elvina could not care less. Sa totoo lang ay gumaan ang dibdib niya ngayong wala na siyang sikretong tinatago. Hindi na siya nangangamba na anumang oras ay lalabas ang baho niya. Pero isa lang ang sigurado ni Elvina, hindi siya susuko at hindi siya magtatago. Hindi niya hahayaang masira ang lahat ng pinaghirapan niya. Libo ang umaasa sa kaniya at libo ang mawawalan ng trabaho kapag sumuko siya. Ang kailangan nalamang niyang gawin ay linisin ang kaniyang pangalan. Napabuntong-hininga si Elvina nang makita ang pangalan ng kaniyang

