Makalipas ang tatlong araw ay unti-unti nang bumabalik sa dati ang lakas at sigla ni Hashley. Sa tuwina ay nasa tabi lamang niya si Hassan at nagbabantay. Lumabas na rin ang mga tests na ginawa kay Hashley at isang malaking pasasalamat sa Diyos at milagro na lahat ito ay lumabas na negative. Walang naging complication ang isinagawang operasyon at nangyaring aksidente sa kaniyang kapatid. Ngunit halos isang buwang pagpapagaling at pagkaka-confine pa ang sinabi ng Doktor upang maiwasan ang infection. Hindi pa rin kayang maupo ng kapatid niya ngunit nakakaya na nitong magsalita kahit na papaano. "I remember her." mabagal ang bawat pagbigkas sa bawat salita ni Hashley. Ang huwag piliting magsalita ng matagal, huwag magtatayo o umupo ng matagal at huwag munang maligo ang mga inabiso ng do

