Kabanata 4

1682 Words
Sa isang maliit na apartment na may isang kuwarto ay makikita si Hassan Claveria na naghahanda na sa pagpasok sa trabaho. Ang balita sa kaniya ng Boss niya ay siya raw ang ginawang representative ng kanilang Security Agency para sa isang sikat na artista. Sa totoo lamang ay pinaka-ayaw ni Hassan ang pagiging bodyguard ng sinuman. Dahil bukod sa kailangan niyang bumuntot sa mga ito ay kailangan din niyang maging pipi at bulag sa mga kalokohan ng mga ito. Minsan ay siya na rin mismo ang bumibitiw. Ngunit ano ba ang pagpipilian niya gayung itong trabaho lang na ito ang kaya niya at sapat ang kinikita para sa pangangailangan nila ng kapatid at sa pag-aaral nito. Mula nang maging ulila silang dalawa ay sa isa't-isa na sila kumakapit. Pinatay ni Hassan ang kalan at inilagay ang pini-piritong hotdog at itlog sa pinggan at inilapag ito sa mesa. "Hashley! Kain na!" pagtawag niya sa kapatid at naupo na para magsimulang kumain. Mula sa kwarto ay lumabas si Hashley Claveria, ang nakababata at labing-walong taong gulang niyang kapatid. Kasalukuyan itong pumapasok bilang kolehiyo sa unibersidad at kumukuha ng kursong Nursing. Mahal na kurso kung tutuusin ngunit gustong maibigay ni Hassan sa kapatid ang makakaya niya. "May assignment ka na, Kuya?" tanong ni Hashley pagkaupo sa tapat niya. Ang pinagkakainan nila ay isang pabilog na mesa na nabili niya sa bayan sa murang halaga. May dalawa itong upuan na sila lang dalawa ang gumagamit. "Wala pa dahil hindi pa naman ako tanggap pero may interview ako. Kapag natanggap ako dito ay malaki-laki ang sasahurin ko." "Wow! Tamang-tama, Kuya. Magkakaroon kami ng project! Sure na sure naman akong matatanggap ka." pagbibigay lakas ng loob ng kapatid niya sa kaniya. Napangiti na lang si Hassan at ginulo ang buhok ng kapatid. Sa edad ni Hashley ay matured na ang pag-iisip nito. Noong bumagsak ang kanilang kumpanya at mabaon sila sa utang na naging dahilan ng pagkakabenta ng kanilang Mansion ay wala siyang narinig na reklamo sa kapatid. Inintindi nito ang nangyari at tinulungan siyang makabangon. Malayo man sa dati nilang pamumuhay bilang mga señorito at señorita ay nagagawa nilang mabuhay ng matiwasay. "Oo na. Bilisan mong kumain at baka mahuli ka." kinuha niya ang wallet sa bulsa at kumuha ng isang daan at iniabot sa kapatid. "Salamat, Kuya kong pogi! Titipirin ko ito promise!" bungisngis na sabi ni Hashley at binulsa ang baon. Nang matapos kumain ay inilagay nito sa lababo ang pinagkainan at nagpaalam na. "Bye, Kuya!" "Ingat ka, bunso." Iniligpit ni Hassan ang pinagkainan at tinakpan ang natira bago mabilis na hinugasan ang pinagkainan nila at itinuloy ang pagbibihis. Habang nakaharap sa salamin ay itinali niya ang neck tie niya at sinigurong ismarte at malinis ang kaniyang hitsura. Nawala man ang kanilang yaman ay hindi naman nawala ang taglay niyang kakisigan kaya marahil ito ang dahilan at hindi siya nababakante sa trabaho. Ngunit si Hassan ay isang propesyonal. Hindi niya pinaghahalo ang business at pleasure. He knows his limits and obligations. At sa ngayon ay wala siyang oras sa seryosong relasyon. Matapos magbihis ay ibinulsa lamang niya ang de-keypad na cellphone at susi. Siniguro niyang naka-lock ang pinto bago sumakay sa kaniyang motor na nabili lang niya ng second hand. Mas praktikal at mas convenient kasi itong gamitin. Nagpunta siya sa lugar na ipinadala sa kaniya ng kaniyang Boss. Pagdating sa tatlong palapag na kumpanya ay nag-park lang siya at pinag-aralan ang paligid. "Starry Entertainment." bigkas niya sa pangalan ng kumpanya at sunod ay natuon ang mga mata niya sa mga naglalakihang billboards ngunit nangingibabaw ang isang billboard ng isang babae na malimit niyang nakikita sa kung saan-saan. Dahil abala sa trabaho ay hindi na niya kilala pa kung sino ang mga artista sa panahong ito. "Ardis." banggit niya sa pangalang nakasulat. Pinagmasdan ni Hassan ang artistang nakatakdang protektahan at sundang parang aso. She's pretty, no doubt about that. Sabi ni Hassan sa isipan. Hugis pusong mukha, isang pares ng malamlam na mga mata na tila ba nangungusap ngunit bakit wala siyang mabasang anumang emosyon sa mga matang iyon sa kabila ng nakangiti nitong mga mata? Muling inayos ni Hassan ang sarili ay sinigurong walang makikita ni isang gusot sa kaniyang kasuotan at naglakad na papasok sa loob. Pagkapasok pa lamang ni Hassan ay natuon na kaagad ang tingin sa binata ng mga kababaihan. Ang iba ay inakalang isa itong bagong artista at ang iba naman ay naisip na baka isang importanteng tao ito dahil sa hitsura at kasuotan. Siguro'y kung malaman nila ang totoo ay hindi nila hahangaan ang binatang pinagmamasdan. Dumiretso si Hassan sa reception area at tila kinikilig naman ang tumbong ng babae na buong pagpapa-cute na hinarap ang binata. "What can I do for you, Sir?" Sanay na sa ganitong reaksyon ay sumagot si Hassan. "I'm here for an interview. Bilang bodyguard ni Miss Astrid." Sa narinig ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ng babae at naiba ang ekspresyon ng mukha. "Sa third floor ay makikita mo ang kulay pink na office. Ma'am Ardis is currently interviewing the others so please wait for your turn outside." "Thank you." Pagkasakay sa elevator ni Hassan ay kaniya-kaniyang lapit ang mga babae kay Erika na siyang receptionist. "Sino siya girl? Ang pogi!" "Saang kumpanya?" "CEO ba?" Ang sunod-sunod na tanong kay Erika na sinagot nito sa pamamagitan ng pag-irap at pagsimangot. "Nag-a-apply bilang bodyguard ni Ma'am." Ang iba ay nanghinayang at nawalan na ng interes ngunit may isang babae na tila ba nangangarap na niyakap ang hawak na notebook. "Po-protektahan ka niya at handang mamatay para sa'yo. Hay, ang swerte ni Ma'am." "I am a graduate from PMA pero hindi ko ito naituloy dahil na rin sa financial problem, Ma'am. I trained wushu, kung fu, karate and a black-belt taekwondo. I also worked for politicians and other actresses." Buryong na nakikinig si Elvina sa credentials ng applicant na kasalikuyang ini-interview ngunit nang marinig ang sinabi nito ay napaayos siya ng upo. "Can you tell me their secrets?" Napakurap-kurap ang lalaki sa harapan niya. "Sorry?" "These other actresses you speak of, you know. For future references." ang nakangisi niyang sabi sa binata sa harapan niya. "Sorry, Ma'am. Pero kasama po sa trabaho na ibaon ang mga sikreto ng mga kliyente." "Boo-hoo." nakairap na sabi ni Elvina at sumandal na. "Goodbye, then." "H-ha?" Doon na tuluyang umalsa ang kaniyang kanang kilay. "My God, sabi ko goodbye, ciao, adios! Stupidity at its finest." Umikot si Elvina at hindi na hinintay pang makaalis ang aplikante. Ilan na ang na-interview niya at sumasakit na ang ulo niya. Pare-pareho lamang ang sinasabi ng mga ito. Merong mukhang magaling, mukhang m******s, mukhang tatanga-tanga ngunit lahat sila ay hindi niya tatanggapin dahil may plano na siya. At hinihintay na lamang niya itong dumating. Matapos ang mahabang panahon ay muli niyang makikita ang lalaking kinamumuhian niya at sigurado siyang ganoon din ito sa kaniya. Ang lalaking dahilan ng lahat ng kabiguan at paghihirap niya. Ang lalaking dahilan ng pagbabago niya. The man who hurt her. Nakarinig siya ng tatlong katok. "Pasok." sagot niya nang hindi iniikot ang upuan. "Good morning, Ma'am. I am Hassan Claveria and I am here for my interview." Mariing napapikit si Elvina at kinuyom ang mga kamao nang marinig ang boses na iyon. Ang mahahaba niyang kuko ay dumidiin sa kaniyang palad. Ngunit pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi siya dapat na magpaapekto sa damdamin. Unti-unti ang ginawa niyang pag-ikot at naroon siya at matikas na nakatayo sa harapan ng mesa niya. Hassan Claveria. Nais na matawa ni Elvina sa pangyayari. Oo nga't nabalitaan niya ang nangyari sa pamilyang Claveria noon ngunit ang makita ang lalaking sobrang taas ng tingin sa sarili noon na nakatayo ngayon sa harap niya, at nag-a-apply bilang bodyguard niya ay sadyang nakakatawa para kay Elvina. Ang buhay nga naman. Hindi mo alam kung kailan ka babagsak sa trono mo. Hindi mo alam kung kailan ka lalagapak sa lupa. At ang nakadagdag sa gigil ni Astrid ay ang mga mata nito. Mga matang walang mababakas na recognition habang nakatitig sa kaniya. O magaling lamang itong magpanggap? "Have a seat." pinilit ni Astrid na maging kalmado ang kaniyang boses kahit pa kumukulo ang kaniyang dugo at nanginhinig ang kaniyang kalamnan sa galit. "Thank you." umupo sa harap niya ang lalaking kinamumuhian at hinanap naman niya ang resumè nito at nagkunwaring binabasa ang mga nakasulat. "Introduce yourself." Tumikhim ito bago umayos ng upo. Bumuka ang bibig nito ngunit hindi nag-abala si Elvina na pakinggan ang sasabihin nito bagkus ay sinabi na niya sa isipan ang sagot sa sariling tanong. Ikaw si Hassan Claveria na nag-iisang anak ni Asrrid at Mauricio Claveria. Ikaw ay isang mayabang, matapobre at mapangmatang tao. Ikaw ay walang pakialam sa ibang tao at gustong nanggigipit ng iba. Ikaw ay isang walang kwentang tao. At ikaw ang lalaking nakatakda kong durugin at pahirapan kagaya ng ginawa mo noon sa akin. Nang matapos ang pagsasalita nito ay muli siyang nagtanong. "Mr. Claveria, am I somehow familiar to you?" "Yes." Kumabog ang dibdib ni Elvina sa narinig. Kilala mo ako ngunit ang lakas ng loob mong pumunta dito at mag-apply bilang bodyguard ko? Tanong niya sa sarili. "Madalas kitang makita sa billboards, commercials and commercials." Ang galit na naramdaman ay napalitan ng pagtataka hanggang sa natagpuan ni Elvina na pinag-aaralan kung nagsasabi ba ito ng totoo. Talaga bang ganoon kadali para sa'yo na kalimutan ang taong 'pumatay' sa minamahal mong Ina? nangungutiyang tanong ni Elvina sa isipan. But then again, even she herself wouldn't be able to recognize herself. Malayong-malayo ang hitsura niya noon sa ngayon. "You're hired. You can start tomorrow." Lumarawan ang gulat sa mukha ni Elvina at sa kabila ng kaniyang muhi sa binata. Hindi niya maitatanggi na malaki ang ipinagbago nito. Mas lalo itong naging gwapo at maganda ang hubog ng katawan na humuhugis sa suot nitong suit. Mula sa makapal na kilay na diretso ang arko, mga ilong na matangos at mga labi. Pagkuwa'y napataas ang kilay niya nang lumarawan ang saya sa mukha nito. "Thank you! I promise I will do my best." Oh, you should. Tignan natin kung hanggang saan ka tatagal, Claveria. Bukas ay magsisimula na ang impyernong mararanasan mo sa mga kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD