Napapa buntong hininga ako. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib ng makalapit na ako sa pinto. Humigop muna ako ng maraming hangin bago kumatok dito.
"Ay! anak ng kabayo!" pa sigaw na sabi ko ng magulat ako sa pag bukas ng pinto at niluwa nito si sir Jacob na walang damit pang itaas tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa bewang nito at bagong ligo ito dahil basa ang mga buhok nito.
"Sabel" tanging na banggit nito sa aking harapan.
"Si-sir Jacob ang mga damit po hahatid ko po sana." pa utal utal na sabi ko sa kanya.
"Sige paki pasok na lang dun sa lagayan ko. Salamat." utos nito sa akin sabay pag bukas ng pinto para makadaan ako.
"Papasok ako? Akala ko kukunin niya na lang ang basket." pag uusap ko sa sarili ko.
"Hay naku sabel alangan naman di ka papasok? Siya ang amo siya pa ang mag aadjust?" pag saway ng aking isipan.
"Ok po sir." sagot ko sa kanya sabay pag lakad bitbit ang basket ng mga damit niya.
Pagpasok ko ay agad ko na sinimulan para matapos ako.
"Sorry pala kagabi." biglang narinig ko na sabi nito mula sa aking likuran na ikinagulat ko. Na aamoy ko ang mint scent nito mula sa aking likuran.
Unti-unti akong umikot pa harap sa kanya na ikinagulat ko na malapit pala ito sa akin dahil may inabot ito na damit mula sa itaas na parte sa kinatayuan ko parang gusto kong maging estatwa or magpalamon sa sahig na kinatatayuan ko.
"O-ok lang po-po si-sir." pa utal utal na sabi ko dito na naka yuko.
"Nagawa ko lang iyun sa saka lasingan ko." paliwanag nito sa akin sabay hawak sa ibabang baba ko para iangat ito at magka titigan kami at inalaki ito ng mga mata ko.
"Si-sir o-ok lang po." sabi ko sa kanya na parang nanlamig ang kamay ko na parang may sumindi na init sa loob ng katawan ko.
Nagka titigan kaming dalawa. Mas kita ko na ngayon ang ka gwapohan nito. Nakikita ko ang mapupungay na mata nito. Sobrang gwapo talaga ni sir Jacob na parang imposible na walang babae ang nagkakagusto sa kanya.
"Si-sir" biglang tawag ko dito ng dumampi ang labi nito sa labi ko. Sobrang lambot ng labi nito at nalalasahan ko na ang matamis na laway nito.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko na ikinagulat ko at ikinalaki ng aking mata dahilan din nito na mapa nganga ako. Di ko alam kng ano gagawin ko di naman kasi ako marunong sa ganito. Tumigil ito sa pag halik at humalik ito sa noo ko, ako naman ay na tulala sa nangyari na this time di na siya lasing.
"Sorry." sabi nito ng paghalik nito sa noo ko at lumabas sa dressing room niya. Hindi ako nakasagot sa gulat sa nangyari.
Nung makabalik ako sa aking ulirat ay dali-dali na akong umalis iniwan ko na ang basket na dala ko sa silid niya.
"Alis na po ako sir." paalam ko ng makalabas ako sa dressing room niya at dali daling nag lakad palabas ng silid niya, di ko na hinintay ang pag sagot nito.
Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa aking kwarto. Agad akong kumuha ng tuwalya ko at naligo. Bumabalik sa aking isipan ang mga pangyayari. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko ang pag ilaw ng aking cellphone. Nilapitan ko ito ay my mga missed call na ito at galing sa aking matalik na kaibigan na si Jane.
Ako: "Hello bestie" bungad na bati ko dito ng sumagot ito sa pag tawag ko.
Jane: "Kamusta kana? Akala ko nakalimutan muna ako di ka sumasagot sa text at tawag ko." sabi nito sa kabilang linya na may malungkot na boses.
Ako: "Ikaw pa ba makakalimutan ko? Aba! syempre hindi pwedi. Ok lang naman ako dito bestie ikaw kamusta diyan sa trabaho mo?" sabi ko dito na natatawa sabay tanong sa kanya.
Jane: "Ok lang naman bes, may good news nga ako sayo eh." sabi nito sa kabilang linya na ramdam ko ang saya nito.
Ako: "Aba, aba, ano iyan? May boyfriend kana?" natatawang tanong ko.
Jane: Naku! bes, hindi noh... ahaha... ano kaba wala pa isipan ko yan.
Ako: eh ano iyan, excited na ako marinig ang good news mo.
Jane: May bagong trabaho na ako bes!
Sabi nito na sobrang saya sa boses nito.
Ako: wow! congrats bes!
Jane: Thank you bes, soon magkikita na tayo.
Biglang sabi nito na ikinagulat ko.
Ako: Ha? Paano? Luluwas ka din ng Maynila?
Jane: Oo bes, sa Maynila ako nakakita ng bagong trabaho. Sayang naman pag di ko kunin, malungkot kasi malalayo ako dito sa amin pero wala akong choice para din naman sa aming lahat ito.
Ako: Talaga ba? Wow! sana nga magkita tayo kung makakalabas ako dito. Di pa nga ako nakaka pagtanong kung may day-off ako dito. Sana nga magkita tayo.
Jane: Sana nga meron para magkita tayo at makapag bonding.
Ako: Kaya nga bes, miss na kaya kita.
Jane: Ako din kaya, kaya nga sobrang saya ko ng matanggap ako sa trabaho na ito dahil nasa office lang ako at my day off din. Kumusta pala amo mo mabait ba?
(Biglang tanong ni Jane at nalala ko naman ulit c sir Jacob.)
Ako: Oo mababait sila bes.
Jane: May anak ba sila na lalaki? Gwapo ba?
(Biglang natatawang tanong nito)
Ako: Sakto lang.
(Pagsisinungaling na sagot ko.)
Jane: Wheeeeee... di nga..... Ahahaha
Ako: Ang totoo niyan ay, sobrang pogi bes. Ahaha
Jane: Single ba? Go muna yan bes. Ahahaha.
(Panunukso nito sa akin)
Ako: Naku bes malabo, ang layo kaya ng estado namin, langit siya lupa ako.
Jane: Naku malay mo, langit siya at dalhin ka niya sa langit.
(Sabi nito na tawang tawa sa kabilang linya.)
Ako: Naku bes.... kung alam mo lang.
Jane: Ha? Bakit? May nangyari na sa inyu? Dinala ka na sa langit?
Ako: Hoy! hindi ah! Ahahahaha.... Wala uy! di naman ako type nun. Di ako ang mga type nun at sobrang layo kaya ng edad mo.
Hmmmmm... Halik lang
(Sabi ko dito sabay kagat sa pang-ibabang labi ko)
Jane: Talaga?! Masarep ba? .. Ahahahaha...
Ako: Lasing naman yun nung nangyari.. ahaha... Aksidente lang naman.
Jane: Naku naku bes, uulit yan... ahahahahaha... kaya humanda.
Ako: Hoy! di naman siguro bes... ahaha.. kung ano-ano mga sinabi mo.. ahaha..
Jane: Malay mo diba.. ahahahaha...
Ako: Ewan ko sayo. Matulog na tayo at gabi na.
(Natatawang sabi ko sa kanya.)
Jane: Oh sha! sige na. Basta balitaan mo ako sa boss mo. Ahahahahaha
(Panunukso nito.)
Ako: Geh, bye! Di na yun mauulit at di ko ibibigay ang bataan noh.. ahaha...
Jane: Let see.. ahahaha.. basta balitaan mo ako.. ahaha
Ako: Bye bes, see you when I see you na lang.
Jane: Sige, balitaan kita pag luluwas na ako ng maynila bes. Bye!
Mahaba haba din ang naging usapan namin ng aking matalik na kaibigan. Pasaway talaga beshie ko na yun kung ano ano ang mga sinasabi. Natutuwa ako para sa kanya dahil unti unti niya nang na aabot ang pangarap niya na makahanap ng mas magandang trabaho. May trabaho naman ito sa aming probinsya pero mas pangarap niya ang makapag trabaho sa maynila dahil mas malaki ang sahod dito. Kung nakapag tapos lang sana ako ay makakahanap din ako ng magandang trabaho tulad niya. Kasalukuyang naka higa ako at nakatingin sa kisame at maraming iniisip. Sana may day-off nga ako para kung andito na si Jane ay magkita kami. Habang marami akong iniisip ay di ko na malayan ang unti unting pag pikit ng aking mga mata.
Nagising na lang ako sa pag alarm ng aking cellphone. Agad akong nag unat ng aking katawan at kumuha ng tuwalya para maligo. Noong matapos akong maligo ay tinuyo ko ang aking mahabang buhok gamit ang aking tuwalya.