Sobrang gwapo talaga ni sir ng mas malapitan. Pero agad naman akong umalis dahil napatingin ito sa akin. Grabi ang kabog ng aking puso.
"Naalala niya ba ang nangyari kagabi o marahil hindi dahil lasing ito? Buti na lang naka kalas ako kung hindi marahil kung ano na ang nangyari kagabi." Pag uusap ko sa aking sarili habang pabalik sa kusina.
"Nak ok ka lang ba?" pag aalalang tanong bigla ni nanay na naka tingin sa akin baka nakita ako na malalim ang aking iniisip.
"Ah opo nay." sagot ko dito na may halong pekeng ngiti.
"Malalim kasi ang iniisip mo" pagaalalang sabi ni nanay.
"Ha? wala po ito nay." pagsisinungaling na sagot ko dito.
Dali-dali naman akong umupo sa maliit na mesa na kinakainan namin.
***** JACOB POV *****
Nagising ako na masakit ang aking ulo. Di ko na alam ang mga nangyari na iba kagabi. Buti na lang at nakauwi ako ng ligtas. Bumangon na ako at nag handang maligo. Pagkapasok ko ng banyo ay agad akong nag shower. Bigla akong napa buntong hininga ng biglang may sumagi sa aking isipan na may isang imahe ng babae na aking hinalikan.
"Sino kaya ang babae na iyun? Mukhang sa silid ko iyun nangyari hindi kaya si sabel iyun? Hindi pwedi ang laking gago ko pag nangyari iyun ang bata pa naman ng babae na iyun at anak ni manang edith iyun." sabi ko sa sarili ko na napahawak sa aking noo.
Nung matapos ako ay agad akong nag bihis. Nang makabihis ako agad na akong bumaba para mag almusal.
Nang makababa ako ay nakita ko sina manang edith, c flor at c sabel na busy na kusina at nakahanda na ang lahat. Nakita ko ang mukha ni Sabel na gulat sa presensiya ko. Tama nga hinala ko may nangyari nga kagabi pero di na tuloy. Pero ng dahil sa isang halik na di inaasahan at panandalian lamang iyun pero parang nakaramdam ako ng init sa aking katawan. Hindi ito maari ang bata pa ni sabel.
Habang ako ay kumakain nakikita ko siya na napapasulyap sa akin, lalong lalo na ng maglagay ito ng juice malapit sa kapatid ko. Nagka titigan kami ng mabilis dahil ng mabalik ito sa sarili ay agad itong tumalikod at bumalik sa kusina. Ako naman ay nag iinit na parang merong gustong kumuwala sa loob ko, dahil lamang sa isang halik na di inaasahan ay nakakaramdam ako ng ganito kahit lasing naman ako nung gabi.
Nag ayus na ako at tumayo para umalis na papuntang opisina. Magkasabay kami ni dad na pupunta ng office pero magkaibang sasakyan kami sila ni Scarlet ang magkasama sa sasakyan.
"Mom, alis na po ako." nka ngiting paalam ko dito sabay halik sa pisngi dito.
"Ok ingat kayo." sabi ni mom sa aming tatlo.
"Yes we will." sagot ni dad dito sabay halik sa kanya.
Ang sweet talaga nila mommy at daddy kahit kailan di ko sila nakitang nag-aaway ng malala. Pangarap ko ang katulad din nila na makahanap ako ng makakasama ko sa buhay na nag mamahalan at ang sweet sa isa't-isa. Pagkalabas naming tatlo at kanya kanyang sakay na kami.
Habang nasa byahe ako ay sumagi na naman sa isipan ko si Sabel. Kung bakit nangyari yun. Isang malaking pagkakamali iyun baka sa nangyari ay baka biglang umuwi ito ng probinsya nila at hindi dapat iyun mangyari.
"Bakit biglang nakaramdam ako ng takot na umalis ito ng bahay? Eh, para sa isang halik lang naman iyun. Bakit may malaking epekto sa akin?" biglang tanong ko sa aking isipan na naguguluhan sa aking nararamdaman.
Marami na akong natikman na babae sa buhay ko at walang epekto ito sa akin. Safe ako na gumagalaw sa kahit sinong babae dahil gumagamit ako ng proteksyon kasi importante iyun. Pero bakit para sa isang halik lamang biglang gumulo ang aking isipan. Presensiya niya palang kanina ay nag bibigay init sa aking katawan. Alam kong hindi ito pwedi sobrang bata niya para sa akin.
Fast forward.......
Nakarating na ako ng Office at lumapit sa akin ang aking sekretarya na nag bigay sa akin ng mga schedule ko at mga report. Ginugol ko ang oras ko sa trabaho.
******* ISABELLE "Sabel" POV *********
"Sa wakas! umalis na sila lalong lalo na si Sir Jacob. Naalala niya kaya ang nangyari kagabi? Alam ko kiss lang iyun hindi big deal sa kanya pero sa akin big deal lalo't na first kiss ko iyun. Jusko! nagka first nga ako sa isang lalaki na pogi lasing pa... ahaha.." paguusap ko sa aking sarili na natatawa.
Nagpa ka busy ako ngayon sa paglilinis pag aasikaso sa bahay. Kakatapos ko lang dinag hatid ng pagkain kay Mrs. Smith sa silid nito dahil nag request ito na doon kakain. Sobrang busy di ko na ramdaman ang mga oras na sobrang bilis na mag gagabi na ng makita ko ang pag unti-unting pag dilim ng mga langit sa labas. Ang bilis ng mga araw at malapit na si nanay umuwi.
"Kaya ko kaya na wala ang inay? Paano na kung wala na siya dito? Di naman siguro ako papabayaan ni ate flor?" mga sunod-sunod na pagtanong ko sa aking isipan na may pagaalala.
"Nak, hali ka't mag ayus na tayo ng haponan. Mayamaya ay darating na sila Sir Jacob at Sir Harold. Bababa na din maya-maya sina Mrs. Smith at scarlet." paliwanag ni nanay sa akin para makapag handa na kmi ng haponan.
"Ok po nay." sagot ko dito.
"Nay, sa susunod na mga araw nay uuwi kna." malungkot na sabi ko dito, ng malala ko ang pag uwi nito.
"Excited na ako makikita ko na mga kapatid mo at lalong lalo na si tatay mo." masayang sabi nito sa akin.
"Kaya ko kaya dito.?" biglang pag-aalalang tanong ko dito.
"Kaya mo yan nandyan naman si ate flor mo, mag tagal ka ay masasanay ka naman dito." nakangiting sabi da akin.
"Wag kang magalala sabel andito ako magtutulongan tayo." nakangiting sabi naman ni ate flor sa akin.
"Salamat po ate." sagot ko dito na naka ngiti.
Maya maya lang ay natapos na kami sa paghahanda. Nagsibabaan na ang dalawang babae na Smith at dumating na din sina Sir Jacob at ang daddy nito. Biglang kumabog na naman ang aking dibdib. Di ko ma intindihan kung sa takot ba sa kay sir Jacob ang raramdaman ko or dahil sa nangyari. Sa isip isip ko ay di naman yun mauulit kasi alam kung di naman niya iyun sinasadya. Yan na lang ang tinatatak ko sa aking isipan. Alam ko ang pogi ni sir at lahat ng babae ay nagkakandarapa para ma tikman ito pero ako ay nasa mababang angkan lamang ng galing ay di ako pasok sa standard nito. Itsura palang ni sir ay maka hulog na ng panty. Noon mahilig ako mag basa ng mga w*****d o pocketbook at kung ano-ano pa, doon ko lamang nababasa ang mga pogi na imahe ng mga lalaki pero di ko inaasahan na sa buong buhay ko ay makakakita ako ng ganito ka pogi na mala Adonis na ka pogi-an at naka halikan ko pa pero lasing pa. Natatawa ako sa aking isipan. Ilang oras lang ay natapos na kaming lahat sa pagkain, si ate flor ang nag bulontaryong mag hugas ng plato.
"Nak, paki akyat mo nga mga labahin natapos ko na lahat tupiin at plansyahin mga yan." biglang utos sa akin ni nanay ng makita akong naglalakad patungo sana sa aking silid.
"Jusko! maghahatid na naman ako, paano si sir Jacob? Sana lamang ay di niya na lang maalala iyun." biglang paguusap ko sa saili na may kaba sa aking puso.
"Ok po nay." nakangiting sagot ko dito.
Dali dali ko ng inakyat lahat inuna ko ulit ihatid ang sa mag asawang Smith at sunod kay scarlet. Habang pa akyat na ako ng hagdan para sa huling basket ay