Habang Kumakain sila Mr. & Mrs. Smith at Scarlet ay kumain na din kaming tatlo. Tamang tama kasi ang pag dating ni Sir Harold naka handa na ang haponan at nakababa na ang dalawa. Tanging si Sir Jacob lang ang wala dito baka busy pa sa trabaho.
"Grabi naman sa hardwork ni Sir Jacob kahit gabi ay subsub parin sa trabaho." paguusap ko sa aking sarili.
Kaming tatlo nila nanay ay kumain na din dito sa mesa namin sa kusina. Nung matapos na ang mga Smith ay agad ko naman itong niligpit dahil na una na akong natapos.
"Lagay muna lang diyan Sabel at ako na mag huhugas para matapos muna ang tataposin mo." biglang sabi ni ate flor sa akin.
"Salamat po ate." sagot ko dito at agad kung kinuha mga damit ni Scarlet at ihahatid ko sa silid nito.
"Hi, Scarlet hahatid ko sana ito at aayusin sa gamit mo." nakangiting sabi ko dito.
"Ok po, pasok po kayo." nakangiting sagot nito sa akin sabay bukas ng pinto.
Agad naman akong pumasok dala ang basket at malilinis na damit nito. Nililibot ko ang paningin ko sa kwarto nito sobrang ganda kasi. Kulay light violet sa loob at my white. Sobrang na gandahan ako. Mapapa sana all ka talaga. Agad akong nag tungo sa isang pinto na tinuro niya sa akin kung saan ko ilalagay at kulay Violet ang pinto nito. Binuksan ko ang pinto bumungad sa akin ang isang silid na pero halos mga kabinet ng mga damit, sapatos at mga mamahaling bags ang naririto. Agad ko na nilagay mga damit nito sa mga tamang lagayan.
"Alis na po ako." paalam ko dito na busy sa higaan nito na nakatingin sa laptop nito.
"Thank You ate sabel." nakangiting sabi nito sa akin.
Agad naman akong lumabas para masunod ko ang kay sir Jacob habang wala pa ito. May mga kabug sa dibdib ko ang di ko ma wari.
"Nak, last na bah yan?" ng makita ako ni nanay mula sa laundry area bitbit ang isang basket.
"Opo nay, kay Sir Jacob, papasok lang po bah ako dun?" nag-aalalang tanong ko ky nanay.
"Kumatok ka kung walang sumagot, pumasok ka na lang tapos my pinto dun sa loob ng kwarto nito dun mo din lagay tulad ky Scarlet na silid." paliwanag ni Nanay.
"Ok po nay." sagot ko dito.
"Matapos mo yan ay magpahinga ka at ako ay matutulog na." sabi ni nanay sa akin.
"Opo nay, tataposin ko lang po ito." sagot ko kay nanay.
Agad akong dali-daling umakyat baka wala pa naman si sir ay mas mabuti na hihiya ako na pumasok kasi sa silid nito. pagkarating ko ay agad akong kumatok. Pinihit ko ang doorknob nito at di naka lock. Agad akong pumasok ang ganda at ang linis din ng silid nito kulay puti at gray ang kulay naman dito. Nag tungo ako sa silid kung saan naroroon ang kabinet nito. Agad kong inayus ang mga damit nito.
"Sh*t" biglang sambit ko.
May naramdaman akong biglang yumakap.sa likuran ko.
"Sh*t si sir ba ito? O panaginip ko lang ito?" sunod sunod na tanong ko sa sarili ko.
Di ko ma intidihan ang naramdaman ko dahil biglang uminit ang katawan ko ng di ko ma intindihan.
"Si-sir?" na uutal na sabi ko.
"Di yata ako narinig. Lasing ba siya?" na istatwa na tanong ko sa sarili ko.
Mas uminit pa ang katawan ko ng maramdaman ko ang pag halik nito sa balikat ko. Kahit may damit ako ay nakakaramdam ako ng init sa ginawa nito. Bigla niya akong hinaharap sa kanya. At nakatulala akong nakaharap sa kanya. Nagtinginan kami sa mata sa mata. Parang gusto kong matunaw sa harapan nito. Aaminin ko na attract ako nung unag araw na makita ko siya, pero wag naman ganito ka bilis.
"Jusme ano ba ito?" natong ko sa isipan ko.
Bigla akong natauhan ng makalanghap ako ng alak mula sa hininga nito. Lasing nga siya.
Hinalikan niya ako ng mahinahon. Habang ako ay nakatitig sa kanyang ginagawa. Kinagat niya bigla ang pang-ibabang labi ko at napanganga ako. Pinasok nito ang dila nito sa loob ng bunganga ko. Ang pait ng lasa. Wala pa naman akong alam sa mga ganito.
"Ahhmmmm" ungol ko sa mga halik nito.
Bigla ko siyang tinulak ng matauhan ako.
"Sir!" tawag ko dito.
Agad akong dumistansya sa kanya ng maitulak ko siya.
"Sorry." tanging sabi nito sa akin ng matauhan dito sa ginawa nito.
Agad akong tumakbo palabas ng kwarto niya. Dumiretso agad ako sa aking silid.
"Oh my! ano ba naman si sir. Bukas ano ang ihaharap ko matapos ang nangyari? Pero dapat umakto na lang ako na parang wala." Sabi ko sa sarili ko ng makapasok ako sa kwarto ko at grabi ang kabog ng aking dibdib sa kaba. Bigla akong nakaramdam ng takot.
Di ko na malayan na nakatulog pala ako sa kakaisip sa nangyari. Agad na ako naligo at nag ayos. Lumabas agad ako ng kwarto at nag tungo sa kusina.
"Good Morning nay, good morning ate flor." bati ko sa kanilang dalawa na busy sa pag-aasikaso ng almusal ng mga Smith.
"Good morning nak, kamusta pala kagabi? Natapos mo na lahat ihatid mga damit nila?" bati ni nanay sa akin at biglang nag tanong sa mga damit ng mga Smith. Agad ko na alala ang nangyari kagabi.
"Ah-eh natapos ko po lahat nay." sagot ko dito at nag fake smile dito. Sa totoo lang ang ay kay sir Jacob ay di ko na tapos.
"Ok naman kung gayun." nakangiting sagot ni nanay sa akin.
Nagtungo ako sa isang drawer kung saan nakalagay ang mga malinis na placemat at agad itong kinuha para ilagay sa mesa na pagkakainan ng pamilyang Smith.
"Nak, paki lagay na din ng mga ibang pagkain." utos ni nanay sa akin.
"Ok po nay." sagot ko dito.
Tamang tama noong matapos ako ay pagdating ng mga Smith. Biglang bumilis ang pag tinbok ng puso ko ng makita ko si sir Jacob at nakita ko din itong tumingin sa akin. Agad naman akong tumalikod at umupo sa upuan sa pinagkakainan namin nila nanay.
"Ano ba Sabel wala naman iyun lasing lang si sir Jacob kaya na gawa niya yun. Ako? Di naman ako magugustuhan niyan di ako pasok sa standard niya at sobrang layo ng edad namin." paguusap ko sa aking sarili sabay hingang malalim.
"Sabel ok ka lang?" biglang tanong ni ate flor sa akin na nakita pala akong napa singhot ng hangin.
"Ok lang po ako ate." pagsisinungaling na sagot ko dito kahit hindi naman.
"Parang naka kita ka kasi ng multo, ahaha" natatawang sabi ni ate flor sa akin.
"Ahaha... wala po ate." natatawang sagot ko para di na mag duda ito.
"Nak, palagay naman nito doon sa mesa nila." biglang tawag at utos sa akin ni nanay na parang ayaw kong tumayo sa kinauupuan ko.
"O-ok po nay." nauutal na sagot ko dito at tumayo. Agad ko naman dinala ang glass na pitsel na may lamang malamig na tubig at nilagay sa mesa nila.
Parang gusto kong maglaho ng bola kasi naman dito talaga ako mag lalagay ng pitsel sa malapit ky sir Jacob.
"Excuse me po." sabi ko para malapag ko ang dala ko.
"Thank You."mahinang sabi nito ng malapag ko ang dala ko sa mesa.
"Ok po." tanging sagot ko.
"Nak, itong juice pa." bungad na utos ni nanay sa akin ng makabalik ako sa kusina.
Agad ko naman kinuha ang pinaguutos ni nanay. Sa ngayon ang pag lalagyan ko ay da tabi ni Scarlet sa kung saan kaharap ko naman si sir Jacob.
"Excuse me po." sabi ko kay Scarlet para ma lapag ko ang juice malapit sa kanya.
"Thank You ate." sagot nito na nakangiti.
"Welcome po." nakangiting sagot ko sa kanya. Bago ako makaalis ay nasilayan ko pa ang mukha ni sir Jacob sa malapitan.