CHAPTER 3 - UNANG ARAW BILANG KASAMBAHAY

1301 Words
"Kamusta na kaya mga kapatid ko? Na miss ko na sila bigla. Susunod na mga linggo ay si nanay uuwi na din sa probinsya. Kaya ko kaya na wala si nanay?" paguusap ko sa sarili ko habang nag aayus ng baon ni Scarlet. Biglang sumagi sa isipan ko kung kaya ko kaya ang trabaho na wala si Nanay? "Ok na ito nay?" biglang tanong ko ky nanay ng matapos ko na malagay ang babaonin ni scarlet sa bento box niya. "Oo ok na iyan anak, lagay muna lang sa kanyang lunch bag at lagay mo lang diyan at kukunin niya lang mamaya." paliwanag ni nanay sa akin. "Ok po nay." sagot ko sabay ayus ng baon ni scarlet sa lunch bag niya. "Thank You manang." biglang sabi ni scarlet ng makuha na ang lunch bag niya. Di namin na malayan na tapos na pala siyang kumain. "Si ate mo isabelle ang nag ayus ng baon iha, simula ngayon siya na ang mag aayus ng mga babaonin mo." nakangiting sabi ni nanay dito. "Ay, thank you ate Isabelle." nakangiting sabi nito. "Ate Sabel na lang tawag mo sa akin." nakangiting sabi ko. "Ok po, manang at ate alis na po ako." paalam nito sa amin ni nanay. "Ingat iha." sagot naman ni nanay dito. Umalis na si Scarlet si manong david ang mag hahatid dito. Samantala ang mag ama ay kanya kanyang sasakyan silang dala. Pagka alis nila ay niligpit na ni nanay ang mga pinagkainan nilang tatlo iniwan pa ni nanay ang ibang pagkain dahil di pa nakakababa si Mrs. Smith. Ang mga naligpit ni nanay ay aking na hinugasan. Si manang flor naman ay abala sa labas sa garden kasi siya ang nakatuka dun sa harap. "Nak, dito ka muna at ako ay pupunta muna sa laundry area para isalang ko muna ang mga labahin doon." paalaman ni nanay at umalis na ito at nagtungo sa laundry area na malapit din sa maids room. "Good Morning ma'am." bati ko kay Mrs. Smith ng makita ko itong pumasok ng bahay. Nakababa na pala ito baka nanggaling sa garden ito kasi narinig ko ky nanay ay paborito niya talaga ang mga bulaklak. "Good Morning sabel." bati din nito sa akin. "Kumain na kayo?" biglang tanong nito. "Di pa po ma'am tataposin ko lang po namin mga gawain ma'am at kakain din kami. Nakapag kape naman po kami nila nanay at ate flor kanina po." nakangiting paliwanag oo dito. "Ok sige, kain tayo!" nakangiting aya nito at nag simula ng kumain. "Salamat po ma'am." tanging sagot ko dito. Matapos ko ang mga hugasin ay pinunasan ko na lahat isa-isa para matulo na at ilalagay sa mga lagayan ng plato at baso. Nung matapos ako ay tamang-tama at natapos na din si Mrs. Smith sa pagkain. "Sabel akyat na ako if may mag hanap man sa akin ay nasa aking silid lamang ako." nakangiting sabi nito. "Ok po ma'am." sagot ko dito. Niligpit ko na ang mga kinain nito pati ang mga pagkain. Maya-maya ay dumating si nanay na nag mula sa laundry area. "Nak, naka kain naba si madam?" tanong ni nanay ng ito ay makalapit na sa akin. Kasuluksulukan akong nag huhugas ng kinainan ni Mrs. Smith. "Opo nay, kaka akyat niya lang po." sagot ko kay nanay. "Sige taposin muna iyan nak at tatawagin mo muna si ate mo Flor para maka kain nadin tayong tatlo." paalam ni nanay at agad itong nag tungo papuntang labas sa may garden. Habang tinawag ni nanay c ate flor ay agad akong nag ligpit ng mga plato namin para pag pasok nila nanay ay maka kain na kami ng almusal. "Nay, nandyan na pala kayo, dali kain na tayo nay at ate flor." nakangiting pag-aya ko sa kanila ng makalapit na sila sa akin. "Sige susunod ako maghuhugas lamang ako ng aking kamay muna." sagot ni ate flor sa akin. Sabay-sabay kaming tatlong kumain. Masayang nag uusapan kaming tatlo. "Manang malapit na pala birthday ni Scarlet ano, dito kaya siya mag cecelebrate ng debut niya?" biglang tanong ni ate flor kay nanay. "Di ko alam siguro mag debut yun ay wala na ako rito, nasa probinsya na ako niyan." paliwanag ni Nanay. "Kailan po ba debut niya nay?" tanong ko nanay. "Next month mag 18 na si Scarlet." sagot ni nanay. "Sa mga dumaang birthday niyan ay halos bungga ano pa kaya ang 18 siya." nakangiting sabi ni ate flor. "Syempre bongga yan di pweding hindi." sagot naman ni nanay kay ate flor. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na kaming kumain. Ako ang nag hugas ng mga pinag kainan naming tatlo. Lumabas ulit si ate flor para maglinis sa labas. Nung matapos ako ay agad akong nag tungo ky nanay. "Nak, tulungan na kita." nakangiting sabi ko kay nanay ng makita kong busy ito sa pag lalabas ng mga damit na tapos na ma washing at pag pasok ng ibang labahan. "Tupi-in muna lang iyang mga natapos ng ma washing." utos sa akin ni nanay. "Ok po nay." sagot ko dito. Agad ko dinampot ang basket ng mga malinis na labahan. Ang ganda talaga sa mga mayayaman kasi pag labas ng washing machine ay pwedi ng planchahin at tupi-in. Tinuruan din ako ni nanay na pagtapos planchahin at tupi-in ay ilagay ko raw sa mga kanya kanyang basket nila. Maya-maya ay nagpa alam si nanay at maghahanda daw ng pananghalian ni Mrs. Smith. Ako naman at naiwan dito sa Laundry area. Nung matapos ko na malagay lahat ng mga natuping damit ay lumabas ako ng laundry area. Nalinis ako ng sala sa iba pang parte ng bahay maliban sa mga silid nila. Dumaan na ang mga oras ay unti-unti na ang pag dilim. "Nak, hali ka muna dito." tawag sa akin ni nanay. "Ano po yun nay?" tanong ko dito ng makalapit ako sa kanya. "Paki hatid mo nga mga damit sa taas sa mga silid tapos pakilagay muna din sa mga kabinet nila. Yung sa mag asawang Smith bigay mo lang ky madam at siya ang bahala dun. Ang kay Scarlet at Sir Jacob ang ayusin mo." utos ni Nanay sa akin sabay paliwanag ng mga gagawin. Agad akong nag tungo sa Laundry kinuha ko ang basket na kina Mrs. Smith. "Nak, pakidaanan na din si madam paki sabi ay naka handa na ang haponan." utos ni nanay sa akin. "Ok po nay, tamang tama kanilang basket ang uunahin kung dadalhin ko." sagot ko ky nanay. "Ok sige." sagot nito. Agad naman akong umakyat dala-dala ang basket nila Mrs. Smith. Inuna ko muna ang sa kanila kasi mabilis lang ang sa kanila dahil hahatid ko lamang ito. Ng makarating ako sa pinto na tinuro sa akin ni nanay ay agas akong kumatok. Mabilis naman itong bumukas. "Magandang gabi po ma'am. Hahatid ko lang po sana itong mga damit niyu po at sabi ni nanay nakahanda na po ang haponan." nakangiting sabi ko dito. "Ok sige susunod ako, paki daanan na lang din si Scarlet please paki sabi bumaba na at kakain na." nakangiting utos sa akin ni ma'am melany. "Ok po ma'am." nakangiting sagot ko dito. Dalidali akong tumungo sa kwarto ni Scarlet di naman ito mahirap hanapin kasi kulay purple ang pinto halatang-halata na paboritong kulay nito ay purple. Kumatok agad ako sa pinto nito. "Ma'am kakain na po." sabi ko dito ng pag buksan ako ng pinto. "Ma'am? just call me Scarlet." natatawang sabi nito sa akin. Pati ako natawa sa sinabi niya sa akin. "Ok, Scarlet tara na po sa baba." pag aya ko sa kanya. "Ok wait lang po." sagot nito sa akin at dali-daling kinuha sa loob ang cellphone nito at lumabas ng kwarto. Sabay na kaming bumaba ni Scarlet. Pagkadating namin sa baba ay nauna na palang bumaba ang mommy nito. Agad na umupo si Scarlet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD