"Kaya pala magaganda at pogi pala mga anak nay kasi mismo ang pinagmulan nila at mga magaganda't pogi din pala, mala adam at eva." pabulong na sabi ko ky nanay dito na nakatayo mula sa kusina.
"Oo mga magaganda at pogi sila anak. Ang pamilyang ito ay mga mababait na tao sila kaya wag kang matakot sa kanila." pabulong na paliwanag ni nanay sa akin.
"Oh manang edith iyan na ba ang anak mo?" Bungad ni mrs. smith ng makita kami ni nanay.
"Opo ma'am, ito po si Isabelle po ma'am." nakangiting sabi ng nanay ko dito sabay pakilala sa akin.
"Welcome iha sa bahay." nakangiting sabi ni Mrs. Smith sa akin.
"Salamat po ma'am." nakangiting sagot ko dito.
"Manang kain na din kayo nila flor." utos niya kay nanay ng mag sisimula na silang kumaing magpamilya.
"Opo ma'am." sagot ni nanay sabat tapik sa aking kamay hudyat para ako'y sumunod sa kanya. Nag tungo kami sa isang parisukat na mesa dito sa kusina at nag handa na din kaming kumain.
Habang kumakain ay rinig na rinig ko ang usapan ng mga smith, nagtatawanan at nagiging seryoso din pag about business na ang pinag uusapan nila. Nakakatuwa lang kasi kahit mayayaman sila ay parang napaka down to earth nila lalo na ang mag asawang smith. Nung matapos na kaming kumain ang mga smith at kaming tatlo nila nanay at ate flor ay nagligpit na din sila nanay ng mga pinagkainan ako ang maghuhugas muna ng mga plato. Nung matapos ako ay nag tungo ako sa likod dumaan ako sa pinto na malapit sa kusina na kumokonekta sa labas patungo doon din ang daan patungo sa swimming pool.
Pagka labas ko ay nag tungo ako sa swimming pool para mag libot libot para kahit papaano ay makabisado ko ang mansion at ang sa labas. Sobrang lawak ng lugar ng mga smith. Nang makarating ako sa swimming pool ay may mga nakita akong iilang dahon na palutang lutang, may mga chinese bamboo kasi ang naka palibot dito na nagbibigay ganda din dito sa paligid ng pool area. Agad ako nag hanap ng net na pang kuha sa mga dahon. Kinuha ko agad ang mga dahon na palutang lutang ng makita ko ang net na ginagamit dito. Nang matapos kong kumuha ng mga dahon ay agad akong nag walis sa mga dahon na nasa balibot na nag sisilaglagan.
Nung matapos akong mag linis sa pool area ay pagka ikot ko ay agad akong napatingala. May nakita akong dalawang teresa na ang sa palagay ko ay silid ito ng mga smith baka sa mga anak nila o sa mag asawang smith tapos ang isa ay sa anak nila.
"Ang ganda naman ng silid kasi pag labas mo ng terasa ay agad bubungad sayo ang magandang view." nakangiting sabi habang tumitingala sa mga teresa na natatanaw mula sa Pool area.
Napapitlag ako ng nakita kong gumalaw ang sliding door dito. Agad akong tumalikod at sa di ko ma wari ay napasilip ako kung sino kaya ang lumabas sa teresa. Ang kinagulat ko at nakita ko si sir Jacob na lumabas at tumayo sa teresa na nasa malayo ang tingin. Wala itong suot na damit tanging naka boxer short lang ito. Agad akong humakbang para umalis ng makita kong gumalaw ang ulo nito baka makita pa akong nakatingin sa kanya. Nag tungo agad ako patungo naman sa garden sa harap ng mansion.
"Jusko po! ano ba itong amo ko bakit ganito ka gwapo pero feeling ko masungit ito kahit ang sabi ng inay ay mabait ito."
****** JACOB POV ******
"Magandang tanghali po sir." biglang bati ni manang edith ng pagkababa ko at nag tungo sa dining area.
"Magandang tanghali din manang, bago siya?" bati ko kay manang sabay tanong ng makita ko ang isang babaeng nasa tabi nito.
"Opo sir, anak ko po pala ka luluwas niya lang mula probinsya at siya na ang papalit sa akin pag naka alis na ako, siya po pala si isabelle sir, anak ito pala si sir Jacob isa sa magiging amo mo dito, anak ng mga smith." paliwanag ni manang sabay paliwanag at pakilala ni manang sa akin sa kanyang anak.
"Ma-magandang tanghali po sir." bati nito sa akin at tumango lamang ako at umupo.
Hinihintay ko sila mommy bumaba para sabay sabay kaming kumain. Pagraan ng ilanh minuto ay bumaba na sila. Sabay tanong c mommy ky manang edith tungkol sa anak nito. Ako naman ay di na masyadong nakinig samantalang ay kumuha na lang ako ng makakain ko.
Pa simple akong sumusulyap sa bagong kasambahay na anak ni manang edith na matagal na naming kasambahay. Uuwi na kasi si manang edith sa kanila at ito ang papalit sa kanya ang anak niya. Nung matapos na kaming kumain ay umakyat na ako pabalik sa silid ko para makapag pahinga. Agad akong naligo nag bihis tanging boxer shorts lamang ang sinuot ko. Lumabas ako ng teresa ng silid ko para lumanghap ng hangin. pagka labas ko ay nakita ko c Sabel na nakatalikod at nag lakad na ito patungo ng garden. Naka tambay ako ngayon kasalukuyan sa teresa tumingin sa magandang view na aking natatanaw mula dito. Nakaka relax talaga ang view ko dito kahit papano ay nakakalimutan ko ang mga stress at pagod sa kompanya.
******* Sabel POV ******
Sobrang ganda talaga ng lugar na ito. Nang matapos ako mag libot libot ay nag tungo na ako sa aking kwarto.
"Sa wakas natapos din ang buong araw ko na matiwasay at sa palagay ko naman ay magiging maayos ang trabaho dito ang babait naman ng mga smith. Mukhang na uuhaw ako kuha nga muna ako ng tubig na iinum." sabi ko sarili ko at agad naman akong tumayo at lumabas ng silid at nag tungo sa kusina.
"Ay kabayo!" sambit ko sa aking isipan ng pagka ikot ko bumungad sa akin si sir Jacob na nakatayo.
"Kanina pa kaya siya?" tanong ko sa isipan ko.
"Pakidala na lang ng lagayan ng tubig." utos sa akin na may hawak na baso.
"Magandang gabi po sir." bati ko dito at mahinang nilapag ko agad ang pitcher na babasagin sa harapan niya.
"Magandang gabi din, gising kapa pala." bati nito sa akin sabay tanong.
"Matutulog na po ako sir pero uminum muna ako ng tubig bigla kasi akong na uhaw po." paliwanag ko dito at ininum ko ka agad ang tubig na nasa baso ko.
"Ok" tanging sagot nito sabay walkout dala ang baso na may tubig niya.
Hinugasan ko agas ang baso na ginamit ko at agad akong bumalik sa kwarto ko.
Pagka umaga ay agad akong nag ayus. Nagpa alarm ako ng 4:30 ng umaga para ma aga pa ako. Naligo na agad ako at nag bihis suot ko na ngayon ang uniporme na bigay sa akin. Medyo excited ako ngayon na may halung kaba nasa maging maayos lang lahat ngayong araw. Nung matapos akong mag ayos ay dali dali akong lumabas ng kwarto at ni lock ko ang kwarto yun kasi ang bilin ni nanay na pag lalabas mag lock talaga ako.
"Morning ate Flor." bati ko kay ate flor ng magka sabayan kaming lumabas ng kwarto at nag tungo sa kusina.
"Morning sabel." bati nito sa akin.
"Morning nay." bati ko naman kay nanay ng makita ko ito sa kusina.
Kasulukuyang tinutulongan ko si nanay ngayon sa pagluluto kasi dapat maagang makahain na daw kami dahil si Sir Jacob, Sir Harold at si Scarlet ay may mga pasok na. Pagkaraan ng ilang oras ay natapos na kaming mag luto at mag hain ng almusal nila. Inayus ko na din ang baon ni Scarlet tinuruan ako ni nanay kung ako ang mga binabaon ni Scarlet pag pumapasok ng paaralan ito. Ang baon nito ay para sa recess niya at lunch. Habang inaayos ko ay biglang sumagi sa isipan ko mga kapatid ko na nasa probinsya.