CHAPTER 6

1804 Words
Chapter 6: Unang pagkita kay Zyaire "Itzy?" "Zyaire?" "Magkakilala kayo?"nagtatakang tanong ni Kylo habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Zyaire. Pero walang pumansin sa kanya at hindi parin naputol ang pagkakagulat ng tinginan ng dalawa. Labis akong nagulat ng makumpirma na si Zyaire talaga ang sinasabing nakababatang kapatid ni Kylo. "What are you doing here? And why are you with Kuya Kylo?"nalilitong tanong ni Zyaire. "I did something bad at her." Sagot ni Kylo sa nalilitong si Zyaire. "Why? What did you do, Kuya?" tanong agad ni Zyaire. "But its unintentional, Zyaire." Depensa agad ni Kylo. "What did you do, Kuya?"madiin na tanong ulit ni Zyaire kay Kylo. "I accedentally bumped at her. And i swear, hindi ko talaga sinadya." Saad ni Kylo habang nakataas sa ere ang dalawang kamay na nagpapatunay na talagang hindi nito sinadya na mabangga siya. Nagulat nalang ako sa biglaang paglapit ni Zyaire sa akin at hinawakan ng marahan ang braso ko. "Nasugatan ka ba, Itzy o nasakatan? Tell me which part is hurt baka sakaling may magawa ako." Nagulat ako sa inakto at sunud sunod na pagtatanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. "Itzy?"pukaw ni Zyaire sa akin. "H-ha?" "Sabi ko saan ka nasaktan?" Kahit gulat pa rin ako itinuro ko nalang sa kanya ang braso kong nasugatan. "Hala! Malaki laki ang sugat mo. Teka umupo ka muna dun sa sofa at hintayin mo ako saglit. Magkukuha lang ako sa medicine kit. Upo ka muna dun ha." Turo nito sa malaking sofa na nasa sala. Pagkaalis ni Zyaire ay napalingon ako kay Kylo ng magsalita ito. "Wow! Nakalimutan yata ako ng kapatid ko dahil sayo. Grabe!" "Ha?" "Grabe mukhang in love sayo yung bunso ko." Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil mahina lang yun. "Ano ulit yung sabi mo?" "Ha? Ah, wala. Ano..."napakamot ito sa ulo." Teka saan pala kayo nagkakilala. Tinanong ko kayo kanina eh pero walang pumansin sakin parang may sarili kayong mundo na kayong dalawa lang. Ang unfair niyo di niyo naman ako sinali sa mundo niyo." Nagmamaktol na sabi ni Kylo. "Anyare sayo?"takang tanong ko dito. Nawewirdohan na ako dito. "Wala,wala. Teka sagotin mo nga muna tanong ko." "Ano? Yung saan kami nagkakilala ni Zyaire?" Tumango ito. "Hmmm..." "Ahh... sa DM." Maikli kong sagot dito. "Paano kayo nagkakilala?"tanong ulit ni Kylo. "He just came out from nowhere." "Anong 'he just came out from nowhere'." "Gusto mo i-translate ko pa yun ng tagalog." Irita kong sabi. May sasabihin pa sana si Kylo ng dumating na si Zyaire dala ang medicine kit. Umupo si Zyaire sa tabi ko at hinawakan ang sugatan kong braso. "Let me heal your wound." Marahan na hinawakan niya ang braso ko habang sinisimulan na niya ang paggamot sa braso ko. "Ouch!"daing ko ng lagyan niya ng alcohol ang sugat. "Ang hapdi!" "Im sorry. Sorry." Hingi nito ng paumanhin. Grabe ang hapdi ng sugat sa braso ko ng lagyan niya ng alcohol. Pero nawala naman ang sakit ng hinipang niya ang sugat ko. Ang hapdi ay napalitan ng malamig dahil sa pag ihip niya. Matapos niyang lagyan ay may kung ano ano siyang inilagay sa sugat ko. Kapag napapa 'aray' o napapa 'ouch' ako ay humihingi siya ng paumanhin kahit hindi niya naman kasalanan. Alam ko namang normal mahapdian ang sugat eh. Pero kahit ganun humihingi parin siya ng tawad. Natutuwa talaga ako sa pagka caring niya. Pagkatapos gamutin ni Zyaire ang sugat ko ay ibinalik niya ang mga ginamit niyang gamit sa medicine kit tapos ay tumayo. "Kuya?"parang gulat pang tanong ni Zyaire. "Hi my dear little brother. Kinalimutan mo ata ako eh." "H-ha?"takang na tanong ni Zyaire. "Busy ka ata dun eh." Ininguso pa talaga ang nguso niya sa direksiyon ko." Kinalimutan mong nandito ako. Ang sama mo little brother. Porket inlab kana pinabayaan mo na ako." Umaakto pa itong nagsasama ang loob at iiyak. Hindi ko alam o matatawa ako o ano. Hindi ko alam na naggaganito pala si Kylo. Wala sa itsura eh. "A-anong inlab inlab sinasabi mo diyan, Kuya."nauutal na sabi ni Zyaire at pansin kong namumula ang pisngi at tainga ni Zyaire. Pumeywang si Kylo." Aba't nauutal at namumula ka pa talaga." "H-hindi kaya. K-kuya m-mahiya ka naman kay Itzy. Nakakahiya kaya." "At anong nakakahiya dun?" Kita kung pagtaas ng kilay ni Kylo. Tumawa ako ng mahina dahil sa inakto nila. Parang ate si Kylo na na nenermon dahil nahuli ang kapatid na mayroong crush na itinago. "A-ano ba, Kuya? Nakakahiya." Kitang kita kong labis na pamumula ni Zyaire at lihim na tignan ako. Manenermon pa ulit si Kylo ng mabilis umakyat sa itaas si Zyaire dala dala ang medicine kit. "Zyaire! Zyaire! Aba't! Batang 'to talaga. Tinakasan pa ako." Iling iling na sabi ni Kylo. Tumawa lang ako. Naaliw talaga ako kakapanood sa kanila. "Grabe ka naman manukso eh." Natatawa kong sabi dito. "Totoo naman ang sinasabi ko eh." Nakanguso pa talagang sabu nito. Natawa nalang ako at napailing. "Teka may third eye ka rin ba? Akala ko ba multo si Zyaire?"tanong ko dito. Actually kanina ko pa gustong itanong niyan eh pero di ako maka tsamba sa kanila. "At diba di siya nakaka hawak ng tao o bagay? Paano't nakakahawak siya sa akin?"tanong ko rito. Talagang labis akong nagtataka dahil nung una kaming nakita ay hindi talaga niya ako mahakan. Tumatagos lang. "Huh? Anong sinasabi mo? Anong hindi makakahawak si Zyaire?"takang tanong naman ni Kylo. "Di ba't magkapatid kayo? Paano't di mo ata alam." Nagtataka talaga ako. Di ba at magkapatid sila kaya imposeble namang di niya alam ang nangyayari kay Zyaire? Narinig kong napahugot ito ng malalim na hininga. "Actually, hindi kami totoong magkapatid."ani nito. Literal na nanlaki ang mata ko." Hindi kayo totoong magkapatid?" Paniniguro ko rito baka kasi dinaya lang ako ng tainga ko. Tumango ito kaya nagulat ako kahit sinabi na niya na hindi sila magkapatid. "Oo at hindi rin ako tao kagaya mo." "W-what?! Eh ano ka?"nalilito kong tanong. "I dont know?"patanong na sagot nito. Nagulat na talaga ako sa mga nalalaman ko. "E-eh paano kayo nagkakilala ni Zyaire?" "Nakita ko lang siya sa inuupuan mo doon sa DM na malungkot na nakaupo habang nakatanaw sa dagat. Hindi ko alam kong ano ang nangyayare sa akin basta parang may nagtulak sa akin na lumapit sa kanya at pawiin ang lungkot na nakikita ko sa mata niya." Paliwanag nito at tumingala na parang inaalala niya ang unang pagkikita nila. "Ganyan rin ako nung una ko siyang nakita pero sa magka ibang paraan. Sa akin kasi nung una ko siyang makita nakalutang siya sa harap ko habang titig na titig sa akin. Gulat na gulat ako nun. Pinagdudahan ko pa talaga na alien ba siya o ano kase sino ba namang tao ang nakalutang. Mga fairy, butterfly, o bird lang kaya ang nakakalipad. Kaya ganun nalang nalang talaga ang gulat ko. Di ko akalain na may taong nakakalipad ng walang pakpak. Hanggang sa sinabi niya sa akin na multo siya at sinabi niya sa akin na di siya makakahawak na kahit ano. Napagmasdan ko na... habang sinasabi niya sa akin na multo siya at hindi makakawak ng mga bagaya ay malungkot siya. Ewan ko lang sa sarili ko kung bakit ayaw ko siyang makitang malungkot. Kaya dinala ko siya sa tabing dagat at nag uusap usap kami ng kahit ano para maibsan ko naman ang lungkot niya at hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko naman ang saya sa mata niya at nakuntento na ako dun. Kaya ganun nalang talaga ang gulat ko ng mahawakan niya ako. Hindi naman ako nakapagtanong kay Zyaire dahil nag dradrama ka." Mahabang kwento ko kay Kylo. "Hindi ko naman alam na hindi pala siya nakakahawak dahil nung nakita ko siya ay nahawakan ko naman siya at nahawakan niya rin ako pero hindi nakatakas sa akin ang pagkagulat sa mata niya ng hawakan ako, hindi ko nalang pinansin niyon eh." "Paano pala kayo naging magkapatid?" "Tinanong ko lang sa kanya na gusto niya ba akong maging kuya at umoo naman siya. At tsaka gusto ko ng meron akong kapatid eh." Sagot nito. "Nga pala, bakit nabangga mo ako dun sa DM." Tumawa ito." Actually tinakasan ko lang si Zyaire. Kinuha ko kasi ang chocolate niya. Hinabol niya ako eh kaya tumakbo." "At anong koneksiyon sa pagkabangga sa akin?" "Katulad lang ako kay Zyaire. Para rin akong multo. Kaya kong madisappear at susulpot lang kahit saan. Pumunta ako sa DM nun eh. Hindi ko naman akalain ng sa pagsulpot dun ay may tao, huli na para marealize ko at nagkabangga tayo." Mahabang paliwanag nito. "Bakit mo naman pala kinuha yung chocolate ni Zyaire wala ka bang sayo?" Tumawa ulit ito." Ginawa ko lang iyon para asarin si Zyaire. Ganun paraan kami magba bonding eh. Mag asaran." "Ahh..." ang nasabi ko nalang." May tanong ulit ako." Tumingin sa akin si Kylo." What is it?" Tumikhim muna ako bago nagsalita." What is your full name and Zyaire?" Nagtanong ako kahit alam ko naman ang full name ni Zyaire. Gusto ko lang malaman ang kay Kylo kaso nahihiya ako kung ang kanya lang ang itanong ko. "Sus, sinali mo ako alam ko namang kay Zyaire lang ang naman gusto mong malaman eh. Dinamay mo pa ako." Panunukso nito. Namula ako." H-hindi ah." Tumawa ito." Sus hindi daw pero namula." "Tigilan mo ako. So ano nga." "Okay maam. My name is Kylo Hakeem Bonavich and my brother's full name is Zyaire Arouet. Okay na?" Napatingin kami kay Zyaire na bumaba. "Itzy, hindi ka pa ba uuwi?"tanong ni Zyaire pagbaba. "Bakit pinapauwi mo na?" Sinamaan ni Zyaire ng tingin si Kylo bago ibinalik sa akin ang tingin. "Malapit na ang curfew mo." Sabi nito. Napatingin ako sa relo ko. Napatayo ako ng makita kung anong oras na "Hala! Oo nga. Sige na uuwi na ako baka maabutang ako ng curfew ng magulang ko tiyak na magra grounded na naman ako." Tinext ko si Manong Ben para makuha na niya ako. "Hatid ka na namin sa labas." Aya ni Kylo. Lumabas na kami at nag antay sa driver ko. Di naman nagtagal at nandyan na agad si Manong Ben. Tumingin muna ako kay Kylo at Zyaire na nakatingin sa akin bago nagpaalam. "Bye, Kylo! Bye, Zyaire! See you next time." Sumakay na ako sa kotse matapos magpaalam. "Maam, sinong kasama niyo sa abandunadong bahay na yun maam?"takang tanong sa akin ni Manong Ben. "Anong abandunadong bahay, Manong. Ang ganda kaya nung bahay at hindi niyo ba nakita may kasama po ako kanina. Mga kaibigan ko po. Nasa labas ng gate po nila ako hinatid. Paanong hindi niyo sila't nakita, Manong?"nagtatakang tanong ko kay Manong Ben. Napatingin ako kay Manong Ben na hindi ito umimik at patuloy lang sa pagdrive at mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko nalang pinansin at inaliw nalang ang paningin sa labas. Jahryose_Capp TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD