C1: The Kontrabida's Life
C1: The Kontrabida's Life
"Ayoko pong maging Doctor! Ilang beses ko na po 'yon sinabi sa inyo kayo lang 'tong nagpupumilit!" Sagot ni Blaire sa kanyang ama.
"Kahit kailan talaga wala kang kwenta! Ba't 'di mo gayahin ang kakambal mo?!" Galit na sigaw naman ng ama nito na si Arnold.
Hawak nito ang resulta ng mga grado ni Blaire. Kung kailan last quarter na ay saka bumagsak si Blaire. Oo at mabababa ang kanyang mga grado pero nakakapasa naman siya. Ayaw niya naman talagang maging Doctor pero pinilit niya ang sarili niya just to please her parents especially her father na isang Doctor.
"Ba't ko siya gagayahin? Magkaiba po kami! Siya kasi gusto niya ang gusto niyo pero ako hindi! Pero hindi niyo ako pinakinggan! Pinilit niyo akong gustuhin ang bagay na ayaw ko naman!" Puno ng hinanakit na sambit ng dalaga.
"Nakakahiya ka! Ikaw pa naman itong panganay sa inyo! Ikaw pa itong failure! Sa lahat na lang ba ng bagay failure ka?! Ginawa naman namin ang lahat ah?! Kulang pa ba ang ginagastos namin sa'yo?!"
Failure isa sa mga salitang matatawag sa kanya. Masakit ang marinig na sabihan kang isang failure, pero mas masakit ang manggaling mismo sa sarili mong pamilya, sa sarili mong ama.
Tanggap na niyang failure siya pero hindi dahilan 'yon para sa bawat araw ay iparamdam sa kanyang failure siya just because she failed in every single thing they want for her. She can't even prioritize herself.
She failed at singing, dancing, acting na halos lahat 'ata ng talent ay napunta at sinalo ng kanyang kakambal at hindi man lang siya tinirhan o binigyan. Lahat din naman ng talent nila ay pinag-aralan pero ang talent niya ang hindi talaga na-develop.
"Ginawa niyo po ang lahat?! Ginawa niyo ang lahat ng pagkukumpara sa aming magkapatid! 'Yon lang ang alam kong gina--"
He suddenly slapped her.
She was shocked. Napahawak siya sa parte ng pisngi niyang nasampal. Hindi niya akalaing sa tinagal-tagal ay masasampal siya ng sarili niyang ama.
"I hate you, Dad! I hate you for making me feel I'm worthless! Kung ako walang kwenta para sa inyo! Tanungin niyo po ang sarili niyo kung may kwenta kayong ama sa akin!" Madidiing sabi nito sa kanyang ama then she walked out.
Nakatulala lamang ang kanyang ama nang iwan niya ito sa study room.
Nakasalubong niya ang kanyang kakambal na mukhang awang-awa sa kanya pero tinitigan niya ito ng matalim na parati niyang ginagawa dahil manhid ang kapatid niyang maramdamang nasasaktan din siya. Blaine is so insensitive.
"Ate Blaire!" Tawag nito pero hindi niya nilingon.
Pinigilan niyang umiyak pa lalo. Pagpasok niya sa kanyang kwarto ay nandoon naghihintay ang kanyang ina.
"Anong nangyari? Anong sabi ng Dad mo? Wait. What are you doing Blaire?! S-sa'n ka pupunta?" Tarantang tanong ng kanyang ina.
Kinuha niya ang kanyang maleta at naglagay ng mga damit doon. Kinuha niya rin ang ipon niyang since day one of being in college.
"Sorry, Mom. I love you but I can't stay here anymore lalo na't ako itong kontrabida sa bahay na 'to at sa buhay niyo."
Hindi maitatangging kahit ang kanilang ina ay ikinukumpara sila ng kakambal niya pero pinapayuhan naman siya nito kahit papaano hindi katulad ng kanyang ama na parating ipinamumukhang failure siya at habang buhay siyang magiging failure at si Blaine ang parating bidang ipinagmamalaki nito sa lahat ng katrabaho ng ama at kapag nababanggit siya ay iniiba nito ang topic ng usapan na napupunta nanaman sa kakambal niyang perfect sa tingin ng lahat.
"Anak, 'wag mo kaming iwan..." Nahihirapang sabi ng kanyang ina.
"Mom, I need to stand on my own. Gusto ko naman sundin ang gusto ko. All my life kayo na ni Dad ang sinunod ko." Walang lingon-lingon na sabi nito sa kanyang ina saka sinarhan ang kanyang maleta at hinila palabas ng kwarto.
Nakasalubong niya ang kanyang ama na nilapitan pa ng kanyang ina.
"Hon, please. Pigilan mo ang anak mo." Naiiyak na sabi ng kanyang ina.
"Let her, Hon. Umalis siya kung gusto niya. Babalik din 'yan." Walang emosyong sagot nito sa asawa.
"Ate!" Tumakbo ito sa kanya at humawak sa kamay niya.
"Puny*ta! Bitawan mo ako, Blaine!" Sigaw niya dito.
" 'Wag kang umalis, Ate..."
" 'Wag akong umalis?" Mataray na baling niya dito, "Hindi ba't mas sasaya kang wala ako dito? Akala mo ba hindi ko alam na pinagchichismisan niyo ako ng tropa mo?" Ngumisi ito dito. Gulat ang mukha ni Blaine, " 'Wag akong umalis para ano? Para manatili kang bida sa mga mata ng lahat? 'Wag kang plastik, Blaine!" Madidiing sabi nito sa kakambal saka naman ito bumitaw na may mukhang guilty.
Sumakay siya sa kotse niya saka ito pinaharurot papunta sa iisang taong pinagkakatiwalaan niya. Si Orion Mendez ang matalik niyang kaibigang kanyang lihim na iniibig na aware naman sa lihim niya.
"Anong nangyari?" Bungad nito sa kanya.
Yumakap naman siya dito saka umiyak.
"Tulungan mo akong maghanap ng matutuluyan. Naglayas ako sa amin."
"Ano?! Ba't ka naglayas?! Dapat hindi mo 'yon ginawa!" Pagalit nito sa kanya.
"At anong gusto mong gawin ko?! Ang manatili sa bahay namin at patuloy na maramdaman ang pagiging kontrabida ko sa buhay ng sarili kong pamilya?! Puny*ta! Ayoko na! I had enough! Alam mo 'yan!" Nahihirapang sabi nito.
"Pero hindi 'yon sapat na dahilan para maglayas ka!"
"Pati ba naman ikaw? Hindi ko maaasahan? Oo nga pala. Wala ka naman talagang pakialam sa akin eh! Dahil si Clarisse lang ang parati mong nakikita! Siya lang naman ang kailangan mo." Sabi nito saka tumalikod sa kaibigan pero hinawakan siya nito sa braso, "Don't worry. Tanggap ko na matagal na! Na hindi ko siya mapapalitan sa puso mo! Dahil kaibigan lang ang turing mo sa akin. Sino ba naman ako? Kundi isa ring kontrabida sa buhay niyo!" Madidiing sabi nito saka inalis ang pagkakahawak ng binata sa kanyang braso saka niya ito iniwan.
So, it's just her all alone now. Kailangan lang niyang masanay.
-
#TeamOrionAKSWP