Chapter 4

2563 Words
“HINDI mo ba talaga maha-hack ang accounts niya, Ate Elise? Kahit ang f*******: account niya lang. Malay mo may itinatago siya doong nude photos ng mga babae niya o mga bata… Shucks! Isa pala siyang pedophile! Maiibulgar ko iyon at makakaganti ako sa kanya.” Kausap ni Amber sa bahay nito si Elise. Sinadya niya ito doon para kulitin sa pag-hack sa hinayupak na Grey na iyon. “Pasensya na. Kahit na graduate na ako ng IT, mas magaling pa rin ang batang iyon.” Pumindot-pindot ito sa computer nito. Naglalaro kasi ito ng League of Legends. Ang mga kakampi daw nito ay ang mga kabataang nasa computer shop na katabi ng bahay nito. “Wala na akong magagawa pa d’yan.” Napabuntong-hininga siya. Ilang beses na niyang binuska ang kaibigan dahil kababae nitong tao pero addict na addict ito sa mga computer games na panlalaki pero ipinagkikibit-balikat lang nito iyon. Nakilala niya ito sa pagre-research niya para sa mystery story na ginagawa niya noon sa isang website. Estudyante pa lang ito noon sa Perriworth University. Nagkataon na mahilig din ito sa mysteries kaya nagkasundo sila. Doon na rin nito in-offer ang website na d-in-evelop nito at binili niya. Doon isinilang ang Psychopath. “Baka may kakilala kang mas magaling sa kanya. Ipakilala mo sa akin.” “They won’t help you. Kilala ng mga hackers ang codename ng isa’t-isa bagaman hindi sila magkakakilala sa personal. Kaya alam nila kung sino sa mga iyon ang iiwasan. Ayaw nilang masira ang buong software nila kapag may automatic na virus na sini-send ang hina-hack nila.” “So, umiiwas ka lang pala sa virus na iyon kaya hindi mo ako tutulungan.” Napangisi ito habang nakatutok pa rin sa nilalaro. Napakamot siya ng ulo. Hindi niya akalaing ganito kagaling ang lalaking iyon sa computer. Mukha kasi itong basketball lang ang inaatupag sa buong buhay kaya gumaling ito ng husto. Oo. Aminado naman siya na magaling itong mag-basketball. Minsan na rin itong naging MVP sa isang basketball league kung saan nag-champion ang mga ito. Anyway, lagi namang nagtsa-champion ang team. Wala nang bago doon. Magaling kasi ang coach nila. Bigla na lang siyang nanlumo. Sa tuwing naaalala niya si Ivo ay nalulungkot siya. Sira na nga kasi ang future nilang dalawa. Dahil sa impaktong kapatid niya. Haayy talaga. “Kung gusto mong makaganti sa kanya sa paraan mo na iyan, bakit hindi mo na lang siya subaybayan sa personal?" Napasimangot siya. “Like a stalker? Huwag na—” “Eh, iyan na rin naman ang ginagawa mo ngayon. Panindigan mo na.” Tumigil ito sa paglalaro at tumingala sa kanya. “Mas marami kang malalaman tungkol sa kanya kung gagawin mo sa personal ang paghahanap ng sekreto niya. Mas marami kang maiipanlaban sa kanya kesa sa mga tagong larawan sa f*******: na ini-imagine mo.” Humalukipkip siya at sumandal sa mesang nasa likuran nito. Bumuntong-hininga siya. Naisip na niya iyon pero hindi niya matanggap na magiging stalker siya nito. Kaya nga sumubok muna siya sa internet. Gumawa siya ng dummy account at siyang i-f-in-ollow dito sa f*******:, i********: at twitter. Kaya lang, wala naman siyang makitang kakaiba doon at magagamit niya sa paghihiganti. “Unless, hindi ka naman talaga ganoon kagalit sa kanya at kadeterminado na makaganti.” Bumaling muli ang babae sa computer nito. “f**k! Saan galing ang buteteng ito?” tukoy nito sa isang character sa laro na sumusugod na dito. Nanggigigil na nag-counter attack ito. “Die, motherfucker! Die!” Hindi na lang niya pinansin ang pagta-trash talk nito. Normal na iyon sa mga adik sa larong ito. “`Oy, determinadong-determinado ako, ha? Sagad na sagad din ang galit ko sa kanya kaya maghihiganti ako. Hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakakaganti.” Wala na nga yata siyang ibang pagpipilian kung hindi ang mag-ala stalker in real life ng lalaking labis na kinaiinisan niya. Gagawin ko iyon para makaganti sa kanya! “Bakit hindi mo na lang siya akitin?” Para siyang nakakita ng lamang-lupa nang bumaling dito. “Pakiulit? Nabingi yata ako.” Sinundot niya pa ng daliri ang tainga niya para mapatunayang walang bara doon. “Marami akong nababasang ganyan, ano? Effective. Nakaganti sila ng bongga sa mga nanakit sa kanila nang paibigin nila mga ito at iwan bandang huli.” Hinugot nito ang mga pocketbooks sa ilalim ng mesa nito. “Heto. Basahin mo pa.” “These are just fictions.” Nasisiraan na talaga ng bait ang kaibigan niya. “Hindi mangyayari sa tunay na buhay ito lalo na sa professional playboy na iyon.” “He’s also an IT. Bibigyan kita ng tip para mapalapit sa kanya.” “Tulad ng ano, aber?” “Mag-aral ka ng DOTA at LOL.” “Hindi na. Manigas siya.” Kaya niyang alamin ang baho ng unggoy na iyon nang hindi kinakagat ang suhestyon ng babae.     IN-ADJUST ni Amber ang walang gradong salamin niya sa mata habang nasa tapat ng entrance ng gymnasium. Sabado niyon at may ticket siya para makapanood ng unang game ng Heartfield Basketball Team sa taunang Intercollegiate Basketball League. Hindi sana siya pupunta at gagawing remembrance na lang ang ticket na iyon na binigay ni Ivo pero gusto niyang subaybayan si Grey. Malay niya, makakita siya ng interesanteng bagay dito ngayon. Like… Tulad ng isang babaeng nanakit dito ng husto noon—kung meron man—kaya ito naging playboy. O kaya ay baka nakabuntis na pala ito. Isa na pala itong binatang ama! Kung paano niya malalaman iyon? Bahala na. Matalas naman ang pang-amoy niya sa mga kahina-hinalang bagay. Inayos niya ang bangs niyang kapapaputol niya lang kanina. Ginawa niya talaga iyon para hindi siya kaagad makilala ng susubaybayan niya. Even her spectacles was a part of the disguise. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Ganitong oras dumadating ang mga koponan na maglalaro. Hindi nga naglaon at dumating na ang Heartbreaker Team ng Heartfield. In-on niya kaagad ang maliit na digicam niya at naging mapagmatyag sa kilos ng mga tao sa paligid. Lalo na sa insektong iyon na tila haring naglalakad katulad ng mga kaibigan nito. Hari naman talaga sila. Hari ng court at hari ng mga guwapo... Shut up for a moment, conscience. A lot of girls and also other boys stopped and looked at them. Waring may ini-emit na malakas na aura ang koponan at naaagaw niyon ang pansin ng lahat. Pansin niyang tuwing may laban ang mga ito ay seryoso ang mga ito. Wala ang bakas ng pagka-heartbreaker ng mga ito, ang pagkapasaway… they were just so focused on the game. Like they were silently yelling that they won’t leave this arena as a loser. It’s quite fascinating actually that they can communicate and tell the world how strong they are without saying a word. Aside from the fact that the regular players s***h star players of the team have a face to be proud of and to die for. True blue eye-catchers. Natagpuan niya na lang na umaangat ang kamay niya at kinukuhanan ng litrato ang mga ito. They were just so… intensed and magnetizing. Nang ma-realize ang ginagawa ay awtomatikong napahinto siya. Tumingin siya sa digicam at sinilip ang mga nakuhang larawan niya. Tsk. Kahit sa larawan ay maangas at astig pa rin tingnan ang mga ito. Then she realized a lot of the photo has Grey’s face on it. Napasimangot siya. Maitapon na nga ang camera’ng ito mamaya. Pinagmamasdan niya ang isang picture nito nang may mahagip ang mata niya sa background. Isang babaeng nakasalamin din sa mata ang naroon at kakaiba ang pagkakatingin sa binata. Tila ba puno iyon ng paghanga subalit mayroon ding lungkot. She smelled something fishy. Itinaas niyang muli ang camera para kuhanan ulit ng larawan ang babae. Pag-angat niya ng mga mata ay isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harap niya. “Hey!” Si Ivo. Syet! Nabitawan niya ang digicam sa pagkabigla. Mabuti na lang at nakapulupot sa pulso niya ang tali niyon. Ivo smiled at her. Mas lalo siyang natameme. Nanlulumo man siya sa kinahinatnan ng future nila, hindi niya maipagkakaila na malakas pa rin ang epekto nito sa kanya. Shucks lang! Nakilala niya kaagad ako sa disguise ko? “You don’t have to wait here, Amber. You could just wait for me inside. Mainit dito.” Ipinaypay pa nito sa kanya ang hawak na dyaryo. Invisible fingers snapped in front of her. Nilalapitan nga lang pala siya nito dahil sinabi ng kumag na kapatid nito na may gusto siya rito. Dagling nawala ang nararamdaman niyang excitement sa pagkakita rito. Lumagos ang tingin niya sa koponan nito na nasa likuran lang nito. Siyang-siya si Grey habang nagpipigil ng tawa at pinapanood sila. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Kung wala lang tao sa paligid ay nagulpi na niya ito. Pinahinahon niya ang sarili. Hindi nga pala siya gaganti sa ganoong paraan dito. Ibinalik niya ang tingin kay Ivo. Hindi niya alam kung bakit pa nagkaroon ng ganoong kapatid si Ivo— Teka… Kapatid nga pala ni Grey si Ivo! That means, kung may nakakakilala man dito ng husto ay ang kuya nito iyon. Ito na ang pagkakataon niya. Nginitian niya ang coach. Hindi naman siguro masamang kaibiganin niya ito. No strings attached naman. Trabaho lang. “H-hindi naman… I mean, hindi naman gaanong mainit dito. Saka hindi naman ako naghintay ng matagal. Ang mabuti pa, sabay-sabay na tayong pumasok sa loob.” To gather datas, dapat handa siyang gawin ang lahat. Kaya niyang makipagmabutihan sa kahit sino for the sake of her researches. Kailangan nga lang niyang gwardyahan ang puso niya ngayon at baka lalo siyang magkagusto kay Ivo. Alam niyang iiwan lang siya nito bandang huli. Ayaw niyang si Ivo ang manakit sa kanya. Pangarap niyang ito ang maka-lifetime niya. “Nice idea.” In-offer ng binata ang braso sa kanya na kaagad niyang tinanggihan. Nakakahiya dito at sa mga makakakita sa kanila. Isa pa ay ayaw niya ring bigyan ng kasiyahan ang ungas na kapatid nito na hinahampas na ang katabing si Van na wala namang reaksyon. Relax, Amber. Gagawin mo ito para mapaiyak ang siraulong iyan. “Hindi na, coach.” Nagpauna na siyang maglakad papasok. Mailap pa rin ang mga mata niya sa babaeng nakuhanan niya kanina. Unfortunately ay wala na ito doon. “Hey, ikaw iyong bumugbog kay Grey noong isang araw, hindi ba?” sabi ng isa sa mga kambal. Hindi niya matukoy kung sino ang sino sa mga ito dahil magkamukhang-magkamukha ang mga ito. “I’m Revin, by the way.” Kumindat pa ito sa kanya bago basta na lang kinuha ang kamay niya at nakipag-shake hands. “Ang galing mong sumuntok, ha? Fan mo na ako. Saang club ka ba kasali?” “Nabigla lang ako kaya hindi ko napaghandaan ang mga suntok niya.” Inakbayan siya ni Grey. Nakangisi ito at hindi katiwa-tiwala ang mukha. “Hello! Long time no see. Siyanga pala, may dapat kang ipagpasalamat sa akin.” Ngali-ngaling pilipitin niya ang braso nito. Binabawi na niya ang naunang deskripsyon sa mga ito kanina na focused sa laro at intensed ang dating ng mga ito ngayon. Heartbreaker pa rin lalo na ang nuknukan ng babaerong kumag na ito kahit may game ang mga ito. “Wala akong dapat ipagpasalamat sa iyo,” lapat ang mga ngiping sabi niya. “Really?” Umangat ang isang sulok ng bibig nito. Nabigla siya nang kunin nito ang salamin niya sa mata na walang grado at isuot iyon. “This doesn’t look good on you. Mas bagay ito sa akin.” Humarap ito sa kanya. “Hindi ba?” Mamaya nga ay maitapon na rin ang salamin na iyon. Baka mahawa pa siya ng karumal-dumal na sakit dito. Ayaw man niya, she’s remembering that day when he imprisoned her into his strong arms. The way his body touched hers and the warmth it gave her—that warmth that lingered to her whole being for a few hours. And now, ramdam na naman niya ang init na iyon. Nakakainis lang! Hinawakan niya ang kamay nitong nasa balikat niya at piniga iyon. Napasinghap naman ito. She was satisfied when he winced in pain. “Enough of the punishing, missy.” Binaklas ni Ivo ang kamay niya sa kamay ng kapatid nito at tinanggal na rin ang pagkakaakbay sa kanya ni Grey. Nakangiti pa rin ito pero bakas doon ang kaseryosohan. “I won’t let my players got an injury before the game. Malas sa laro iyon… Cade?” Dagling lumapit dito ang binatilyong nakasalamin na siyang inutusan din nito noong dalhin siya sa clinic. “Yes, coach?” “Bawas ka sa footwork exercise for the next three days if you make sure my lady here will get to her seat safely.” Sumaludo ito kaagad. “Yes, coach!” “Teka, coach, baka naman pwedeng ako na lang ang maghatid sa kanya?” singit ni Revin. “May date kasi ako bukas kaya bawasan mo naman ang exercise ko.” “You know my answer, Revin.” “And that is…?” “Hell, no.” Nagreklamo si Revin. Tinapik ito sa balikat ng kakambal nito bago sila nilagpasan at nagpauna na. Ganoon din ang ginawa ng ibang myembro. Unti-unti namang nawala ang ngiti ni Ivo. “Pare, if you don’t want to go to hell for the next three days, you will shut up,” wika ni Grey dito bago sumunod sa mga ka-teammates nito hatak ang makulit na si Revin. Bago ito tumalikod ay tinapunan muna siya ng makahulugang ngiti at tingin. Grabe, nakakaasar talaga! Maganda palang ngingiti at titingin ang tukmol na ito sa personal. And he really looked good on those glasses. Darn! Teka, teka. Erase. Hindi siya nagagandahan doon. Naiinis lang siya dahil tila ipinapaalala niyon ang init, este, ang pagsasabi nito kay Ivo ng sekreto niya. She rubbed her arms with her hands. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! At nakakainis din ang sarili niya dahil kung anu-ano’ng napapansin niya rito na dapat ay kay Ivo niya napapansin. “Are you okay? Are you cold?” tanong ni Ivo. “I should give you my jacket, pero wala naman akong gagamitin. Sa ibang araw na lang kita bibigyan.” “Naku, hindi. Nangangati lang ako.” “Ganoon ba? Rashes? Allergies?” Oo. Allergy sa kapatid nitong manyak. “H-hindi naman. Wala na ang pangangati. Ayos na ulit ako.” “Okay.” Ngumiti itong muli kay Cade. That same sinister smile that could make his team members fold in terror. “Take care of her, okay?” “Y-yes, Sir!” Tinapik ng binata ang pisngi niya bago sumunod sa team nito. She touched that cheek. Bakit hindi niya maramdaman ang init ng balat doon ni Ivo? Bakit kailangang ang init pa ni Grey ang madaliang na-recognize ng pandama niya at tumatagal sa balat niya? “Aahh! Mababaliw na ako!” “May gusto ka talaga kay coach, `no?” Napatigil siya sa pagwo-walling nang maalalang naroon nga pala ang lalaki. Umayos siya ng tayo. “Three years na.” Bumuntong-hininga siya. Ngayong alam na ng lahat ang sekreto niya, wala nang point kung itatanggi niya iyon. Magmumukha lang siyang tanga. “Kung wala lang siyang kapatid na impakto, hindi niya malalaman ang feelings ko hanggang hindi pa siya nagsasawa sa pagkababaero.” “Sabi nga nila, wala ring sineseryosong babae si coach. Kabe-break lang nila ng girlfriend niya noong isang araw.” “That’s also the day nang lapitan niya ako dahil nalaman niyang gusto ko siya.” Sinabunutan niya ang sariling buhok. “Aahh! Masisiraan na ako ng bait! Bakit niya nalaman ng maaga? Bakit??” Nakamata lang sa kanya ang lalaki. Wala na siyang pakialam sa iniisip nito ngayon. “Ang impaktong iyon ang may kasalanan nito!” Marahas siyang bumaling kay Cade na napaatras naman. “Kilala mo ba si Grey Cruise?” “H-ha? Ah… oo naman. Siya ang pinakamagaling na—” “Wala akong pakialam kung gaano siya kagaling! Gusto kong malaman kung may napapansin ka bang kakaiba sa kanya? May interesante bang tsismis tungkol sa kanya sa loob ng team? Sino ang babae niya ngayon?” “Hindi ko alam kung bakit gusto mong malaman iyan—” “Huwag ka nang magtanong. Sumagot ka na lang!” Naitaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. “Pasensya na, Ate. Bago pa lang ako sa team kaya hindi ko pa sila ganoon kakilala. Wala akong maiisagot sa mga tanong mo. Ang mabuti pa, ihahatid na kita sa upuan mo. Baka ako naman ang masiraan ng bait kapag natagalan si coach sa pagbalik ko.” Huminga siya ng malalim. Hinamig niya ang sariling katinuan. Hindi tamang hina-harass niya ng ganito ang pobreng lalaki. Mukha pa namang palagi itong naha-harass din ng mga kasamahan dahil bago pa lang ito. “Sorry. Sige, tayo na. Basta ipangako mong hindi mo ipagsasabi sa iba ang mga sinabi ko.” Ngumiti ito. “May mga sinabi ka ba?” Napangiti siya. Magkakasundo sila ng batang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD