Picture frame
Alas kwatro pa Lang nang madaling araw ay ginising na si clarisse nang lola Niya upang maka pag simula agad sila sa mga gawaing bahay..nasanay narin Ang katawan Niya sa pag gising nang MAaga..halos araw araw Kasi ay ganoon Ang routine nilang mga kasambahay didto sa hacienda La Forteza.
Mababait din Ang mga amo Nila at sa kabutihang palad ay pinag aaral pa siya nang mga ito.Dito narin siya lumaki at nagka isip,sabi nang lola Niya mula noong iwan daw Ang nanay niya nang tatay Niya habang pinag bubuntis siya nito ay dito na sila sa hacienda nanirahan at kinupkop nang butihing si Don almario.
Ang matanda nalang Kasi Ang mag isang naninirahan didto sa hacienda dahil Ang mga anak nito ay sa states na nakatira.pa minsan minsan Lang din Kung dumalaw.lalong lalo na Ang bunso nitong anak na si senorito trevor.
Napapatirik pa Yong mata ko sa kilig,maisip ko Lang Yong pangalan ni senorito..eeiitt...sobrang gwapo Kasi!
Simula ata nang nag kaisip ako ay tumibok na iyong puso ko sa kanya.haayy!!! kaya Lang sobrang layo nang agwat namin sa buhay..langit siya at Lupa Lang ako..nalulungkot Kong saisip habang nag sisimulang atupagin Ang mga labahin ko..maglilinis Kasi kami nang buong mansion dahil uuwi si senorito trey.
matagal-tagal narin kAsi nang huling dalaw nito Dito sa hacienda.
Muling nanumbalik Ang sigla ko nang maisip kong masisilayan ko na Naman siya kahit parang hangin Lang ako sa kanya.sabagay katulong Lang Naman ako na hindi dapat pag tuonan nang pansin nang amo....pero iwinaksi ko nalang yon saking isipan ang importante ay uuwi siya!
Ilang taon narin Naman nang magawi siya rito sa hacienda.onse anyos pa Lang ako noon...ngayon ay dise nueve anyos NaKo..hmmmm..tingnan ko Lang Kung hindi mo parin ako pansinin.. hehe...kumpyansang sabi ko sa sarili.
nasa tamang kurba Naman na Ang katawan ko..
Hindi sa pag bubuhat nang sariling bangko pero sabi nang mga kakilala ko ay bagay daw sa'kin Ang maging modelo dahil sa height ko at sexy na pangangatawan..ewan malakas Naman akong kumain,siguro hindi Lang ako tabain talaga..tsaka maganda rin Yong hugis pusong mukha ko at may mapupungay na mga mata at malalantik na pilik mata.
Sabi pa nga nang professor namin dati sa highschool,para daw akong nang aakit Kung tumingin,Hindi ko Alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o kikilabutan,may asawa pang tao yon ha.sabi nang mga ka klase ko ay talagang malandi Lang daw talaga Ang prof namin na iyon.
Alas nueve na nang umaga nang matapos akong maglaba...kanina pa ako tinatawag ni lola upang maka pag agahan pero busog pa Kasi ako sa ininom Kung kape kaya tinapos ko muna Ang pag sasampay.
Madali na lang din Kasi Ang paglalaba dahil high tech rin Ang mga kagamitan dito sa mansion..hindi Kasi nagpapahuli si Don almario sa mga latest na mga appliances dahil para narin daw hindi kami mahirapan sa mga gawaing bahay.
"Claring! apo!! kumain kana kaya muna bago mo tapusin yang ginagawa mo dyan!"sigaw ni lola mula sa dirty kitchen.
"Opo lah! malapit narin tong matapos.."sagot ko Naman.
Habang kumakain ay dinamihan kona Ang laman nang plato ko dahil mag tatanghalian narin Naman kaya pag sasamahin kona Ang agahan at tanghalian ko.
"Anak ano ba Yan! dahan-dahan Naman sa pagkain at para Kang hinahabol diyan!" ani nanay melba, Ang kasamahan naming katulong dito sa mansyon.
"Pasencya Napo nay..napa sarap Lang talaga yong Kain ko sa luto niyo".anas ko nag luto Kasi ito nang ginataang gulay na may hipon.
"Nakow! ikaw talagang Bata ka! para namang mauubusan ka niyan! pag nakita ka nang lola mo ay tiyak magagalit na Naman yon dahil Ang burara mo na naman".
"Hehe! sorry Napo nanay melba,hindi Napo mauulit"pag lalambing ko sa kanya.
"O siya! siya!...ikaw talagang Bata ka ha!...nakow! ma kukurot talaga Kita sa singit!"hehe
Matapos makakain ay inatupag ko Naman Ang pag lilinis nang mga kwarto sa ikalawang palapag.ang kwarto rin naming tatlo ay nan dirito sa itaas sa kaliwang pasilyo..
Ang bait Kasi ni don almario at pina ukopa Niya saamin Yong ibang mga kwarto,Kasi hindi narin Naman daw kami iba sa kanya,at parang pamilya narin Ang turing Niya saamin dahil nasa malayo Ang pamilya Niya.
Sa katunayan nga ay lolo narin Ang tawag ko sa kanya,iyon Kasi Ang gusto niyang itawag ko sa kanya.,gustong-gusto Niya rin akong ka kwentuhan,natutuwa raw Kasi siya sa'kin,halatang sabik na sabik siya sa isang anak dahil malayo Ang mga anak niya.
Matapos mag linis sa ibang mga silid ay pumasok na ako sa pinaka huling silid na lilinisan ko,Ang silid ni senorito trey,nasa pinaka dulo Kasi ito nang pasilyo sa kanang bahagi nang mansion.
pagkapasok ko pa Lang ay sumalubong na saakin Ang kakaibang Amoy nang silid ni senorito.
Palagi ko Kasi itong nililinisan para hindi ma alikabokan.
nasa pinaka gitna Ang king size bed nito,habang sa kanang bahagi nang pinto Ang malaking Sala set at malaking television.sa kaliwang bahagi Naman Ang walk in closet at banyo nito.
Kulay itim at kulay puti Lang Ang pintura nang kwarto ni senorito,napaka plain at dull Naman tingnan,saisip ko may painting ding nakasabit sa may ulunan nito hindi ko Lang maintindihan kung ano, abstract kasi.hihi!
Matapos makapag linis at magpalit nang kobre kama ay umupo muna ako saglit upang mag pahinga nang mapatingin ako sa letrato ni senorito trevor sa bedside table nito kaya nilapitan ko iyon at hinalik-halikan..
"Oh? naka tingin kana Naman sa'kin!"..napapangiti at parang baliw na kausap ko sa larawan ni senorito trey.
"Hay naku! kumusta kana kaya Mahal ko?kumain kana ba?alam mo miss na miss na Kita,"anas ko habang hina haplos haplos Ang larawan niyang naka ngiti.
Habang hindi ko napigilang humiga sa kama at dinala sa aking dibdib Ang larawan ni trey..
Nagising ako nang maramdaman kong lumundo Ang kama sa gilid ko.napatingin ako sa bulto nang anino sa gilid ko..madilim na pala,napasarap yata Ang tulog ko.
"Kumusta kana Mahal ko, nagising ba kita?pinag hintay bA kita nang matagal?"sunod sunod na tanong nito.saka ko Lang nalaman Kung sino Ang bulto nang tao nang mag salita ito..
"Senorito Trey? ikaw naba Yan?Tama ba Ang narinig ko,Mahal mo ako?"anas kong hindi maka paniwala.
"Oo Mahal ko..at nandito na'ko ulit..hinding-hindi na ako mawawala sa tabi mo...anas nito habang dahan-dahang bumababa Ang mga labi Niya sa labi ko nang...
"Tok! tok! tok!