Malalakas na pag katok sa pinto nang kwarto ko Ang gumising sa nahihimbing Kong diwa."Sandali!" sigaw ko sa kumakatok na hindi maka pag hintay."grabe naman to Kung maka katok,kulang nalang sirain Ang pinto"bulong ko sa sarili habang inaayos Ang suot palapit sa pintuan.
"Ano bah-napatigil ako sa pagsasalita nang mabungaran Ang gwapong mukha nang mala Adonis Kong asawa..humahalimuyak ito sa bango dahil bagong paligo..uhhmmm... sarap samyuin kulang nalang ay mapapikit pa'ko.
"Hoy! tutunganga ka nalang ba diyan maghapon?!! male late Na'Ko sa opisina't lahat ni Hindi ka man Lang nakapag luto at naghanda nang almusal ko?!!! malakas na Singhal nito sa mukha ko na nakapag pabalik saKin sa realidad.
"Ahhmm... pasensya kana trey..napuyat kAsi ako kagabi-"naputol ko Ang sasabihin ko nang maisip ko Ang pinag sasabi ko,baka isipin niyang Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa katangahang ginawa ko,napakagat labi na Lang ako sa naisip.
Ngumisi naman ito nang nakakaloko..at may halong pang uuyam bago umiling iling.
"Kung inaakala mong uubra saakin Ang mga Plano mo,huh! think again! dahil nagsisismula palang ako sayo."napa lunok nalang ako habang naka titig sa kanya.
"Siya nga pala! ipa aalala ko lang sayo na sa papel Lang Tayo kasal,sinama kita Dito dahil kailangan ko nang katulong na mag aasikaso sa'Kin...at presto! andiyan kana kaya Hindi Kona kailangang magbayad pa nang iba."seryosong sabi nito.
"Mula ngayon gagawin mo lahat nang Gawain Dito sa bahay,ipagluluto mo ako,ipaglalaba,mamalantsa,maglinis nang buong condo at lahat!".
"And one more thing"pahabol pa nito."ayokong tinatawag mo Lang ako sa panagalan ko..mas gusto Kong tawagin mo akong senorito."Saad nito na nakapag paangat nang tingin ko sa kanya,seryoso ba talaga siya?sa pag gawa niya sa'Kin na katulong?
"Nagkaka intindihan ba Tayo?matigas na tanong nito na nagpa Tayo nang lahat nang balahibo ko."inuulit ko nagkaka intindihan ba Tayo?"may diin nang sabi nito.
"O-oho senorito! nakayuko Kung sagot.
"Good! siyanga pala wag Kang pakalat kalat Dito sa bahay ko Lalo na kapag may mga bisita ako,Ang sakit mo sa mata! baka Kung ano pang isipin nang mga kaibigan ko".tanging tango nalang Ang naisagot ko dahil Hindi ako maka tingin sa kanya nang deretso.
Parang tinutusok tusok nang pinong karayom Ang puso ko sa sobrang sakit nang dibdib ko..Hindi ko namalayan na tumulo na pala Ang luha ko nang maka Alis na ito sa harapan ko.
"God ito napo ba?ito napo ba ang parusa niyo sa kapusokan ko?"pero kasalanan ko rin naman kaya ako nandito sa sitwasyon nato kaya kailangan Kong pagtiisan ito sa abot nang aking makakaya.
Hindi Kona namalayan Kung anong oras na ito naka Alis papuntang opisina,inabala ko nalang Ang sarili ko sa pag lilinis nang buong condo dahil mukhang madami na Ang alikabok Dito.
Malapit nang mag tanghalian nang may nag doorbell kaya dali-dali ko iyong binuksan sa pag aakalang si senorito Trevor iyon.
"Magandang tanghali miss!" bati saakin nang may katandaan nang lalaki na naka uniporme nang pang driver."magandang tanghali Rin po! ano pong sa kanila?"balik tanong ko.
" Ah nautusan po kAsi ako ni senorito trey na mamalengke at ihatid ko raw po Dito".napapa kamot sa ulong sagot nito.
"Ah Ganon po ba?"saka ko lang napansin Ang mga dalA dalA niyang mga malalaking supot at may isang sako pa nang bigas."pwedi po bang papasok nalang ho sa kusina nang iba?"
Tumango naman ito,at tinulungan Kona Rin siyang buhatin Ang iba pang supot na nag lalaman nang mga groserya.
Matapos maipsaok lahat nang pinamili nito ay nagpaalam narin ito kaagad.
Inabala Kona Rin ulit Ang sarili ko sa pagsamsam nang mga groceries,pasado alas tres na nang kumalam Ang sikmura ko saka ko lang naalalang nagkape Lang pala ako kanina matapos maka Alis ni Trevor.
Alanganin narin Kung magluluto pa ako nang ganitong oras kaya kumuha nalang ako nang isang cup nang ramen na nakita ko sa hanging cabinet niya.
*****
Habang nagluluto nang haponan ay Napapatingin pa ako sa orasan dahil pasado alas sais na."anong oras kaya siyang umuuwi?Sana ay magustuhan niya itong niluto ko."saisip ko habang nagluluto nang beefsteak..
Excited na Sana akong maka salo siya sa pagkain,kAso naalala Kong galit na galit pala siya saKin.tsk! first day Sana namin magka sama sa bahay bilang mag asawa pero ito ako't mag Isa..
"haayyy! clarisse ano pa bang ene expect mo?mabuti Sana kung kagaya kayo nang mga normal na mag asawa,nagpakasal dahil Mahal Ang isat-isa?eh kayo? baka nakakalimutan mong pinikot mo lang siya?sumbat nang isang bahagi nang utak ko