Madali ko naman nahanap ang cr, pagkatapos ko ay bumalik na agad ako sa lugar kung saan ko iniwan si tita nang biglang may lumapit sa akin na halos kapareho ng uniform ni tita, pure white naman yung sa kanya at slack na black sa pang baba
" Ikaw ba si aimee?"
" Yes?"
"Pinapasabi ni Mananager punta kana sa office nya," muka naman totoo yung sinasabi nya, hindi naman siguro ako gagaguhin nito, at sinabi nya sa akin ang papunta sa office ni tita
" Thank you" yun lang nasabi ko sa walang preno nyang pagsasalita
Ang bilis magsalita nun, hindi kaya siya nahihirapan huminga kanina, natatawa pa ko habang naaalala kung pano magsalita si kimmy, yun yung nakita kong name nya sa nameplate na nakakabit sa damit nya, nalibang yata ako sa kaiisip hindi ko napansin na nandito na pala yung office ni tita
Nakalagay sa pinto ang OFFICE 1, kumatok muna ako, pero alang sumagot, kumatok pa ulit ako, ala talagang sumagot, tita ko naman ang may office nato, kaya pinihit ko na ang doorknob, pagpasok ko nakagulat pa ko ng makita ko ang kabuuan ng office ni tita, grabe ang luwang at ang ganda
Pero bakit parang panglalaki ang design? siguro lalaki dati ang nagaakupa dito,siguro nga,, para kong berat na kinakausap ang sarili, nilibot ko pa ang paningin ko nakakita ako ng isang pinto sa kanan ko sa tabi ng sofa at sa harap ko ay ang lamesa na siya sigurong ginagamit ni tita,... paglagbas sa lamesa may pinto din sa kaliwa naman,, daming pinto ah,, at napatingin ako sa medyo dapat nun sa kanan.. cr siguro parang may tao, nakarinig ako ng lagasgas ng tubig don
Kaya siguro hindi ako naririnig kanina,. "tita nandito na po ako" biglang huminto ang tulo ng tubig kaya tumahimik, "tita si aimee po ito, upo napo ako dito.," pero alang sumagot, bumukas ulit ang tubig
Anong ginagawa ni tita don naliligo? kaliligo lang nun ah,. nakakita ako ng magasine sa ilalim ng mesa dito sa tabi ng sofa
Narinig kong bumukas ang pinto ng cr,. dali dali kong binalik ang magasine sa dati,, nkatalikod ako sa cr kaya hindi ko nakitang lumabas si tita,.. paglingon ko ala naman sya nakita kong medyo nakabukas ang pinto ng isang room
Sinundan ko si tita sa kwarto binuksan ko ito ng bahagya,. bat ang dilim,.."tita" may narinig akong kaluskos at pagsara ng isang bagay.,, nakakapagtaka bat di sumasagot si tita,.. kinapa ko sa gilid ang pindutan ng ilaw pero wala akong makapa,. pumasok pa ako ng dalawng hakbang ng nabangga ako sa isang matigas na bagay at hmmmm.... mabango,. kinapa ng dalawang kamay ko ang nabangga ko nanglaki ang mata ko ng marinig ng may umungol at sabay mura nito
Hindi ko magawang kumilos para akong nadikit sa kinatatayuan ko pati kamay ko hindi ko naalis sa dibdib na nahawakan ko., sobrang lakas ng kabog ng puso ko
Ang hininga nito ay tumatama sa gawing tenga ko ng humakbang pa ito lalo at yumuko,,. " wh0 are you,... young lady?" ang laki ng boses nito, maoturidad parang lahat ng sabihin nito ay dapat mong sundin
"Do you want me?" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito,. umatras ako at tinanggal ang kamay ko sa dibdib nito,. hindi ko makita ang mukha nito dahil madilim talaga pero naaaninag ko ang bulto nito mataas siya at mukang maganda ang katawan,.. hay ano ba yan naisip ko pa talaga yan
" Ikaw sino ka?" balik tanong ko sa kanya... wag mo sabihing bf ni tita to?
Narinig ko sya tumawa ng mahina at gosh, pati tawa maoturidad...at bakit ganito ang kabog nang puso ko?
"You came here,.. in my office... so young lady what are doing here?" wait office nya,. namali ba ako ng pasok,,.? pero teka kanina pa to young ng young ah... siguro gurang na siya..,kaya wala sa sariling nangiti ako, siguro nga gurang na to
" Excuse me,,i'm not young,,.. siguro matanda ka lang" pabulong kong dugtong
Pinagkrus nito ang braso sa dibdib " i'm not old.," mukang napikon yata, napangisi ako.. " to make a baby" dugtong din nito.. na syang kinanganga ko
" Pervert" hindi ko na napigilan ang sarili ko, bastos talaga
"Wala pa kong ginagawa sayo" marunong naman palang magtagalog
"Sino kaba talaga huh?"
"I'm the boss"
"Siraulo kaba?" naaasar na ko ah,, ang yabang ei
"What did you say?" bigla akong natakot sa boses nito na ano mang oras ay bubulagta ako kaya napaatras ako, nasa hamba na ako ng pinto, kaya alam kong nakita na nya ang mukha ko dahil maliwanag na dito
"SIRA U-.. hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla itong lumapit at kinabig ang batok ko hinalikan ako.. dahil sa bigla ay hindi agad ako nakakilos, ang lakas ng kabog ng dibdib ko,masuyo ang paghalik nito,hindi ko alam kung ano gagawin ko para akong natuod sa kinatatayuan ko, mukang ginanahan ito dahil sa hindi ko pagkilos, sinisipsip nito ang babang labi ko, napaawang tuloy ang labi ko hindi ko alam ang gagwin ko first kiss ko to,,, naipasok na nito ang dila sa loob ng bibig ko,parang kinakabisado nya ang bawat sulok nang bibig ko, parang may sariling isip ang labi ko na kusang ginaya ang ginagawa nya, naramdaman ko nalang ang isang kamay nya na pumapasok na sa loob nang damit ko,saka lang ako natauhan,, tinulak ko sya ng malakas buti naman at binitiwan ako
Grabe muntik na iyon, nagawa ko ba talaga yun sa hindi ko pa talaga kilala?
Sasampalin ko sana, wag nalang sasakit lang ang kamay ko,.. " nice lips,,. i want more" abat ang gago talaga ah,. umatras ako ng bahagya, luminga ako sa may lamesa nito nakakita ako ng stapler kinuha ko ito at binato sa kanya
"s**t,,,FUCK..." Sunod sunod na mura nito tinamaan ko yata sa ulo dahil nakita kong hinawakan nito iyon,." YOU PAY FOR THIS" nakakatot ang boses lalo nito,, umatras nako sabay talikod at kumaripas ng takbo papalabas
Abot abot ang kaba ko hindi mawala sa isip ko ang nangyari, ginawa ko talaga yun, napahawak ako sa puso ko, papunta sa labi ko, nagustuhan ko? hindi,,, nabigla lang ako pagkukumbinsi ko sa sarili ko, hindi ko kilala yun, sana hindi na kame magkita, nakakahiya, na nakakaasar
Papaliko nako sana, doon ako pupunta sa pinag iwanan ni tita sakin kanina, nang may nabangga ako,." oh aimee?." buti nalang si tita
"Bata ka kanina pa kita hinahanap tinatawagan kita hindi naman kita makontak" nagaalalang tanong nito
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay tita, "ah ano po tita" nalilito ako hindi ko alam kung tamang sabihin ko ngayon,."hindi ko nakita tita yung office mo ei"
"Ah ganun ba? kala ko kung san kana napunta, halika don sa dulo," s**t mali nga ako ng napasukan, sana naman hindi talaga totoong boss yun kung nagkataon na totoo yun,,, naku.... wag naman po please.... ano kaya hitsura ng gago nayon? matanda na kaya?, teka lang, tinapik ko pa ang pisngi ko,, ano ba tong iniisip ko, hindi ito dapat,, bastos yun, manyak pa,,, iiiiiiiiiii nakakagigil hindi ko kilala yung first kiss ko, baka matandang gurang yun na mukang manyak,, ewwwww,, pero wagka mabango hininga at ang bango, macho at mataas,yun lang hindi ko kita yung mukha nya
Hindi ko dapat iniicip yun ei,,, ano ba yan
"Hoy aimee kanina pa ko salita ng salita dito, may problema kabang bata ka?"
"Pasensya na po tita, ala naman po" nakakahiya naman kay tita lorna baka akalain nya hindi ako seryoso sa magiging work ko dito. hindi ko kse talaga makalimutan yung nangyari kanina,. nahihiya naman kase akong magtanong kay tita lorna, pano kung totoo, sana hindi po please.. ano nalang mukang ihaharap ko kila inay at itay nyan kapag umuwi agad ako dahil nasisante,hindi pa nga ako naguumpisa sa trabaho ko.,, pano kungtotoo yung sinabi nun na sya ang boss naku.... patay akong bata ako
Pinakilala ni tita ang makakasama ko sa 24 and 25 floor, bawat floor kase ay may 8 na room sa 20 to 25 floor, yung 2nd and 19th floor naman ay mayroong 12 room,, medyo maliit daw ang mga room don hindi tulad sa mga floor na napunta sa amin, mga special na tao daw ang nagpapareserve sa 20 and 25 floor. at ang 1st floor dito ay kainan, at swimming fool sa gawing likod
Si Cris, Milet, and Mike ang makakasama ko,, muka naman mababait sila, 8am to 4pm ang in and out namen, may karelyebo din kame, 5pm to 1pm naman sila
Nalibang ako sa paglilinis kaya nawala sa isip ko ang problema ko kanina,,, yes nagumpisa nako pagkatapos ipakilala ni tita ang mga makakasama ko
Ang pinalitan ko pala dito ay bigla nalang di pumasok chika sa akin ni milet " nagasawa lang hindi na pumasok, buti wala pa si boss dito sa pinas at hindi napansin na kulang kame, swerte nga nya ei pinayagan syang magleave ng 2weeks.., tapos ganito ginawa nya,, pasalamat nalang kame at nasolusyunan agad ni manager lorna,. napangiwi ako dahil sa totoo lang nakakahiya, hindi kase ako ngtraining, sabi nila ok lang daw yun basta marunong akong maglinis madali nalang matutunan ang lahat dito
Wait a minute,, may naalala ako " milet tama ba nag narinig ko?" kaylangan kong makasiguro, "wala pa dito ang boss?" please sabihin mong wala pa nga, taimtim kong panalangin
" Ah,,, oo, bakit?"
Nakahinga ako ng maluwag,. pero teka sino yung gunggong nayon na nagnakaw ng first kiss ko?.. baka isa din yun sa mga manager dito,. nanggigil ako ng maalala na ganun nalng nya kinuha ang first kiss ko,, kahit ba mabango sya at sobrang bango ng hininga at sar---- teka teka... hindi ko dapat ganun isipin yun
"Nangyari sayo? makahinga wagas" natatawang sabi nito
" Ah..wala,,"
"Sigurado ka?"
"Oo naman,, tara na nga ng matapos na tayo.." nagpalinga linga ako
" Hinahanap mo?" nagpalinga linga din sya
"Yung dalawa nasan?"
"Kala ko naman kung sino hinahanap mo, nauna na po sila"
Nakauniform na din ako.. kainam naman pala dito may mga extra na bagong damit para sa bagong empleyado,, mukang mabait ang boss namen ah?
Naalala ko nanaman ang humalik sa akin,, nakakagigil,, wala naman akong dapat sisihin, hindi ko naman dapat sisihin si kimmy wala naman problema sa instruction nya ako lang talaga ang namali wala palang 1 ang office na sinabi nya
Pagnakita ko talaga ang gago nayon,, teka hindi ko nga pala nakita ang mukha nya dahil madilim
Mabilis ko naman nagamay ang mga routine ng paglilinis nila, sanay naman kase ako sa gawaing bahay,saka laging nakagabay yung tatlo sa akin, kaya masasabi kong swerte na rin ako sa kasama ko,.
Sabay kame ni tita lorna nang out, kaya ito sabay kameng pauwi, buti nalang dahil hindi pa ako sanay sa lugar dito, paguwi namen sa bahay sinabi ko kay tita na ako na ang magluluto, marunong din kase akong mahiya buti pumayag siya,. mukang napagod din kalalakad ei
Pagkatapos kong magluto ng adobong manok,at magsaing pumasok muna ko sa kwarto ko at nagpahinga 6pm palang naman, dahil sa pagod kanina nakatulog agad ako
Nagising ako sa katok sa pinto "aimee"
"Tita " tinignan ko ang oras 7:35 na pala, bumangon agad ako
"Kain na tayo" lumapit ako agad sa pinto at binuksan ito
"Pasensya na po, nahimbing po ang tulog ko", medyo nakakahiya hindi pa naman kase kame ganun ka close ni tita
"Ano kaba ok lang yun noh, alam ko kaseng hindi kapa kumakain kaya kita kinatok dito, kung kumain kana hindi na kita iistorbuhin, alam ko naman na pagod ka,." nangiti ako, "ikaw na bata ka, sabi ko sayo huwag kang mahihiya sakin ok?" may karugtong pa pala,hehehehe, napansin siguro n i tita na parang naaalangan pa ako sa kanya
"Sige po tita pagsisikapan ko pong huwag mahiya sayo" nangiti si tita sa akin
"Oh sige sabi mo yan ah?" kinawit na ni tita ang kamay nya sa braso ko, deritso na kame sa kusina nakahain na pala,. buti nalang nagustuhan ni tita yung adobo ko, sa totoo lang yan lang alam kong iluto bukod sa prito at nilaga, pagkatapos namin kumain si tita na ang naghugas ng pinagkainan, ako naman daw kase ang nagluto, ipipilit ko pa sana na ako nalang kaso magagalit daw sya kapag pinilit ko yung sa akin, manood nalang daw muna ako, kaya ako ito sumunod nalang ako, pumunta ako sala at nanood ng movie sa netflix
Hindi nagtagal umupo na si tita sa tabi ko at nakinood na din at may baon pang kutkutin
Kahit na nanood ako hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina, hindi ko talaga alam kung tama bang magtanong ako kay tita kahit na narinig ko naman na kay milet ang gusto kong marinig, hindi parin ako matahimik "hmmmm..." pagsisimula ko pangpaalis ng kaba " tita may pwede magtanong?"
Kinabahan ako lalo ng tumingi si tita sakin " hmmmm... yung boss po ba natin tita, yung may ari ng hotel,." tita naman masyadong focus sa pakikinig, lalo tuloy akong kinakaban, kaya ko to " tama po ba nasa ibang bansa po ang boss?"
"Bat mo naman naitanong?"
Nauna akong nagtanong, tita naman tinanong din ako " wala naman po tita natanong ko lang, napagusapan lang po kanina namen" sorry po tita hindi ko po gustong maglihim, sasabihin ko din kapag confirm na hindi siya ang big boss
"Ay aimee, yan ang ayaw ng boss natin ang tsismisan, lalo na kung tungkol sa kanya," binaling ulit ni tita ang tingin sa pinanonood, " ang alam ko nasa abroad pa, yung boss natin nayon malikot ang katawan hindi napipirmi sa isang lugar, hindi dahil mabarkada oh pawala, kundi dahil sa dami ng negosyo nila,hindi lang namen alam kung ilan silang magkakapatid,basta ang alam namen panganay sya, sa abroad ang alam ko madami din silang negosyo, kaya sobrang busy nun, hindi na yata nagpapahinga"
"Tita ah daming alam, isa lang tinanong ko muntikan munang ikwento ang buhay ng boss natin" nakangiting sabi ko
Buti naman hindi nagalit si tita sa pagkaprangka ko, ngumiti din ito sa akin "gusto ko yan, nakakapagbonding tayo, ituring mo narin akong pangalawang magulang mo"
Maiiyak pa yata ako sa sinabi ni tita,. " oo naman po,"
"Mabait po ba ang boss natin?" hirit ko pa
"Oo, siguro" alanganing sagot ni tita
"Bat po may siguro?"
"Mabait kase binibigay nya ang dapat para sa empleyado nya, siguro dahil madalang lang naman namen syang makasalamuha
"Gwapo po ba tita?" hindi kona napigilang itanong sa mga napapanood ko kase laging matanda na at mukang manyak ang mga mayayaman, bihira ang gwapo madalas mahirap paggwapo
"Ikaw na bata ka" tumingin si tita sa akin, hindi parin maalis sa akin ang ngiti, " bata pa yun, gwapo, matangkad, macho, in short greek god"
Nakahiga na ko pero hindi parin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni tita about sa boss namen, greek god? talaga ba? sumagi din sa isip ko ang gagong humalik sa akin, matangkad, mukang matcho, muka ewan ko,,, hindi ko na dapat pa pinagaaksayahan pa nang oras yung gago na yon
Maaga pa naman, gising pa kaya sila ana? tumayo ako at kinuha ang phone ko, tatawagan ko nalang si ana, isang ring lang sinagot na nya agad
"Ate........" bugad agad nya sa akin, hindi halatang namiss nya ako ah,..kung makatili wagas, inilayo ko agad ang phone ko sa tenga ko, masakit sa tenga ang tili nya pero namiss ko talaga tong kapatid ko
"Grabe ka naman ana kung makatili, miss na miss 2days palang akong wala dyan,"
"Alam mo naman ate na hindi ako sanay na wala ka dito" malungkot ang boses na pagkakasabi nito
"Miss na miss narin naman kita, wag kang magalala off ko uuwi ako dyan"
"Talaga ate" sumigla ang boses nito
"Opo," nangiti narin ako,"kaya ikaw magpakabait ka dyan, wag matigas ang ulo"
Marami pa kaming napagkwentuhan ni ana, 10 na ng magpaalam nako, ayaw pa nga nya, sinabi ko lang na hindi sya pwedeng magpuyat, at makakasama sa kanya,.buti naman at nakinig, miss na miss kona rin sila inay at itay sabi ni ana maaga natulog sila inay, may pitas kase sila bukas, kaya hindi ko sila nakausap, bukas nalang ulit, aagahan ko para makausap ko rin sila