The time I saw you, you're mine!
#Chapter 1: Unang araw sa trabaho
"Sana naging mayaman na lang kami! Para hindi ko na kailangang umalis dito para magtrabaho!" hiyaw ko sa asul na dagat, na umalingawngaw sabay sa naghahampasang alon at huni ng mga ibon. Kung hindi lang namin kailangan ng pera, hinding-hindi ko ipagpapalit ang probinisiya
"Ate," kapatid ko, kung makahiyaw wagas, Hinahanap na siguro nila ako
"Ana, nandito ako sa taas." Saka lang siya tumingala dito sa taas ng puno
"Ate, bumaba ka na diyan, Ang laki mo na umaakyat ka pa diyan." Akala mo matanda na kung magsalita, samantalang pitong taong gulang palang siya
"isusumbong kita kila nanay" aba nanakot pa,pero syempre mangulang ko yun, natakot talaga ako
"Ikaw talagang bata ka" sabay talon ko sa lupa mula sa puno
Kiniliti ko siya ng nakababa na ko
Mahal na mahal ko ang kapatid ko,dalawa lang kameng magkapatid,gagawin ko ang lahat para lang sa kanya
May sakit siya sa puso sabi ni nanay dineretso na siya ng doktor, kaylangan daw siyang maoperahan, hindi na daw kase kakayanin ng puso nya kung matatagalan pa..kaya kaylangan na siyang maoperahan,hindi na kase kinakaya ng gamot minsan pagsinusumpong siya kaylangan pa namen siyang dalhin sa hospital
Kaya ito nagdisisyon ako na huminto muna sa pagaaral, Oo sayang,,, isang taon nalang sana makakatapos na ko, talagang ganun ei.. kapatid ko yun mas-importante siya sa lahat
Ang pagaaral makakapaghintay,pero ang buhay ng kapatid ko walang makakapagsabi kung hanggang kelan
Lalayo ako para sa kanya,titiisin ko ang malayo sa kanila para kahit papaano ay makatulong sa gastusin at pagiipon nila inay at itay
Si tita Lorna ang tutulong sa akin para magkatrabaho ipapasok nya ko sa pinapasukan nyang hotel, swerte ko kase hindi kona kaylangan magtraining dahil kaylangan daw nila nang kapalit agad sa dating staff na hindi na daw pinapasok ng naging asawa nito
"Ate tama na"hihihihihihihihi" tinigil ko na ang pagkiliti ko sa kanya baka masobrahan pa at kung ano pa ang mangyari
"Hay... sana gumaling kana,para kahit ano ang gawin kong pagkiliti sayo ei ok lang".. inakbayan ko sa kanya ang kaliwang kamay ko at ang kanang kamay ko naman ay pinanggulo ko sa kanyang buhok sa ulo
"Sana nga ate" malungkot siyang tumingin sa akin
"Gagaling ka, gagawin ni ate ang lahat para gumaling ka" sumaya ang mukha nya sa narinig
"Tara na ate,.baka umuusok na ang ilong ni inay sayo" .
Magkahawak kamay naming tinungo ang aming munting bahay
Malayo palang ay tanaw kona ang aming ina na nakapamewang pa sa labas ng aming tarangkahan, Mukang kanina pa nga nya ko hinihintay at hinahanap... Lagot........
"Ikaw na bata ka.. san kaba nanggaling huh?"
"Inay naman hindi na ko bata" nagmamaktol na nilagpasan ko si inay
"E di umakto ka sa edad mo" nagulat pa ko sa lakas ng boses ni inay, dahil nakalapit na pala sya sa akin "takip takip kapa ng tenga dyan.. nku aimee bente uno kana pero kung umasta ka para kang sampung taon"
"Hay naku nay nakita ko si ate uma---" tinakpan ko agad ang bibig ni Ana. kahit kailan talaga ang bata nito ang sitsit kase
"Ano?'
"Ano daw nay..ah.. nakita nya akong nandon sa tabi ng puno" tinignan ko si ana na nagbabanta na wag na siyang sumagot
Buti naman at nakuha nya agad, at hindi na nga ito sumagot pa
"Sige at kumain na kayong dalawa dyan" kinuha ni inay ang sombrero nya na nakasabit sa likod ng pinto.
"Kumain na po ba kayo ni itay? si itay po nasaan?"
"Oo.. hindi na namen kayo nahintay at nagmamadali ang itay nyo, baka maunahan pa kame sa pwesto" sa gilid iyon ng kalsada
Palabas na sana si inay ng magsalita ulit ito "Anak sigurado kana ba sa pagtratrabaho mo" lumapit ako kay inay at niyakap ko syang patagilid
"Nay kaylangan, para kay bunso ito, para sa atin" ngumiti ako sa kanya para makumbinsi ko sya
"Anak pasensya kana ah, kung sana naging maganda lang ang buhay natin sana nagaaral kapa ngayon" niyakap ko nalang si inay ng mahigpit, ayokong umiyak, hindi nila pwedeng makita na nahihirapan din ang loob ko
Hanggat kaya ko magtitiis ako para sa kanila, hindi ako plastik na tao OO gustong gusto kong makatapos hindi ako ok sa ganito, pero kaylangan ko tong gawin at gusto ko tong gawin
Mahal na mahal ko ang pamilya ko.. ang kapatid ko dalawa lang kame kaya kaylangan nyang mabuhay ng matagal, marami akong pangarap sa kanya
Ang buhay namen hindi naman mahirap,sakto lang nakakakain tatlong beses sa isang araw, may sariling lupang taniman sila inay at itay, napundar daw nila ito nung magboyfriend girlfriend palang sila hanggang sila ay naging magasawa.. ngatrabaho sila abroad si inay daw ang unang nag abroad hindi kinaya ni itay na malayo si inay noon kaya sinundan nya ito.. nang nakapundar na ng lupa pangnegosyo at lupa para sa bahay, umuwi na sila sa dito sa pinas at nagpakasal, at inumpisan ang pagbuo ng kanilang pamilay at kame ang naging bunga
Balang araw makakatagpo din ako ng lalaking para sa akin, sabi nga ni inay wag magmadali, darating din ang tamang tao para sa akin, kaya nga hanggang ngayon wala parin akong nobyo
May nangliligaw naman, kaya lang hindi kopa talaga nararamdaman yung love na sinasabi nila, may naging crush din naman ako kaso talagang nung time nayon puro study ang focus ko..lalo na ngayon buhay na ng kapatid ko pinaguusapan,, kaya gagawin ko talaga ang lahat para sa kanya,, at maibigay ang dapat sa kanya,...
Kinabukasan maaga kaming umalis ni tita lorna sinundo nya ako mula sa bahay namen
"Wow....tita bahay mo to?" gumala ang paningin ko sa bahay ni tita, seven hours din ang naging biyahe namen
Naalala ko nanaman sila kanina, ayaw akong pakawalan ni ana umiiyak siya buti nalang nakuha sa pakiusapan, nangako ako sa kanya na madalas ko syang tatawagan, at pinaliwanag ko din ulit sa kanya na kaylangan ko itong gawin hindi lang para sa kanya para na rin sa pamilya namen, sinabi ko yon para hindi sya masyadong magisip ng kung ano ano. naputol ang pagiisip ko ng nangyari kanina ng magsalita si tita "magayos kana at maghahanda naman ako ng makakain natin.
Pumunta ako sa kwarto na sinabi ni tita, binuksan ko ang pinto at pumasok na, maganda ang kwarto ang kama pwedeng dalawan, lumapit ako sa kabinet at inumpisan ko ng magayos ng damit,
Katatapos ko lang mag ayos ng pumasok si tita at umupo sa gilid ng kama sa paanan, " ok kana ba dito?"
"Tita naman ang ganda kaya nitong kwarto may sarili pang cr" ginala ko paningin ko sa kabuuan ng kwarto. "sobra na nga po ito ei" nahihiya pa ko kay tita hindi naman kase kame masyadong close, madalang lang kase siyang bumisita kay itay, si itay ang kapatid nya, matanda si itay sa kanya dalawa lang din silang makapatid
"Pag may kaylangan ka wag kang mahihiyang magsabi huh?"
Tumabi ako sa kanya sa pagupo, "tita salamat po ah"
"Ok lang yun ano kaba, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo din" nakangiti nyang sabi. " oh sige na at may niluluto pa ko tinignan lang kita kung ok kana, tatawagin nalang kita pagtapos na yung niluluto ko". tumayo na si tita at lumabas na ng kwarto
Sabi ni itay hindi na daw nag asawa si tita lorna mula ng mamatay ang nobyo nito sa isang aksidente., maganda naman si tita madami nga daw nangliligaw sa kanya, kaso talagang hindi daw nito makalimutan ang dating nobyo
"Sarap naman tita ng luto mo" napapapikit pako ng hinihigop ko ang sabaw ng nilagang baka
"Binola mo pa ako"
"Totoo nga po"
"Oo na papabola na ko" nakangiting sabi ni tita
"Nga pala", patapos na kameng kumain ng may naalala si tita na sabihin sa akin ," Ngayon palang sasabihin kona sayo ang mga patakaraan sa hotel na dapat mong tandaan". tumigil muna si tita sa pagsubo at tumingin sa akin, ganun din ang ginawa ko, mainam ng makinig
"Una bawal na bawal ang laging late, pangalawa ang pakikipagtsismisan, pangatlo ang kumuha ng gamit na naiwan ng guest sa kanilang kwarto, at ang huli bawal sabayan sa elevator ang may ari ng hotel
"Bakit po?" nagtatakang tanong ko
"Dahil yun ang gusto nya" pinagpatuloy na ni tita ang kanyang pagkain. sinabi pa nito na buti nalang wala pa yung boss,dahil nasa abroad pa ito
Tapos na kameng kumain at naghuhugas na ako ng pinagkainan namen, nakakahiya naman kung si tita pa ang gagawa nito, hindi pa umaalis si tita dito sa kusina " aimee tandaan mo lahat ng sinabi ko ah?"
"Opo tita" nakangiti akong humarap sa kanya, tapos na din kase akong mahugas
Kinabukasan maaga akong nagising, nauna pa ako sa alarm clock ko, kabisado ko din kase ang sarili ko, medyo madiwara din kase akong gumayak
"Aimee nakagayak kana?"
"Opo tita, lalabas na po" buti nalang maaga akong nagising paglabas ko sa kwarto kanina hindi pa gising si tita kaya ako na ang nagluto ng umagahan namen, nagsangag ako at ininit ko ang natirang ulam kagabi at nagprito ako ng hotdog and ham. buti nalang tinanong ko si tita kagabi kung ano ang pwedeng lutuin ngayong morning
Paglabas ko sa kwarto napatingin agad ako kay tita, grabe huh.. bagay na bagay kay tita ang suot nyang white na blouse na may halong red sa harap at mini skirt na black
"Kaseksi naman ng tita ko" hindi ko napigilan ang bibig ko na sabihin ang nasa isip ko
"Hay naku kung ako lang ayoko nato ng skirt noh,.." inaayos ni tita ang skirt nya, "Yung boss kase natin ito ang gusto, sabagay tuwing monday lang naman yung skirt the rest slack na"
Nakangiti ko nalang siyang sinundan palabas na condo
Galing nga ei,.. nakacondo ang tita ko and take note may kotse pa, syempre dahil yan sa tiyaga at pagsisikap ni tita
Pagpasok namen sa hotel namangha agad ako dahil talaga namang humihiyaw sa karangyaan ang mga gamit dito
"Aimee" don lang ako natinag sa pagkamangha, nauna na pala si tita huminto lang sya sa front desk para magsulat, attendance daw sabi ni tita, habang gumagala ang mata ko sa buong hotel, bigla akong ninerbiyos kase naman kaya lang naman ako napasok dito dahil mananger ang tita ko, wala pa kong training, para tuloy akong maiihi
"Tita san cr dito?" hindi nako nakatiis dahil talagang naiihi na ko,
" Diretso ka lang dyan sa may restaurant then liko sa unang makikita mong likuan, tas may makikita ka naman ng sign don, hindi na kita masasamahan at may aasikasuhin pa ko," parang nagaalangan pa si tita kung hahayaan akong magisa, " pagkatapos mo balik ka nalang ulit dito ok?"
"Opo tita kering kering to" nakangiti pa ko, saka tumalikod na dahil naiihi na talaga ako
Ang ganda naman ng cr dito malinis ah, buti nalang naalala ako ni tita nung nanganagilangan sila ng bagong empleyado at swerte ko, bukod sa hindi kona kaylangang magtraining, ang laki pa ng sahod,, 20k lang naman oh diba para nakong naka abroad nun
Sabi pa ni tita libre pagkain pa daw dito,, oh san kapa,,saka may off pa kame dipende kung anong araw mo gusto basta daw wag lang sabay sabay kame,. sa isang linggo isang beses lang ang off namen,, aba keri nayon,,, magrereklamo pa ba ko?
Kung makakatapos lang siguro ako baka hindi lang ganito ang kaya kong maging work,. kaso talagang ganun,, ganito ang naging buhay namen,, malalagpasan din namen to, kame paba?
Ito ang first day ko sa trabaho, kaylangan kong pagbutihin ito