Chapter 12: Gusto ko siya!

1569 Words
Pagpasok ko palang sa office ni sir cavin, masyado na ang nerbiyos ko, nanginginig ang binti ko, lalo akong ninerbiyos nang makita ko siya, nang tignan ko siya, mukha naman siyang hindi galit, Bakit ang bilis nyang magpalit ng mood,? Nang pinapalapit niya ako at ang gusto niya kumandong pa ako sa kanya, hindi ko alam tuloy kung ano ang una kong mararamdaman kilig ba o pagtataka? akala ko ba galit siya sa akin? bakit iba ang pinararamdam niya ngayon,kanina lang galit ang awra niya ngayon naman pilyo Kahit ganyan ang hitsura niya, pogi parin siya, lumalantod na naman ako, sorry po nay, tay, rumurupok po ako sa kanya Lumapit ako sa kanya, dahil binilangan ba naman ako, pasalamat talaga siya natatakot pa ko ng konti sa kanya at boss ko kasi siya Akala ko kuntento na siya ng lumapit ako,hindi pala, hinawakan niya ako sa bewang at hinila papaupo sa kanya,gosh,,, kinikilig talaga ako sa mga kinikilos niya, para akong mawawala na naman sa sarili ng maglapat ang mga labi namin,iniba pa niya ang pwesto ko, nakaharap na ako sa kanya, ramdam ko na may malaking bukol sa harap niya na sumasakto sa harap ko na mamasa masa na,init na init ang pakiramdam ko, para akong may hinahanap, pero hindi ko alam kung ano yun,nang huminto siya, akala ko katulad na naman nung una na may nangyari sa amin na ganito ang gagawin niya, nagulat ako ng idiin niya ako lalo sa harap niya na siyang kinapula ng mukha ko, So ito yung ibig niyang sabihin na masasaktan ako, sa totoo lang muka siyang malaki, pano akong masasaktan?.., ano ba itong iniisip ko, parang gusto ko lang itry ah,,? hindi ba? sa totoo lang, parang gusto ko nga, iba kasi yung pakiramdam ko ngayong nasa harap niya ako at nakadiin ang ari nya sa akin, lalong nag init ang magkabilang pisngi ko sa mga naiisip ko, bastos ko ng magisip, walang hiyang lalaki na to, pati ako nahahawa na sa kanya Itinakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko, nakakahiya, kahit hindi niya alam kung ano ang nasa isip ko, nahihiya parin ako na ganun ang tumatakbo sa isipan ko "Sir naman eh" tumawa pa naman ng malakas..anong nakakatawa sa sinabi ko?? sa totoo lang kapag ganitong kasama ko siya.. hindi ko na kilala kung sino ako..nag iiba ang takbo ng isip ko at ang kilos ko.. "Anong sir?" sumeryoso ang mukha niya, patay,,, ang saya lang niya kanina, ngayon galit na naman, ang bilis niyang magpalit ng mood talaga "Boss naman talaga kita diba?" mahina na ang boses ko, parang walang lakas na sabihin yon Tumayo siya at binaba ako sa isang upuan "Okey, i tell to everyone that i like you a lot" lumakad na siya papuntang pintuan Anong sinabi niya? gusto niya ako,? nagulat pa ako ng marinig ko ang pagkasara ng pinto Gosh,,, tumayo ako agad at lumabas para sundan siya,,, tumingin ako kay mia, "Si sir?" Nanginginig siya, ano na naman ba ang ginawa ng lalaki na yon "Galit siya, ano bang nangyari?," halatang natakot si mia kay sir cavin Nakakaawa tuloy siya..buti nakakatagal ang isang to sa lalaki na yon "Pasensiya kana ah..Saan siya pumunta?" dapat hinanap ko nalang, kesa nagtanong pa ako, ang tagal sumagot "Sabi niya sa front desk daw siya pupunta, nakakapagtaka anong gagawin niya don?" iniwan ko na siya, tumakbo talaga ako, ano ba tong napasok ko, totoo bang may gusto siya sa akin at iaanounce pa niya yun Malapit na ako, nang marinig ko, nagsalita na siya "Everyone listen, i have something important to announce to all of you" ang ganda ng boses, boses palang panalo kana,ano ba yan,,naisip ko pa talaga yon Parang nagkakarerahan ang puso ko sa lakas ng kabog nito, naabutan ko siyang nasa front desk, at ang mga babae don parang nakakita ng pagkain ang mga hitsura, ano to? kulang nalang maglaway sa lagkit ng mga tingin nila sa lalaking may ari ng hotel na ito, bwisit na lalaki to, nakakaasar......hinihingal pa ako, layo din ng tinakbo ko Lumapit ako sa kanya, tumingin siya sa akin, hinihingal parin ako, humawak ako sa dibdib ko, halata sa mukha niya ang pagaalala,may naisip akong ediya, tama dapat galingan ko pa, para mas lumapit pa siya at mapigilan ko "Anong nangyari sayo?" lumapit na nga siya sa akin, hinawakan pa niya ako sa magkabilang balikat "Pwede bang pag usapan natin to?" pakiusap ko sa kanya Napatingin ako sa paligid ko, buti nalang walang masyadong tao, halos staff lang ang nakikita ko at ang bruhang kasamahan namin na ang sama ng tingin sa akin, yung iba naman parang naiinggit ang tingin, lumayo ako ng konti sa kanya, mahirap ng machismis, buti nalang wala si tita dito Nagtatakang tingin ang binigay niya sa akin, tumingin ako ng pasimple sa paligid, nakuha naman niya ang ibig kong sabihin " Back to work" hiyaw niya "And you, come to my office" nauna na siyang umalis, alam kong galit na naman siya, sa boses palang kuha ko na Sinundan ko na siya, pero bago ako makaalis, narinig ko pang may nagsalita "buti nga sa kanya, masyadong maepal, papansin" hindi ko na narinig yung sumagot, nilakihan ko nalang ang mga hakbang ko papuntang office ni sir cavin Masakit makarinig ng mga ganung salita,hinusgahan nila agad ako,hindi naman nila ako kilala "Ano po ba ang problema mo?" mataray kong sabi ng nakapasok na kami sa office niya, kahit naman papaano may paggalang parin ang pagkakasabi ko, dahil sa mga narinig ko kanina, sa kanya ko yata maibubuhos ang asar ko, hindi ko naman kakalimutang boss ko pa rin siya, hindi lang talaga ako makapaniwalang gagawin niya yung kanina "What?" nalilitong tinignan niya ako, siguro dahil sa tono kong galit kahit may po Bigla yata akong nahiya "Wala po" napayuko nalang ako Lumapit siya sa akin at inakay ako sa upuan niya, nang umupo siya sinama nya akong paupo, kahilig nya talagang kandungin ako, hindi ba ako mabigat? "Pwede bang wag kanang mag po sa akin, at mag sir?" niyakap niya ang isang kamay sa akin sa bewang at ang isa ay hinawakan ang kamay ko, ang sarap sa pakiramdam kapag ganito ang pwesto namin, ang lambing niya, wala sa mukha niya na may ganito siyang side "Hindi pwede" mahinahon na din ang tono ko,tinignan ko ang kamay niya na hawak ang kamay ko, nilalaro niya ang mga daliri ko "Why?" hindi pa rin ako makatingin sa kanya "Kasi nagtatrabaho ako sa pagmamay ari mong hotel" inalis niya ang kamay na nakahawak sa kamay ko, sinundan ko yung kamay niya, hinilamos niya sa mukha niya ito halatang nagtitimpi nang kung ano ang hitsura ng mukha niya, galit ba ulit siya? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, kung bakit ako ganito kumilos kapag kami lang dalawa, panatag ang loob ko, hindi ako nangingiming sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko, hindi ako nagdadalawang isip na sundin ang gusto niya minsan, dalawang araw palang akong nandito mula ng umuwi ako sa probinsya namin, pero parang ang tagal na naming magkasama, magkakilala, may gusto na yata ako sa kanya, kung hindi naman, hindi ako papayag na gawin namin ang mga bagay na magkarelasyon lang ang dapat gumagawa Ang tanong,ano nga ba kami? sabi niya sa kanya lang ako, siya kaya? dapat ko yatang rendahan ang damdamin ko, baka masaktan lang ako ng husto sa kanya kapag binigay ko ang lahat lahat sa kanya, sa huli ako din ang kawawa, baka magaya ako sa mga napapanood ko,luhaan at lugmok sa huli "I like you, hindi pa ba sapat na dahilan yon" naging malumanay na nag pagsasalita niya I like you lang hindi i love you? asa talaga ako, buti nga like nya ako, ang dami kayang naghahangad sa lalaking ito, pero hindi ko yun hiningi sa kanya,sana lang magtagal ang like niya sa akin, at sana humigit pa don "Ayokong pag chismisan ng mga tao dito" yun naman talaga ang totoo "Hindi mo sila kailangan isipin" "Hindi ikaw ang nasa kalagayan ko, kaya wag mong sabihin na wag ko silang isipin" Tumayo na ako, hindi naman niya ako pinigilan Tumingin ako sa kanya, kumakabog talaga ang puso ko sa lalaking ito, ang pogi talaga, totoo bang gusto ako nito? Tumayo ulit siya, at lumapit sa akin "hindi ko gusto ang sinasabi mo" "Kung ayaw mo, mas mainam sa atin na wag nalang tayo magusap" bigla nalang yun ang lumabas sa bibig ko,tinignan ko siya sa mata, mas mainam na nga yata yung ganun, masyado mabilis ang mga nangyayari sa amin, kailangan namin pareho ang space at ng makapag isip na rin siya Naningkit ang mata niya sa galit, "yan ba talaga ang gusto mo?" "O-o" s**t nautal pa ako Hindi siya nagsalita at tumalikod na sa akin, yun na siguro yon, "tutol ako sa mga sinabi mo, pero kung yan ang gusto mo, bahala ka" humarap ulit siya sa akin, blangko ang awra niya, bigla akong nanlumo sa nakita ko, kanina lang ang lambing niya, ngayon kahit anong emosyon wala akong maaninag sa mukha niya, ganyan ba talaga siya? Tumalikod na ako,nang nasa labas na ako, nanlalambot ang katawan ko sa kirot ng puso ko, hindi ko makalimutan yung mukha niya na walang emosyon, ang sakit naman, kasalanan ko ba? bakit kasi hindi niya ako maintindihan, napahawak ako sa tapat ng puso ko,..goshhhhhhhhhhhhhhhh.... Gusto ko na siya talaga GUSTO KO SIYA! my god
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD