Chapter 10: Katuwaan

1535 Words
Pag uwi namin sa bahay, para akong lantang gulay, hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ako nakakaramdam ng ganito kay sir cavin, gulong gulong na ako, hindi pwede itong nararamdaman ko, kailangan kong umiwas, pero paano? boss ko siya, "hayyyyyst,......" para akong timang na napapasabunot pa sa buhok ko at saka ko ito ginulo Buti na lang kanina nakisama yung katawan ko kinaya ko kahit nararamdaman ko yung kirot sa puso ko, para akong nanlalambot, at wala sa sarili, pero kahit ganun ang pakiramdam ko, pinilit kong umayos, dahil hindi lang ako ang maaapektuhan kapag nagkamali ako, kawawa naman yung mga kasama ko kung madadamay sa kagagahan ko, hindi ko pwedeng bigyan ng kahulugan lahat ng ito, napaka imposibleng mangyari ito sa akin, Baka nga dahil lang bago sakin ang lahat kaya ganito ang nararamdaman ko Buti nalang hindi ako nahalata nila milet, buti na lang din hindi na niya ako tinanong tungkol sa nangyari kanina sa akin ng datnan niya akong umiiyak sa hagdanan sa exit Kaya ito pagdating ko sa bahay bagsak ang katawan ko, siguro dahil pinigil ko yung sarili kong emosyon kanina, lalo na kapag naaalala ko yung nakita ko kanina sa malapit sa elevator, badtrip, na hindi ko naman dapat maramdaman.... Nagulat pa ako ng kumatok si tita lorna "Aimee,, ok ka lang?" hindi na pumasok si tita, nakasara pa rin yung pinto ng kwarto ko "Okey lang po ako tita" inayos ko yung buhok ko at bumaba sa higaan, Hawak ko na yung doorknob nang magsalita si tita "Kumain kana ba?" Tuluyan ko ng binuksan ang pinto ng kwarto ko, para lang makita si tita at makapag usap kami ng maayos "Tita lorna,... gosh... tita,,, ganda mo..." hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harap ko, nakaayos si tita, naka dress at naka make up lang ng light, bagay sa kanya yung kulay cream na dress na hapit sa katawan niya sa bandang taas,medyo pabaloon naman pababa na hindi aabot sa tuhod niya Lalo siyang bumata sa ayos niya, nakakahiya naman lumapit sa kanya "Bagay ba?" umikot pa siya "Tita,,, bagay na bagay" may paghangang sabi ko "Hindi mo ako binobola?" "Tita naman, mukha ba kitang binobola? saka tita may hindi ba maganda sa lahi natin?" Natawa si tita sa sinabi ko "Para kang si kuya, lakas ng tiwala sa pamilya natin" "Syempre po, sino pa po ba ang magpupurihan kundi tayo din po, saka tita totoo naman po na ang ganda nyo po talaga" "Oo na, oh siya, aalis na ako, ikaw na bahala dito, wag muna akong hintayin, may susi akong dala" "Ok po tita" sinundan ko na si tita palabas, "date po ba yan tita?" habol kong tanong Nginitian lang ako ni tita, hindi ko na tinanong, sa ngiti lang alam ko na "Oh sya, kumain kana dyan" "Opo" Masaya ako para kay tita Pag Alis ni tita nilock kona ang pinto, kumain na ako pagkatapos pumasok na ako kwarto ko, nakapaglinis na ako, nakatawag na rin ako kina inay okey naman na daw si ana, at okey lang naman daw sila. Hapo ang pakiramdam ko, kaya ng nakahiga ako antok na antok ang pakiramdam ko nang may tumawag, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi, hindi kasi naka save sa phone ko,parang gusto nang magpahinga nang katawang lupa ako Sinagot ko din parang alang balak tumigil eh "Hello" bungad ko Hinintay kong may sumagot, pero walang sumagot, "Hello" ulit ko, nakarinig ako ng buntong hininga "f**k" pagkatapos nyang sabihin yon biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, napansin ko nalang na pinatay na nya pala yung tawag "Bakit siya tumawag ng ganitong oras, anong kailangan nun?" hindi yata ako makakatulog ng maaga ngayon Walang hiya kang sir cavin ka,,,, aaaahhhhhh..... hindi na naman ako makakatulog nito eh, matutulog na ako tumawag pa Sigurado akong siya yon, kabisado ko na ang boses nya, pati yung paraan ng pagmumura niya Kailangan kong matulog nang maaga, pinilit kong matulog pero wala,,,bakit kasi tumawag pa, tapos magmumura lang pala, ano trip nun? Narinig ko pa ang pagdating ni tita, ano ba yan,, anong oras na?, hindi na ako lumabas nakakahiya naman kay tita, anong oras na hindi pa ako tulog Mag aalas dos na nang umaga ng makaramdam ako ng antok,. Nang mag alarm yung phone ko, tamad pa akong bumangon, pano ba naman tatlong oras lang ang tulog ko, kahit na labag sa kalooban ko ang pagbangon kailangan ko ng bumangon, pumunta agad ako sa kusina pagkatapos maghilamos at magtoothbrush Nagluto ako ng agahan namin ni tita pagkatapos nun naligo na ako, mabilisang kilos ang ginawa ko Paglabas ko ng kwarto nakagayak na si tita, nasa kusina na siya at naggagayak ng pagkain namin,.. nang makita ako ni tita inaya niya agad ako sa hapag kainan, Kumakain kami ng magsalita si tita lorna "Aimee bakit parang puyat ka?" "Hindi naman po tita" "Ang pungay ng mata mo, para kang inaantok" tinignan pa ako ni tita nang mabuti "Tita naman ganyan po talaga ang mata ko" nagpacute pa ako kay tita "Ewan ko sayong bata ka" naiiling na lang si tita sa kagagahan ko Dating gawi, pagkatapos kumain si tita naghuhugas, pagkatapos, pasok na kami Sabay kami ni milet na dumating, papasok na kami ng locker nang tawagin si milet ng secretary ni sir cavin, ano nga ba kasi pangalanan nito, nang nakalapit na siya, tinignan ko yung name plate niya, mia ang nakalagay, Mia pala ang name nya "Milet, pinatatawag ka ni boss" alanganin pa itong tumingin sa akin Napaturo si milet sa sarili "ako?.. bakit daw?" Bakit nga ba? "Ikaw daw ang maglinis ng office nya" nakakunot ang noo ni milet na nagtataka, tumingin siya sa akin, nagkibit balikat lang ako "Sige, ayusin ko lang yung gamit ko sa locker" "Pagkatapos mo punta kana" umalis na agad si mia "Ang tagal naman nang baby love ko" "Lakas tama mo kay mike ah?" pilit kong pinasisigla ang sarili ko kahit na may kirot akong nararamdaman na hindi naman dapat "Ewan ko ba, nung una todo deny pa ako sa sarili ko, alam mo yung gusto mo syang laging nakikita at makasama, masaya sa pakiramdam, pero kapag may nakikita kang kasama niya na ibang girl, ang sakit dito" turo pa niya sa tapat ng puso niya Habang papaalis si milet, masakit pala, akala ko ako ang papupuntahin nya para maglinis,mukang siya na ang kusang umiiwas sa akin, siguro nga pinaglaruan lang niya ako, na agad naman akong bumigay sa kanya, pero bakit ang sakit? Tama lang ito, hindi na dapat pa kami magsama sa isang lugar, parang pinipiga ang puso ko sa sakit, ano bang puso ito? tama na to, hindi ito tama.. Kasama ko si mike at cris na naglinis, dahil wala pa si milet kami lang tatlo ang magkasama, keri naman,kinaya, sanay na sanay naman yung dalawa Tapos na kami sa unang kwarto,sa susunod na room naman, nagbibiruan yung dalawa tungkol kay milet, inaasar ni cris si mike kay milet "Ano pre, pasundo ko na ba si baby love mo?" habang tulak nila pareho ang lagayan ng gamit namin, kanina pa inaasar ni cris si mike ng ganyan, ano kaya nakain ni cris at ang daldal? Natatawa nalang ako sa kanila, ang cute kasi nila, para silang magkapatid na nag aasaran "Naku,,,namimiss mo na nga ba mike ha?" nakisali narin ako sa pang-aasar Parang namiss ko yung kapatid ko "Pati ba naman ikaw aimee?" nagtatampong iniwan kami ni mike "Arte mo pre" pang aasar pa ni cris Sinundan ko agad si mike, at kumapit sa braso niya "matampuhin ka pala" "Naku aimee, wag kang maniniwala dyan, hindi marunong mag tampo yan" nakalapit na pala si cris sa amin "Sira ulo ka talaga, cris,," ambang susuntok si mike Umalis ako sa pagkakahawak kay mike, nagpunta ako sa gilid ni cris, kay cris ako humawak, at tinutulak ko siya papunta kay mike, para akong bata na nanggugulo sa mga kuya ko Ang saya lang nang pakiramdam, para kaming bata, tawa tuloy ako ng tawa "IS THIS A PLAYGROUND!!!!" Nahinto kaming tatlo,at napatingin sa taong humiyaw Shit,,, si sir cavin,galit na galit ito ang sama ng tingin sa amin, o,,, sa akin lang, ang lakas ng kabog nang puso ko, kasama nya si milet na lumapit agad sa amin Hindi ko natagalan ang tingin nya kaya yumuko ako, ano ba yan minsan magkasiyahan nahuli pa.,, teka, wala naman kaming ginagawang masama, lumalakad naman kami habang nagkakatuwaan "Miss. Sebas, come to my office NOW!" tumalikod na siya Nawindang naman ako, kung hindi pa ako tinapik ni milet, hindi ako kikilos "Friend, punta kana, baka bumuga ng amoy yun" halata ang takot sa boses ni milet "Pasensya kana aimee" hindi din malaman ni mike at cris ang gagawin "kung gusto mo sasama kami sayo, para magpaliwanag kay boss" "Wag Na" tumingin ako kay milet "baka kaya ako lang ang pinapunta, kase mawawalan ng kasama si milet dito, hindi nya kakayanin kung siya lang mag isa" nakuha ko pang ngumiti sa kanila Tumalikod na ako at baka mahalata nilang nanginginig na ang kamay ko sa takot Sino ba naman ang hindi matatakot sa mukha ni sir cavin kanina, galit na galit talaga,ang dilim nang awra, parang kakain ng buhay..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD