Kabanata 53 A T H E N A Kung kailan dalang dala na ako sa mga halik niya ay saka naman siya nagdesisyong huminto. Dinistansya niya ang kanyang mga labi mula sa mga labi ko ngunit ang kanyang nuo ay nakadikit pa din sa akin. Pareho kaming hinihingal habang nakatitig lamang sa mata ng bawat isa. Hindi pa din ako makapaniwala na nangyayari itong lahat ngayon. Mabilis ang t***k ng puso ko at parang may mga paru-parong nagliparan sa tiyan ko. Para akong mauubusan ng hininga dahil sa hindi normal na pagtibok ng puso ko. Ganito pala yung pakiramdam kapag sobrang saya mo? Yung tipong naninikip ang dibdib mo dahil sa labis na kasiyahan? Hindi ko kailanman naisip na posible pa lang mangyari itong lahat. Ang dating akala ko ay hanggang pangarap lang, ngayon ay abot kamay ko na. Mahal niya din pal

