Kabanata 85 A T H E N A Naguguluhang bumaling sa akin si Arian na para bang nagtataka siya kung bakit hindi ko manlang ipinakilala si Calvin kay Ares. "Hindi mo siya pinakilala sa kapatid mo? Wala ba siya ngayon dito?" Hindi ako nakasagot dahil sa sobrang pagkagulat. Hindi matanggap ng isip ko ang mga sinabi ni Arian. What the heck! Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko para na itong sasabog sa sobrang bilis. What the hell is this? Bakit niya itinayo ito? Bakit kailangan niyang tuparin ang pangarap naming dalawa ng mag-isa? Sinabi ko bang tuparin niya ang mga pangarap namin? Bakit pa niya binuo ito? Wala naman na ako sa buhay niya kaya bakit pa siya nagsumikap na tuparin ang pangako niya sa aking magtatayo siya ng isang restaurant na ipapangalan niya sa akin. Parang pinipiga ang dibdib ko

