Kabanata 84 A T H E N A "Restroom lang ako," sabi ko kay Ares kahit na hindi naman talaga ako na-CCR. Gusto ko lang siyang takasan. Kahit anong gawin ko kasi ayaw niya akong pakawalan sa pagkakayakap niya. Ayoko namang gumawa ng eksena dito sa party ni Cassy kaya hinahayaan ko na lang. Tinignan niya ako bago tumango. Tinanggal niya din sa wakas ang pagkakapulupot ng mga bisig niya sa akin. "Sasamahan kita," bulong niya sa tainga ko nang paalis na sana ako kaya muli akong napabaling sa kanya. "Kaya ko na mag-isa," sabi ko salubong na ang mga kilay. Anong bang ginagawa ng isang ito? Nang tignan ko si Cassy ay nakatingin pa rin pala ito sa'ming dalawa ni Ares at nag-iwas lang siya nang makitang nakatingin na ako sa kanya. Tsk! May pagkachismosa din 'tong babaeng 'to kung minsan. "Sasama

