Kabanata 83 A T H E N A After ng contract signing ko sa Athena's favorites ay agad akong tumawag kay Mommy upang ibalita sa kanya ang tungkol sa bago kong trabaho. Ang weird nga dahil ang akala ko interview-in pa ako bago kami didiretsiyo sa contract signing pero pagdating ko duon ay agad na nilang pinaliwanag sa akin ang tungkol sa kontrata at nagpirmahan na agad kami. So weird pero s'yempre pabor iyon sa akin kaya hindi na ako nagtanong pa kung bakit dumiretsiyo na agad sa contract signing. Ang mahalaga sa akin ay ang nakapasok ako sa restaurant na yun. Iyon na yata ang pinakamalaking offer sa akin. Kahit kailan ay hindi ako nakatanggap ng ganuong offer nung nagtatrabaho ako sa states. Sinong mag-aakalang sa pilipinas pa pala may mag-ooffer sa akin ng ganun kataas. Sobrang unexpected l

