Kabanata 61 A T H E N A Naputol ang usapan namin ni Cassy nang dumating na si Ares. Salubong ang kilay niya nang madatnan niya akong halos paiyak na kaya agad akong tumawa upang kunwaring masaya ang pinag-uusapan namin ni Cassy kahit na hindi naman talaga. Tinaasan lang ako ng kilay ni Cassy at tumawa na din upang sakyan ako. Tumayo na kami ni Cassy para makalabas na habang nakasunod naman sa likod namin si Ares. "Where's my driver?" Takang sabi ni Cassy nang makitang wala na ang sasakyan niya pati na din ang kanyang driver. "Pinauwi ko na." Sabay kaming napalingon ni Cassy kay Ares na ngayon ay pinatunog na ang kanyang sasakyan. Isang irap ang ginawa ni Cass bago pumasok sa loob ng sasakyan ni Ares. Pagbubuksan pa sana ako ni Ares nang pintuan sa harap nang bigla akong hilahin ni Ca

