Kabanata 60 A T H E N A Maaga akong nagising nang sumunod na araw, naligo muna ako bago lumabas ng kwarto para pagdumating si Cass ay nakahanda na ako at diretsiyo na lang kami sa mall kung saan kami mag shoshop ng mga isusuot namin para sa outing. Naabutan ko si Ares sa sala, nagkakape at may binabasang kung ano sa phone niya. Napangiti ako at agad na lumapit sa kanya upang ipaalam ang tungkol sa mangyayaring outing mamaya. Naupo ako sa tabi niya kaya agad siyang napabaling sa akin. Tumaas ang kilay niya nang makitang malawak ang ngiti ko. "It's Andrei's birthday today!" I said happily. Kumunot ang nuo niya at nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "And? Why are you so excited?" Tunog naghihinala iyon kaya mas lalong lumawak ang ngisi ko. "Si Cassy ang nag-aasikaso ng birthday celeb

