Kabanata 59 A T H E N A Alas-dyis na ng gabi ako naihatid ni Troy sa bahay dahil napahaba ang kwentuhan namin ng Mom niya nang matapos kaming kumain. Hindi naman na ako kinabahan nun dahil mababait naman pala sila. Medyo tahimik lang 'yung mga kuya ni Troy pero ayos lang naman dahil hindi naman nila ako kinakausap. Nasa sala si Ares nang madatnan ko siya. May hawak siyang libro na agad niyang ibinaba sa lamesa nang makita niya akong pumasok mula sa front door. Salubong ang kanyang kilay at igting ang kanyang mga panga habang nakatingin sa akin. Sa itsura pa lang niya ngayon ay alam ko nang galit siya sa akin. Ngumiti pa din ako sa kanya kahit na ganun. "Gising ka pa?" Iyon ang unang lumabas sa bibig kong salita. Hindi siya sumagot at lumapit sa pwesto ko. Ngumuso ako nang nasa harapan k

