Kabanata 21 A T H E N A Tanghali nang magpasiya akong lumabas ng kwarto ko. Nadatnan ko si Ares sa kusinang naghahanda ng pagkain sa lamesa. Malamang sa malamang wala na sila Mommy kaya para saming dalawa na lang itong hinahanda niya kaya lang nakakapagtaka yatang tatlong pinggan ang nakalagay sa lamesa. Dahan dahan akong lumapit sa pwesto niya ngunit agad din akong napahinto sa paglapit nang biglang may yumakap mula sa likod niya. Si Arian. Nandito pala siya. Hindi ko agad siya nakita dahil siguro nanggaling siya sa bathroom. Aatras na sana ako dahil ayoko sanang maka-istorbo sa dalawa kaya lang biglang napabaling sa akin si Ares. Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa hindi ko malamang dahilan. Or siguro nahihiya pa din ako sa nangyari kagabi. Hindi niyo din naman ako masisisi. Ang hir

