Kabanata 22 A T H E N A Mabilis naman kaming nakarating sa mall na madalas naming puntahan ni Ares since iyon ang pinaka malapit na mall sa amin. Tahimik lang ako sa sasakyan habang nagkukwentuhan pa din sila ng kung ano-anong bagay. Napag-usapan pa nga nila 'yung niregalong condo ni Dad kay Ares nung last birthday nito. At hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting inis para kay Arian habang pinag-uusapan nila yun para kasing gusto na niyang palipatin si Ares duon at duon na tumira. Wala namang mali kung iyon talaga ang gusto niya o ni Ares dahil matanda naman na talaga si Kuya at ayos lang na magsarili siya pero nakakainis lang kasi ngayon lang kami nagkaayos ulit tapos magkakalayo naman agad kami. Kaya hindi ko talaga nagugustuhan ang pag-uudyok ni Arian kay Ares na magsarili na lan

