Kabanata 8 A T H E N A "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" pambungad na sabi ni Ares sa panglimang beses niyang tawag. Kanina ko pa kasi hindi sinasagot ang tawag niya. Hindi ko pa din kasi nakakalimutan na may atraso siya sa akin. Nauna pa talaga niyang kausapin si Arian kaysa sa aking kapatid niya. Ilang taon na ba sila at mukhang mas matimbang na sa kanya ang babaeng iyon? Nakakainis lang. Alam kong hindi dapat ako nagagalit ng ganito dahil lang sa bagay na 'yun pero hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili kong hindi mainis. I want to hate myself for feeling this way. Hindi dapat ako ganito! Siguro ay nasanay lang talaga akong ako lang ang pinaglalaanan niya ng mga oras niya kaya nagkakaganito ako. This is wrong, Athena. Hindi habang buhay ay sayo lamang siya. Kailangan kong ma

