007

2074 Words
Kabanata 7 A T H E N A Nakatanaw lang ako sa bintana ng kwarto ko habang unti-unting naglalaho ang sasakyan namin sa paningin ko. Tumanggi akong sumama sa paghatid kay Ares hanggang airport dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maiyak ako ng sobra pero wala din palang pagkakaiba iyon kahit nandito lang ako. Hindi ko pa din napigilan ang sarili kong maiyak ng sobra. Lumuluhang nahiga ako sa kama ko at isinubsob ang mukha sa unang nanduon. Hindi ko maiwasang malungkot kahit na ako naman ang may gusto nito. Kahit ako naman talaga ang pumilit sa kanyang umalis. Ang bigat lang sa dibdib. Tatlong buwan lang naman siyang mawawala pero bakit parang napaka tagal niyang aalis kung makaiyak ako? Siguro dahil hindi lang talaga ako sanay na wala siya. Ito ang unang beses naming magkakahiwalay kaya nakakalungkot talaga. Nang hindi ko mapigilan ang sarili ko ay dinampot ko ang phone ko at mabilis na dinial ang numero ni Ares. Kaaalis lang nila kaya alam kong hindi pa sila nakakarating sa airport. Agad naman niya iyong sinagot na para bang inaasahan na niyang tatawag ako. "Athena.." Humikbi na ako bago pa man ako makapagsalita. Hindi ko talaga mapigilan ang hindi umiyak. Ang OA ko na siguro dahil parang ito lang ay iiyakan ko pa. Ewan ko ba. Ang bigat bigat lang talaga sa dibdib. "Hey.. Are you crying?" malumanay na tanong niya kaya mas lalo pa akong napahikbi. "Hey.. wh-what's wrong? Are you okay?" "Is that your sister?" rinig kong tanong ni Mommy mula sa kabilang linya. "Dad I think we should go back," nag aalalang sabi ni Ares. "No! I'm fine here! Wag na kayong bumalik malilate ka na sa flight mo. Ayos lang ako dito. Gusto ko lang makausap ka bago ka manlang umalis ng tuluyan." Muling may tumulong luha sa mga mata ko na mabilis kong pinunasan. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ares. "Pwede pa din naman akong tumawag kahit nasa states na ako. Tatawag ako palagi. Just don't be sad please. Hindi ako mapapakali duon kung ganyan ka palagi." "Athena, what's wrong? Please anak wag mo nang baguhin ang isip ng Kuya mo. Hindi na kami pwedeng bumalik diyan dahil malilate na akong Kuya mo sa flight niya!" ani Mom na nakisingit na naman. "No, it's fine mom. We'll just talk," ani Ares sa kabilang linya. "Totoo yan ah. Tatawag ka palagi ah! Dapat araw araw tawagan mo ako! Mag tatampo talaga ako sayo kapag hindi mo ako tinawagan kahit isang araw lang. Mamimiss kita sobra," sabi ko habang naluluha pa din. Hindi ko talaga alam kung paano ko patatahanin ang sarili ko basta ang bigat bigat lang sa dibdib. Sandali pa kaming nag-usap hanggang sa makarating sila sa airport at kinailangan na naming magpaalam sa isat-isa. Nang ibaba niya ang tawag ay duon na ako tuluyang napaluha ng sobra. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba talagang wala siya sa tabi ko dahil nasanay na ako palaging nandyan siya. Alam kong una pa lang ito at may mga susunod pang pagkakataon na maghihiwalay kami ng matagal tulad nito pero ayoko na muna sigurong isipin iyon. Masiyado nang mabigat ang dibdib ko para isipin pa ang mga iyon. Sa ngayon magtitiis na muna akong hindi siya makita kahit sandali. Mabili lang naman siguro ang tatlong buwan di ba? Kakayanin ko naman sigurong wala siya ng ganun katagal. Hindi pwedeng palagi akong dedepende sa kanya. Nakakapanibago nang mag-isa akong pumasok sa school. Palagi kasi kaming sabay pumasok ni Ares. Minsan kapag hindi ako papasok dahil may sakit ako ay hindi na din siya papasok para lang bantayan ako. Nakakapanibago din nung mag lunch break dahil hindi ko siya kasabay. May mga kaibigan naman ako pero kay Ares pa din ako sumasabay sa pagkain. Iyon kasi ang gusto niya para daw nasusubaybayan niya ang kinakain ko. Ngayon mukhang wala akong choice kundi ang sumabay sa mga kaklase at kaibigan kong mag lunch dahil wala siya. Sabay sabay kaming nagtungo sa cafeteria upang mag lunch nang mapadako sa isang lamesa ang tingin ko. May dalawang taong nakaupo duon at mukhang magsisimula nang kumain. Kumaway si Arian sa akin nang makitang nakatingin ako sa direksiyon nila ng lalaking kasama niya. Kasama nanaman niya kasi si Troy. Bumaling ako sa mga kaibagan ko na busy maghanap ng mauupuan. Nagpaalam ako sandali sa kanila upang lapitan si Arian. "Hi," untag ko nang makalapit. Sinulyapan ko si Troy na ngayon ay kuryosong nakatingin sa akin. Nagtataka siguro kung bakit ako lumapit sa table nila gayong nuong isang araw lang ay minalditahan ko si Arian. "Athena, this is Troy Sanchez my bestfriend and uh Troy this is Athena Lopez. Kapatid siya ni Ares," ani Arian na pinakilala kami sa isat-isa ni Troy. "Yeah I remember her," ani Troy na may kuryosong tingin pa din. Ngumiti ako sa kanya kahit na ninenerbiyos pa. "Pasensiya na nga pala sa ginawa ng brother ko sayo nuong isang araw. Paminsan minsan lang talaga tinotoyo yun. Pagpasensiyahan mo na," sabi ko na ikinatawa ni Arian. Ngumiti si Troy sa akin at tumango. "Hindi ikaw ang dapat humihingi ng sorry sa akin. Iyong gago mong kuya ang dapat gumagawa niyan. Tinulungan mo pa nga ako," ngumisi siya na ikinapula ng pisnge ko. "Kahit na. Kuya ko pa din siya kaya tama lang na ihingi ko siya ng pasensiya. Pasensiya na talaga, nabagok yata kasi yung ulo niya nung bata siya kaya medyo may sayad," natatawang biro ko. Natawa din silang dalawa. Pinaupo nila ako sa table nila. "I'll get you something to eat. Ano bang gusto mong kainin Athena?" tanong ni Troy nang makaupo ako sa tabi ni Arian. "Huh? Ah kahit ako na lang ang kumuha ng pagkain ko," nahihiyang sabi ko. "Hayaan mo na si Troy, Athena. Kahit anong gawin mo dyan hindi yan papayag na ikaw ang kukuha ng sarili mong pagkain. Masiyadong pinangatawanan ang pagiging gentleman." Umirap si Arian kay Troy. "Sasamahan na lang kita kung ganun," sabi ko. Agad naman itong sumang-ayon kaya sabay kaming tumayo upang kumuha ng aming mga pagkain. Hindi na niya tinanong si Arian kung ano ang gusto nito dahil mukhang alam naman na niya ang mga gustong pagkain ng babae. Ganun na sila ka-close? Matagal na ba silang magkaibigan? Ay oo nga pala magkababata nga pala sila kaya malamang sobrang close na nila sa isat-isa. Nakakainggit naman. Ako kaya? Kailan ako magiging malapit kay Troy? Kung palagi kaya akong sasama kay Arian magiging malapit na din ako kay Troy? Posible. Mukhang nakaganda din na nagkakilala kami ng girlfriend ni Ares, at least ngayon may pagkakataon na akong malapitan at makausap si Troy. Habang pumipili ng aming mga pagkain ay hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Siya iyong klase ng lalaki na para bang walang makamundong isipan. Napaka amo naman kasi ng mukha niya parang walang kahalay-halay sa katawan kahit na lalaki siya. Kung si Kuya mayroong imahe ng pagka-bad-boy, ito namang si Troy mala prince charming ang datingan. Good boy na good boy ang datingan ni Kuya. Uminit ang pisnge ko. Itong mga ganitong lalaki talaga ang gusto ko. Mabait, hindi manloloko at sinungaling. Hindi din marunong magpaiyak ng babae. Responsable at gentleman. Si Ares gentleman din naman kaso manwhore. Di ko na mabilang ang mga babaeng pinaasa niya lang. Isa kasi talaga siyang malanding nilalang. Ewan ko ba kung bakit ganun 'yun. Napasimangot ako bigla nang maalala si Ares. Namimiss ko na siya agad. Ano ba ito! Kakaalis niya pa lang pero ganito na ako. Hindi pwedeng ganito. Paano ako masasanay na mag-isa kung palagi ko siyang iisipin di ba? "Are you okay?" kunot ang nuong tanong ni Troy. Napansin niya siguro ang bigla kong pagsimangot. Ngumiti ako sa kanya ng matamis bago tumango. "Ayos lang. May naalala lang. Okay na ako sa pagkain ko. Ikaw?" "Tapos na din ako. Bumalik na tayo," aniya. Tumango ako bago sumunod sa kanya nang magsimula na siyang maglakad pabalik sa lamesa namin. Naabutan pa naming may kausap sa phone si Arian na sa tingin ko ay si Ares dahil narinig ko pa ang huling sinabi nito bago ibinaba ang tawag. "I love you, bye!" "Si Kuya ba yun?" hindi ko napigilang magtanong dahil hindi pa tumatawag sa akin si Ares ngayong araw pagkatapos nauna pa niyang tawagan si Arian. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng inggit dahil duon. Girlfriend niya si Arian kaya dapat lang na mag-usap sila palagi pero kailangan ba talagang siya pa ang unahin niyang tawagan kaysa sa akin? Malawak ang ngiting tumango si Arian sa tanong ko. "Hindi pa siya tumatawag sa akin.." walang ganang sabi ko. "Baka busy lang. Saglit lang din naman kaming nag-usap," aniya. Isang tipid na ngiti bago ako naupo sa tabi niya. Napapakagat sa labing pinagtuonan ko ng pansin ang pagkain sa harapan ko nang magsalita si Arian. "For sure tatawagan ka din nun." "Maybe.. or maybe not. Anyway, let's eat!" Isang pilit na ngiti ang ginawad ko bago muling itinuon ang pansin sa pagkain. "I have a question." Sa gitna ng pagkain ay nakuhang magsalita ni Troy. Pareho kaming napabaling sa kanya ni Arian. Nakatingin siya sa akin na para bang sa akin niya idinirekta ang sinabi. "Bakit nga pala magkaiba ang family name niyo ni Ares?" kuryosong tanong ni Troy. Napabaling sa akin si Arian na para bang hinihintay niya din ang isasagot ko sa tanong na iyon. Don't tell me hindi niya alam na hindi kami totoong magkapatid ni Ares. Hindi ba sinabi sa kanya ni Ares? Bakit parang wala siyang alam kung tignan niya ako ngayon. Seriously? Gaano na ba sila katagal ni Ares at hindi man lang nito nabanggit sa girlfriend niya na step sister niya lang ako at ang totoo hindi naman talaga kami magkadugong dalawa. "Uhm.. his my step brother. Magkaiba kami ng magulang. Nagpakasal ang mom ko sa dad niya kaya kami naging magkapatid pero sa totoo lang wala kaming kaugnayan sa isat-isa..." Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ang awkward pag-usapan ng bagay na ito. Siguro dahil hindi ko naman na iniisip na hindi talaga kami magkapatid. Para sa akin kasi totoong Kuya ko siya. "Really? Hindi niya nasabi sa akin 'yan. Akala ko magkaiba lang kayo ng ama kaya ganun." "Hindi na niya siguro nasabi sayo dahil para sa amin totoong magkapatid kami," sabi ko na hindi mapakali. Naiilang talaga akong pag-usapan ang bagay na ito. Ewan ko ba. Hindi ako komportableng may nakakaalam na hindi kami totoong magkapatid ni Ares. Hindi naman namin sinisikreto ang totoo sa campus kaya lang wala pa namang nagtatanong sa amin tungkol sa bagay na ito. Ito ang unang beses na may nagtanong at nakakailang palang pag-usapan ang bagay na 'to. "Palagi ka naming pinag-uusapan ng Kuya mo pero hindi man lang niya ito nabanggit sa akin. Pakiramdam ko tuloy ngayon wala siyang tiwala sa akin kaya hindi niya masabi sa akin ang bagay na ito O baka hindi lang siya seryoso sa akin kaya di niya mashare yung mga ganitong bagay sa akin," Hilaw na ngumiti si Arian. "Hindi naman siguro ganun. Gaya nga ng sabi ko parang tunay na magkapatid ang tingin namin sa isat-isa kaya hindi niya na din siguro nasabi sayo ang bagay na 'to. Wag sanang sumama ang loob mo kay Ares. I'm so sure he's serious with you. Wala pang pinakilalang babae sa akin 'yun bukod sayo kaya nasisiguro kong seryoso talaga siya sayo. Mahal ka nun..." Hindi ko alam kung bakit parang biglang may kumurot sa dibdib ko nang sabihin ko ang mga huling salitang iyon. Ano nanaman ba 'to? Nagiging abnormal na ang mga nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin? Hindi kaya ako nakukulam nito at kung ano-anong nararamdaman ko sa katawan ko? "I know that. I'm just really disappointed." Hindi na ako sumagot pa at hinayaan na lang siya sa nararamdaman niya. Hindi ko naman pwedeng ipagtanggol si Ares dahil kahit ako hindi ko din sigurado kung bakit hindi niya man lang nabanggit ito sa girlfriend niya. Mukhang seryoso naman siya kay Arian pero bakit nga kaya ganun? Ewan ko. Hindi naman na mahalaga 'yun para pagtuunan ng pansin. Bahala si Ares magpaliwanag sa girlfriend niya. Total mukhang may oras naman siya para kausapin ang girlfriend niya kaysa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD