006

2105 Words
Kabanata 6 A T H E N A Sinubukan namin ni kuya ang ibat-ibang activities na mayroon sa boracay. Sinusulit na talaga namin ang mga araw namin dito. Sayang naman kasi kung hindi namin mae-experience iyong mga activities nila dito. Ang saya nga kahit medyo napagod ako duon. Nakakalungkot lang dahil ito na ang huli naming labas bago siya magtungo sa states para duon mag training. Tatlong buwan din siyang mawawala kaya hindi ko talaga maiwasang malungkot. Ito yata ang unang beses na magkakahiwalay kaming dalawa mula nang magpakasal ang mga magulang namin. Mula nun nasanay na akong lagi ko siyang kasama sa lahat ng bagay. Hindi ako sanay na may ibang taong nagluluto para sa akin. Gusto ko talaga ang luto niya. Hindi niyo naman ako masisi dahil sobrang sarap naman talaga ng luto ni Ares. For sure magiging kilalang chef siya sa future. Ang swerte siguro talaga ng mapapangasawa niya dahil gwapo na nga siya magaling pang magluto. Hindi ko maiwasang malungkot kapag naiisip kong magkakaruon na ng sariling pamilya si Ares. Siyempre pag nangyari iyon, hindi na ako ang magiging priority ni Ares. Magkakaruon na siya ng sariling buhay habang ako panghabang buhay na yatang magiging single. Sa galing ba naman niyang bumakod eh. Wala talagang nangangahas na sumuway sa kanya. Ewan ko ba sa mga lalaki sa school masiyadong takot sa Kuya ko. Kung sabagay panong hindi ba naman siya kakatakutan kung napaka basagulero nung lalaking yun. Kahit sino na lang sinasapak kapag malamang nanliligaw sa akin kahit ang totoo ay nakikipag-usap lang. Tarantado talaga. Pero kahit ganun siya. Mahal na mahal ko yang Kuya ko na yan. Mahigpit ko siya niyakap nang mapagtantong ito na ang huling araw namin dito sa boracay. Lumabi ako at nag angat ng tingin sa kanya habang nakayakap pa din. "Ngayon pa lang namimiss na kita," sabi ko nang may naluluhang mga mata. Pumungay ang mga mata niya sa sinabi ko. Hinawi niya ang buhok na nasa mukha ko na bago ako hinawakan sa magkabilang pisnge. Sigurado ako sa ayos namin ngayon mukha kaming mag-couple. Lalo na at walang nakakilala sa aming dalawa dito sa boracay, aakalain talaga ng lahat na couple kami dahil sa ayos namin. Hindi ko alam kung bakit biga akong na-excite sa ideya na mukha kaming mag-couple. So weird pero ayoko na lang pag-isipan iyon ng masama. Baka sabik lang talaga akong magka-boyfriend kaya nae-excite ako sa isiping mukha kaming couple ni Ares. Tama. Ganun na nga siguro iyon. Paano ba naman kasi nakailan nang boyfriend iyong mga kabatch ko samantalang ako wala pa din kahit isa. Di ko nga man lang naranasang magkaruon ng fling. Ano ba 'yan! Minsan pakiramdam ko ako na ang pinaka panget sa batch namin dahil ako lagi ang kulelat sa mga ganung bagay. Ang hirap palang magkaruon ng kapatid na lalaki pero hindi din kasi iyong mga kaklase ko naman may mga Kuya din pero hindi naman sila pinagbabawalan mag boyfriend. Si kuya lang talaga ang OA sa pagiging over protective kaya hindi ako magka-boyfriend. Narito kami ni Ares sa isang restaurant dito pa din sa boracay. Ito na ang huling kain namin dito bago kami umuwi ng maynila at bago siya umalis ng pilipinas. Nakakalungkot man pero kailangan kong tanggapin iyon. Nagpaalam lang siya saglit para mag banyo ngunit nang bumalik siya sa lamesa namin ay may kasama na siya. Halos masamid ako sa tubig na iniinom ko pagkakita sa kasamang babae ni Ares. Agad na umarko ang kilay ko nang makabawi sa pagkabigla. Anong ginagawa ng babaeng ito dito? "Uh Athena, this is Arian—" Hindi ko siya pinatapos at agad na sumabot. "I know who she is, kuya," pairap kong sinabi bago matalim na tinitigan ang babae. "Why is she here?" "I just want to formally introduce her to you bago man lang ako umalis." "Seriously? Bakit pa? Hindi ba wala naman na kayo dahil nagloko yan?" inirapan ko ang babae. "Wag mong sabihin sa akin kuya na nakipagbalikan ka pa sa babaeng iyan matapos ka niyang lokohin?" "Athena, hindi niya ako niloko..." "At naniwala ka naman huh?" "Athena please, pakinggan mo na muna ako. She didn't cheat on me." "Eh ano palang tingin mo kay Troy?" "Troy is my friend. Magkababata kami at kahit kailan hindi kami nagkaruon ng relasiyong dalawa maliban sa pagiging magkaibigan," sabat ng babaeng malandi. "I don't remember talking to you." Walang galang na sabi ko dito ngunit imbes na mainis ay ngumiti lamang ito sa akin at tumango-tango. "Athena!" suway ni Ares sa akin pero hinawakan lang ni Arian ang kamay niya upang pigilan. "Naiintindihan ko kung bakit ka galit sa akin. You thought I cheated on your brother right? But I didn't. Nakipaghiwalay ako sa kanya because I got tired on our relationship. Wala siyang masiyadong oras sa akin at hindi niya man lang ako maipakilala sa pamilya niya. Naisip ko na baka hindi siya seryoso sa akin kaya ganun. Muntik na nga kitang pagselosan dahil sayo na yata nakatuon lahat ng oras niya. Hindi na niya ako magawang bigyan kahit saglit ng oras niya dahil busy siya palagi sayo." Tumawa si Arian. "I know. Mukha na akong baliw dahil pati ikaw na kapatid niya ay pinagselosan ko pa pero hindi mo naman siguro ako masisi kung parating wala siyang oras sa akin. Kaya naisip ko talaga na baka hindi siya seryoso talaga sa akin kaya nakipaghiwalay na lang ako. Hindi ko yata kayang makipag komptensiya sayo para sa oras niya dahil mukhang mahal na mahal ka ng kuya mo." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ni Ares. Napatingin naman ako sa seryosong nakatitig sa aking si Ares. "Pero naisip ko nitong mga nakaraang araw na hindi ko pala siya kayang bitawan. Mahal ko siya kaya dapat matutunan ko ding intindihin siya at mahalin ang mga taong minamahal niya. Pasensiya na kung hindi naging maganda ang una nating pagkikita. Galit lang talaga ako sa kuya mo nuon dahil pati ba naman ang kaibigan ko ay idadamay niya sa away naming dalawa. Troy is innocent. Wala siyang kaalam alam na hiwalay na kaming dalawa ng Kuya mo tapos siya pa itong na agrabiyado kaya sobrang nagalit talaga ako kay Ares nun. Sana maintindihan mo. Hindi ko niloko ang Kuya mo Athena. I love him so much to do that. Hindi ko siya kayang ipagpalit sa kahit na sino pa man. It was just a misunderstanding." Gusto kong humanga sa tapang ng babaeng ito sa pagharap sa akin. Kahit na binabastos ko na siya ay pormal pa din siyang nakikipag-usap sa akin at pilit kinukuha ang loob ko. Ang sama ko naman kung pagmamalditahan ko pa siya pagkatapos ng mga sinabi niya. Hindi ko alam pero kahit maayos naman ang paliwanag niya ayoko pa ding tanggapin kaya lang nang bumaling ako kay Ares ay nagmamakaawa na ang mukha nitong tanggapin ko ang girlfriend niya. Inirapan ko siya. "Can we just eat? Kanina pa ako ginugutom," pag-iiba ko sa usapan. Ngumiti lang si Arian sa akin at mukhang dismayado. Aalis pa nga sana kung hindi lang ako nagsalita. "Hindi ba kayo mauupo? Come on, Kuya gutom na ako!" sabi ko na parang walang nangyaring komprontasiyon. Sumilay ang isang malawak na ngiti sa labi ni Ares at ganun din sa babae niya. Nagkatinginan sila na parehong may mga ngiti sa mga labi. Gusto kong mapa-irap sa kawalan dahil sa kakornihan nila pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagulat na lang ako nang lumapit si Ares sa pwesto ko at dinampian ng isang madiing halik ang aking nuo. Kumalabog ng mabilis ang lintek kong puso. Bigla ring nag-init ang magkabilang pisnge ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang reaksiyon ko sa inakto ni Ares gayong madalas naman niya iyong ginagawa. Naging tahimik ako hanggang sa matapos kaming maglunch. Uuwi na kami mamayang hapon sa manila at mukhang isasabay na namin pauwi ang girlfriend ni Ares. Nakahalukipkip akong pinagmasdan sila mula sa pwesto ko. Para silang may sariling mundong dalawa habang naliligo sa dagat. Ako naman parang inggiterang nakatitig lamang sa kanilang dalawa. I swear bigla talaga akong nakaramdam ng inggit habang pinagmamasdan sila. Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa isiping hindi na lang sa akin nakatuon ang atensiyon ni Ares. Ilang araw na kaming magkasama dito kaya tama lang na bigyan niya naman ng oras ang girlfriend niya kaso lang hindi pa din iyon matanggap ng sistema ko. Naiinis pa din ako kapag pinagmamasdan ko silang dalawa na mukhang ang saya saya. Naiinggit ako sa Arian na yun kahit hindi naman dapat dahil mas marami naman na kaming naging oras ni Ares mula nang magtungo kami dito. Sila ngayon lang. Ilang oras lang silang magsasama at mag hihiwalay din hindi ko pa kayang mapagbigyan? Ewan ko din kung bakit ganito ako. Mukhang maayos na babae naman iyong Arian na yun pero bakit ako nakakaramdam ng pagkainis sa kanya? At totoo ba iyong sinabi niya na pinagselosan niya ako dahil halos lahat ng oras ni Ares ay sa akin nito inilalaan? Well hindi ko naman na kasalanan iyon. Nuon pa man ganyan na talaga si Ares. Lahat ng oras niya sa akin niya ginugugol. Ginugugol niya sa pagbabantay sa akin na para bang isa kong batang paslit na kailangang bantayang maigi. Napailing na lang ako sa naisip. Mukha pa din ba akong bata sa paningin niya kaya siya ganito sa akin? Mag eighteen na lang ako't lahat ay ganito pa din ang trato niya sa akin. Baka mamaya kahit may asawa't anak na siya ganito pa din siya. Bigla akong nakaramdam ng kurot sa aking dibdib nang maisip na may asawa't anak na siya. Parang hindi yata kayang tanggapin ng sistema ko na magkakaruon siya ng sariling pamilya. Paano na lang kasi ako kapag nangyari iyon? Hindi ko na talaga alam. Ano ba naman itong mga naiisip ko. Kung ano ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Nababaliw na yata ako. Bakit ko naman iisipin kasi 'yun? Ako lang yata ang kapatid na namomroblema sa ganitong bagay. Bakit ko ba pinoproblema 'yun? E hindi naman problema ang bagay na 'yun. Dapat nga maging masaya pa ako para sa kanya kapag dumating na ang araw na 'yun. Madilim na nang makauwi kami sa bahay ni Ares. Hinatid pa kasi namin si Arian sa bahay nila bago kami tuluyang umuwi. Imbes na dumiretsiyo sa kwarto ko ay sinadya kong sumunod kay Ares sa kwarto niya. Nasa pinto pa lang kami ng kwarto niya nang lingonin niya ako nang may nagtatakang reaksiyon ng mukha. I pouted my lips. Gusto kong maglambing sa kanya bago man lang siya umalis sa susunod na araw. Parang ayoko nang umalis siya bigla nang mapagtantong isang araw ko na lang siyang makakasama at aalis na talaga siya. Kumikirot ang dibdib ko sa isiping tatlong buwan kaming hindi magkikita. Naisip ko tuloy bigla kung kaya ko ba 'yun? Kaya ko bang wala siya ng tatlong buwan. Duda ako dahil sa totoo lang tama naman talaga siya. Hindi ko kayang mabuhay nang mag-isa dahil simula pa man nuon lagi na akong nakaasa sa kanya. Sinanay niya akong dumedepende sa kanya kaya natatakot akong maiwan dito nang mag-isa lalo pa at laging wala sila Mommy. Pakiramdam ko tatlong buwan akong magmumukmok dito kapag umalis na siya. Ginusto ko naman ito pero bakit di ko maiwasang malungkot? Para ito sa pangarap niya at hindi ito ang tamang panahon para isipin ko ang sarili ko. "What? Nag bago na ba ang isip mo? Ayaw mo na akong umalis?" may ngisi sa mga labing sabi niya. Lalo pa akong ngumuso. "No. I really want you to go for your dream..." malungkot na sabi ko. "But you look sad." "Because I'm gonna miss you." Bumuntong hininga siya. "Then I won't leave. I'll stay here with you. Ayoko din namang umalis nang hindi ka kasama." Umirap ako. "Aalis ka. Ayos lang ako. Magiging ayos lang ako. Tatlong buwan lang naman di ba? Babalik ka naman agad di ba? Kaya ko namang magtiis basta galingan mo lang duon ah!" "Athena, ayokong umalis," mahinang untag niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. "I'll grow premature white hairs thinking about what are you doing here." Natawa ako duon kaya natawa na din si Ares. Ilang sandali kaming nagtawanan bago ako muling nagsalita. "But you have to leave. I'll be fine here, I promise," I said raising my right hand. "No boyfriends?" Umirap ako. "Hindi ako mag boboyfriend, kung iyon lang pala ang inaalala mo." Bumuntong hininga siya bago ako hilahin palapit sa kanya upang bigyan ng isang mahigpit na yakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD