Kabanata 5
A T H E N A
Nang magdilim na ay bumalik na kami sa suite namin. Dumiretsiyo agad ako sa bathroom para magshower bago matulog. Medyo nagtagal ako ruon dahil napasarap ang pagbababad ko sa tubig. Nang lumabas ako ay nakahiga na si Ares sa couch na naruon. May tamang laki lamang ang couch na iyon pero para sa katawan ni Ares ay masiyadong maliit iyon. Agad siyang tumayo pagkakita sa aking lumabas ng bathroom. Siya naman ang sunod na pumasok ruon. Tinutuyo ko ng puting tuwalya ang buhok ko nang lumabas siya. Naka sando na lamang siya ngayon ngunit may suot pa ding maong na short. Nagsalubong ang kilay ko nang dirediretsiyo siyang nahiga sa couch bago kinuha ang phone niya at itinuon dito ang buong pansin. Hindi ko na siya pinansin at kinuha na lang din ang sariling phone upang tignan kung may mga mensahe ba akong natanggap galing sa mga kaibigan ko. May mga ilang lalaking nag memessage sa akin sa social media ko pero puro hindi ko kilala kaya hindi ko nirereplyan. Iyong mga kakilala ko lang ang tangi kong nirereplyan. Binuksan ko ang group chat naming magkakaklase.
Bella: Mygaaaad! Taken na si Troy Sanchez!
Agad na tumaas ang kilay ko sa nabasa mula sa kaklase ko. Sinong girlfriend niya? Iyon bang Arian?
Diva: Really? Who's the lucky girl?
Giana: Sh-t! Crush ko pa naman iyon.
Alexa: Kilala ko kung sino 'yung babae. Si Arian yung ex-girlfriend ni Ares Aragon!
Diva: Oh myyyy! E di single na ulit si Ares?
Napairap ako nang mabasa ko ang pangalan ni Kuya. Ewan ko ba pero naiinis talaga ako kapag may nababasa akong ganitong reaksiyon mula sa ibang babae para sa Kuya ko. Parang gusto ko silang awayin kahit wala naman silang ginagawa sa akin. Wala namang masamang magka-crush sa kuya ko dahil gwapo naman talaga si Ares pero hindi ko maiwasang mairita. Ewan ko ba. Weird.
Diva: @Athena Emilia Lopez, pwede bang akin na lang ang Kuya mo? Ang gwapo niya leche!
Umirap muna ako sa kawalan bago nag tipa ng mensahe para kay Diva.
Athena: @Diva Alegre, kay kuya mo sabihin yan.
Alexa: @Diva Alegre, hindi pwede girl. He's alreadt mine.
Luisa: Sorry girls, magkachat sila ngayon ni Ate.
Nagsalubong ang kilay ko sa chat na iyon ni Luisa kaya binalingan ko si Kuya. Mukhang may kachat nga ito sa phone niya. Nangingisi pa nga habang nagtitipa. Inis na pinatay ko ang cellphone ko. Naiinis lang ako sa mga kaklase kong walang kahihiyan sa pagpapahayag ng nararamdaman nila para sa kuya ko. For sure naman walang papatulan si Ares sa kanilang lahat dahil hindi iyon mahilig sa mga bata. Ang tipo nun ay iyong mga ka-edad niyang babae, hindi iyong kabatch ko. Nag-aaksaya lang sila ng oras sa pagtatalo kung sino sa kanila ang magugustuhan ni Ares.
Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Kuya sa buong kwarto kaya napabaling ako sa kanya. Nakatutok pa din sa screen ng phone niya ang kanyang tingin. Sa inis ko ay kinuha ko ang unan sa tabi ko at mabilis na ibinato iyon sa kanya. Tumama iyon sa mukha niya kaya napabaling siya sa akin.
"Ang ingay mo!" inis na sabi ko.
"Sino ba 'yang kachat mo? Pumunta ba tayo dito para makipaglandian ka lang sa mga babae mo?" napipikong sinabi ko. Ibinaba niya ang hawak na phone bago nagsalita.
"I'm sorry. Matulog na tayo," aya niya bago tumayo daladala ang unan na ibinato ko sa kanya. Inilapag niya iyon sa tabi ko bago ako binigyan ng isang halik sa nuo.
"Let's sleep now," malambing na sabi niya bago niya ako pinahiga. Itinaas niya ang kumot hanggang sa aking dibdib bago siya muling bumaling sa couch upang duon na mahiga. Agad ko nang hinawakan ang kamay niya upang pigilan sa pag-alis.
"Bakit duon ka pa matutulog eh malaki naman itong kama?" nakalabing sabi ko. Pinagmasdan niya ako sandali bago nagsalita.
"I'm fine on the couch. Matulog ka na dyan."
Mas lalo akong lumabi.
"Bakit ayaw mong tabi tayo? Dati naman tabi tayo matulog sa kwarto mo."
"Nuon yun Athena. Ano ka ba naman!"
"Bakit may nagbago ba ngayon kaya hindi na tayo pwedeng magtabi?"
Napahawak siya sa sentido niya na para bang biglang sumakit ang ulo niya sa tanong kong iyon. Bumuntong hininga siya bago muli akong sinagot.
"Please Athena, wag na makulit. Matulog na tayo."
"Bakit nga? Bakit ayaw mong tumabi sa akin? May nagbago ba? Ayaw mo na akong katabi ngayon kasi mas gusto mo ng katabi iyong mga babae mo. Ganun ba iyon huh Ares?"
Hindi ko na alam kung ano ang pinagmamaktol ko sa kanya ngayon pero naiiinis lang talaga ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Naiiintindihan ko din naman kung bakit hindi na kami pwedeng magtabi dahil malalaki na kami pareho pero ayoko talagang makita siyang natutulog sa maliit na couch na iyon. For sure mangangalay siya kinabukasan kung duon siya matutulog at ayoko namang mangyari sa kanya iyon kaya ipinipilit ko talagang magtabi na lang kami total ay malaki naman talaga ang kama at kasiyang kasiya kami ditong dalawa.
"Sige na naman Kuya. Hindi ka nga magkasiya dyan sa couch tapos ipipilit mo pa ang sarili mo dyan. Pwede ka naman dito sa tabi ko."
Ilang sandaling pangungumbinsi pa ang ginawa ko bago siya tuluyang napapayag na sa tabi ko na lang matulog. Napapangiting pinanuod ko siya habang naglalakad palapit sa kama daladala ang unan at kumot na nilagay niya kanina sa couch. Matalim niya akong tinitigan bago nahiga sa kabilang gilid ng kamang kinaruruonan ko rin. Ngumisi ako sa kanya. Hindi mo talaga ako kayang tanggihan kahit kailan Ares.
"Good night Ares," malaki ang ngising sabi ko. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Ayaw niya talagang tinatawag ko siya sa kanyang pangalan lang at walang Kuya. Ewan ko ba kung bakit. Pakiramdam niya yata binabastos ko siya at hindi nirerespeto. Hmmm.. Ewan ko ba. Mas gusto kong tawagin siyang ganun kaysa sa Kuya.
"Night," pagod na sagot niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata. Naiwan akong nakadilat at nakatitig lamang sa nakapikit na ngayong si Ares.
Hindi ko din talaga masisisi ang mga kaklase ko kung grabe sila mabaliw sa kapatid ko. Ang gwapo naman kasi talaga ni Ares. Mas gwapo pa nga siya kung totoosin kay Troy na crush ko. Siguro kung hindi ko lang siya mahal bilang kapatid at isa lamang siya sa mga kamag-aaral ko ay baka crush ko din siya ngayon at tulad ng mga kaklase ko ay baka baliw na baliw din ako sa kanya. Sino ba naman kasing hindi mababaliw sa isang Ares Aragon? Bulag lang ang babaeng magsasabing panget si Ares. Lahat sa kanya ay nakakaakit sa mga babae kaya hindi ko naman talaga masisisi ang mga kaklase ko kung nagkakaganuon sila kay Kuya. Hindi ko lang talaga maiwasang mainis kapag pinagnanasahan siya ng mga kaklase ko sa harapan ko.
"A-Ares..." mahinang bulong ko upang malaman kung tulog na ba siya o hindi. Nang hindi siya kumibo ay napagtanto kong tulog na nga siya kaya dahan dahan akong umusog sa tabi niya at maingat na yumakap upang hindi ko siya magising.
Ah it feels better this way. Pumikit ako hanggang sa unti-unti nang lamunin ng antok ang buong sistema ko.
Nagising ako kinabukasan na wala na si Ares sa tabi ko. Nang bumangon ako ay nakita kong may nakahandang pagkain sa lamesita. Nag-inat ako bago nagdesisyong tumayo na. Saktong pag tayo ko ay lumabas naman si Kuya mula sa bathroom. Wala itong suot pang-itaas at may naka sabit na tuwalya sa kanyang batok. Tumutulo sa kanyang leeg at dibdib ang kanyang basang buhok. Mukhang kaliligo niya lang. Kinusot ko ang mga mata ko.
"M-Morning," paos ko pang sinabi.
Pinunasan niya ang kanyang buhok ng isang beses gamit ang tuwalyang nakasabit sa kanyang leeg. Ngunit hindi iyon naging sapat upang matigil sa pagtulo ang basa niyang buhok.
"Morning, let's eat," aya niya bago dumiretsiyo sa may lamesa. Agad naman akong lumapit sa kanya at hindi na napigilan ang sarili. Kinuha ko ang tuwalya sa kanyang leeg at ako na ang nag punas sa kanyang basang basang buhok. Kinailangan ko pang tumingkayad para magawa iyon dahil masiyadong matangkad si Ares.
Natigilan siya sa ginawa ko pero hindi din naman niya ako pinigilan kaya ipinagpatuloy ko lang ang pagpupunas sa kanyang buhok. Pinunasan ko din ang basa na niyang leeg at dibdib. Ramdam ko ang bigat ng titig niya sa akin habang ginagawa ko iyon. Bigla na lang dumoble ang t***k ng dibdib ko nang mag-angat ako ng tingin sa kanyang mga mata. Seryoso ang mga itong nakatitig sa akin na para bang nanantiya. Agad ko namang iniwas ang tingin ko dahil duon. Pakiramdam ko nag uumapoy sa init ang buong mukha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Basta bigla na lang akong nahiya at kinabahan. Parang napapasong binitiwan ko ang tuwalya bago bumaling sa mga pagkain sa lamesita.
"Ginugutom ako," kunwa'y wala lang na sabi ko bago naupo sa upuang naruon. Agad din naman siyang naupo sa harapan ko. Seryoso pa din ang titig niya sa akin kaya hindi ko tuloy magawang tumingin sa kanya ng diretsiyo. Ano bang nangyayari sa akin?
Nanginginig ang kamay na inabot ko ang kutsara upang sandukan ang sarili ngunit nagkatapon tapon lang ang pagkain kaya naman agad na inagaw sa akin ni Ares ang kutsara upang siya na ang magsandok para sa akin. Hinayaan ko na lang naman siya kaysa mapahiya pa.
"Is something wrong? Masama ba ang pakiramdam mo? Namumula ka," puna niya 'tsaka hinipo ang nuo at leeg ko upang damahin kung mainit ba ako. Mas lalong bumilis ang tahip ng dibdib ko nang dumikit ang balat niya sa akin. Naghuhuramentado na ngayon ang puso ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Bakit naman ako nagkakaganito. Nababaliw na yata ako O may sakit nga talaga yata ako.
"Wala ka namang lagnat. Ayos ka lang ba talaga?" nag-aalalang turan niya. Mabilis akong tumango upang kompirmahin sa kanya na ayos lang ako.
"A-ano kasi... m-medyo mainit dito. Hininaan mo ba ang aircon?" palusot ko kahit sa totoo lang ay hindi ko din alam kung ano ba talagang nangyayari sa akin.
"Are you sure?" salubong ang kilay na tanong niya na para bang hindi naniniwala sa palusot ko. Sunod sunod lang akong tumango sa kanya bilang sagot natatakot na kapag magsalita ay manginig lang din ang aking boses. Ayokong mag-isip siya ng kung ano tungkol sa nangyayari sa akin kaya naman pinilit kong ngumiti ng malapad kahit na wala pa ding humpay sa pagkabog ng mabilis ang lintek kong puso. May sakit na nga yata talaga ako.
Wala akong ideya sa nangyayari sa akin dahil never ko pa naman talaga itong naramdaman. Ngayon lang kaya hindi ko maintindihan kung ano na ba ito? Dapat na ba akong magpatingin dahil mukhang hindi na normal itong bigla-biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Pero ang weird lang dahil wala naman akong nararamdamang kahit ano kung may sakit nga talaga ako.
"I'm fine Kuya, naiinitan lang talaga ako. Kumain na tayo. Ang sarap pa naman nitong mga inorder mo. Bakit nga pala hindi mo ko ginising kaagad? Hondi ba maganda ang tulog mo at ang aga mo yatang nagising?" pag-iiba ko ng usapan. Mukhang gumana naman dahil hindi na nagtanong pa si Ares sa kung anong nangyayari sa akin.
"Nakatulog ako ng maayos. Maaga lang talaga akong nagising," aniya sabay iwas ng tingin na para bang hindi siya komportable sa itinatakbo ng usapan namin.
"Really? Eh bakit ang bilis mo ngang nagising kung ganun naman pala?"
"Can we just eat, Athena?" iritadong sagot niya.
"Parang tinatanong lang ang sungit mo na naman bigla!"
"Wala naman kasing kakuwenta kuwenta ang tanong mo. Kumain na lang tayo pwede ba?" aniya kaya hindi ko na din naman siya pinilit pa. Baka mag-away nanaman kami nito kapag pinilit ko pa siyang sagutin ang tanong ko.
"Dagdagan mo pa ang pagkain mo," anas niya nang makitang naubos ko na ang pagkaing inilagay niya sa pinggan ko. Inirapan ko siya ngunit sa huli ay sinunod ko pa din ang gusto niya. Pagdating talaga sa mga ganitong bagay siya ang nasusunod. Kulang na lang palitan niya na si Daddy Renato sa pagiging ama sa sobrang istrikto niya sa akin sa halos lahat ng bagay. Well maliban na lang sa mga luho ko dahil kahit kailan ay hindi niya ako pinagkaitan sa mga bagay na gustuhin ko.