Kabanata 43 A T H E N A "Ares, may problema ka ba?" tanong ko habang pilit na sumasabay sa paglalakad niya nang mabilis. Tuloy tuloy siyang nagtungo sa kusina habang patuloy pa din ako sa pagsunod sa kanya. Hindi niya pinansin ang tanong ko kaya hindi na lang muna ako nagpumilit pang masagot ang mga iyon. Sinundan ko na lang siya hanggang sa tuluyan kaming makarating sa kusina. May mga almusal nang nakahain duon na sa tingin ko ay ang mga katulong nanaman ang nag prepare. Medyo nasasanay na akong hindi si Ares ang nagluluto dito sa kusina. Mukhang may iniisip nga talaga siyang malaking problema kaya hindi niya magawang magluto kahit saglit lamang na dati naman ay hilig niyang gawin. Gusto kong maawa sa kanya habang pinagmamasdan ko siya ngayon. Kitang-kita naman kasing may pinoproblema

