Kabanata 44 A T H E N A Wala namang nag bago sa araw ko maliban sa si Jairus na ang kasabay kong maglunch dahil palaging busy si Troy dahil malapit na din siyang gumraduate sa college. Magkasing batch kasi sila ni Ares kaya parepareho silang busy ngayon, hindi ko lang alam kung bakit maraming oras si Andrei sa pagsunod sunod kay Cassandra kahit na pagraduate na din ito tulad nila Troy. Wala yatang planong gumraduate ang loko. Baliw na baliw sa pinsan ko eh. Ayaw lubayan at palaging nakasunod na parang aso. Kahit nga kanina nung nag lunch ako nakita ko silang magkasama. Hindi ko na nga lang nilapitan dahil nagsasawa na din akong makinig sa mga away nila. Ewan ko ba sa dalawang 'yun. Hindi na lang kasi maging sila para wala ng problema. Napaka arte din kasi minsan ng pinsan ko. Hindi ko al

