Kabanata 14 A T H E N A Pagkatapos nang naging pag-uusap namin na yun ni Ares ay hindi na niya ako kinausap ulit. Kahit pansinin lang ako ay hindi niya din ginagawa. Kapag nagkakasalubong ang landas namin sa bahay ay para akong hangin kung lampasan niya. Naiinis ako sa ginagawa niya sa aking hindi pamamansin pero naisip ko din na ito naman talaga ang gusto ko di ba? Ako ang may gusto nito kaya bakit ako magagalit sa kanya? Ikaw ang humingi nito mula sa kanya Athena kaya bakit ka nagkakaganyan ngayon? Gustong gusto ko nang makipagbati sa kanya sa totoo lang dahil hindi ko talaga kayang matagal kaming magkaaway kaya lang naisip kong baka kapag nakipagbati ako sa kanya ay ulitin nanaman niya ang pangingialam sa buhay ko. Ayoko ng ganun and I'm sure walang may gustong kinokontrol ang buhay

