Kabanata 13 A T H E N A Nag patulong ako kay Troy na akayin si Andrei papunta sa sasakyan namin. Ayokong dalhin siya sa clinic ng school dahil alam kong mapapasama si Ares kapag ginawa ko yun. Mabuti na nga lang at kakaunti lang ang mga nakakita ng pangyayari kanina kaya hindi naman na siguro ito makakaabot sa guidance. Yun ay kung hindi magsasalita si Andrei sa nangyari sa kanya. May mga natamong sugat din naman si Ares dahil kahit papano ay lumaban pa din naman sa kanya si Andrei pero walang wala ang mga sugat na yun sa natamo ni Andrei. Halos wala na siyang malay nang dalhin namin siya sasakyan. Mabuti at hindi pa nakakaalis ang driver namin. Tumulong din ito sa pagpasok kay Andrei sa loob ng sasakyan. "Anong nangyari dyan, miss Athena?" anang driver namin habang inaalalayan si Andr

