Kabanata 12 A T H E N A Tulad ng inaasahan ko, hindi nga talaga ako tinawagan ni Ares nang mag gabi. Naiintindihan ko naman siya dahil ako naman ang nagsabi na wag na niya muna akong tawagan pero bakit ganito? Bakit ang bigat bigat ng dibdib ko, hindi ko lang siya nakausap ng isang gabi? Naisip kong bawiin ang mga sinabi ko sa kanya kaya lang ay paano na ang ipinaglalaban ko? Magiging sunod-sunuran nanaman ako sa kanya kapag nagka-bati kaming dalawa. Paano na iyong plano kong sanayin ang sarili kong wala siya? Paano ko magagawa iyon kung isang gabi pa lang siyang di tumatawag ay parang sumusuko na ako? Hindi. Kailangan ko siyang tiisin hindi pwedeng palagi na lang ganito. Ayoko nang maging sunud-sunuran lang at ayoko na ding dumepende pa sa kanya. Bumuntong hininga ako at sa huli ay pu

