Kabanata 55 A T H E N A Tumulak na kami ni Cassy para ayusin ang clearance namin. Inabot din kami ng tanghali bago namin natapos ang lahat ng kailangan gawin. Inaya ako ni Cass kumain sa labas kaya tinawagan ko agad si Ares upang magsabi sa kanya na magkasama kami ni Cass at sumunod na lang siya sa restaurant kung saan kami pupunta. Saktong pa-order pa lang kami ay dumating na din agad si Ares. Hindi na iyon ikinagulat pa ni Cassy dahil sinabihan ko naman na siya na sabay talaga dapat kaming maglulunch ngayon ni Ares. Naupo kaagad si Ares sa tabi ko pagdating niya. Nakita ko ang paglinga ni Cass sa paligid na para bang may inaasahan siyang kasama ni Ares. Hindi na sana ako magsasalita kung hindi lang biglang lumapit sa tainga ko si Ares at bumulong. "He's outside." Agad akong napabling

