Umuwi ako ng bahay na hindi masaya muling gumulo ang takbo ng aking isipan. Wala pa din sa bahay si Sam pero kanina habang nasa sasakyan ako pauwi tumawag s'ya gagabihin daw sya ng uwi dahil nagkayayaan daw sila ng mga kaibigan n'ya.
Humiga ako sa kama pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako. Papikit na sana ang mga mata ko nang nag ring ang cell phone ko si Anthony Bermundo ang aking investigator ang tumatawag.
"Hello Good evening Ma'am Lee!"
"Yes, Anthony may balita ka na ba?"
"Yes! Ma'am.. Saan tayo pwedeng magkita Para maibigay ko sa'yo ang mga nakalap kong impormasyon sa kanila."
" Send mo na lang sa akin sa email ko ngayon din. "
"Okay Ma'am wait lang."
Agad kong kinuha ang aking laptop at binuksan eto. Maya maya lamang ay nagsipagdatingan na ang mga files sa email ko. Noah Logan bente dos anyos anak ng isang mayor, Roland Menesis bente dos anyos anak ng isang General. Sammy Duran bente tres anyos anak ng isang Mayamang negosyante. Carl Alberto bente kuwatro anyos anak ng isang senator. Luke Lopez anak ng isang mayor din. At si Keandro Torres, bente tres anyos na kahawig ni Sam, ang lalaking kumuha sa akin sa Club ng gabing iyon ay isang anak din ng Mayaman at maempluwensyang negosyante. Ang buong akala ko si Sam talaga pero ngayon ko lang napagmasdan na magkahawig lang pala silang dalawa.
Kaya pala ganuon na lang nila kadaling napagtakpan ang krimen na ginawa nila ng gabing iyon ay dahil sa maempluwens'yang tao sila.
Hindi lang din pala ako ang ginawan nila ng ganun maraming babae na ang na biktima nila at dahil sa mayayaman at maempluwensyang tao sila lahat ay napagtakpan. Ang Apat na babae na na biktima nila na pawang mga estudyante ay nasiraan ng ulo, Ang ibang mga babae naman ay nagpakamatay at may mga babaeng nawawala na sinasabing na kitang kasama nila.
"Mr. Anthony, May kakilala ka bang mga grupo nang Bad Guys? handa akong magbayad kahit magkano."
"Ma'am Lee. May ipapa salvage ba kayo?" Ang deretsong tanong ni Anthony sa kabilang linya.
" Tatapatin na kita Mr. Anthony malaki ang atraso sa akin ng mga lalaking iyan at kong tatanungin mo ako kong bakit? Ay hindi kita masasagot, hayaan mong sa akin na lamang ang dahilan ko. Wala din akong balak na patayin sila kahit gustong gusto kong patayin ang mga hayop na 'yan sa sarili kong mga kamay. " Napapaiyak ako sa subrang galit at awa sa sinapit ko sa kanilang mga kamay nuong gabing iyon. Hindi maiwasang maalala ko Isa isa ang mga kahayupan na pinag gagawa nila sa akin.
" Hindi ako tutulad sa kanila na mga Hayop walang kaluluwa. Pero ipapalasap ko sa kanila ang buhay na hindi nila kailan man ay makakalimutan."
"Anong ibig mong sabihin Ma'am Lee? Anong gusto mong mangyari sa kanila? Sabi mo hindi mo naman sila papatayin e ano?"
"Simple lang putulin ang kanilang kaligayahan. Gusto kong putulin ng sagad ang kanilang mga t**i. Isa isahin nyo sila at bago nyo sila putulan epa gang rape nyo mona sa mga bakla. May mahahanap ka bang mga tao na gagawa ng gusto kong mangyari Mr. Anthony?
" Yes Ma'am ako na ang bahala."
"Please lang gawing malinis ang pagdukot sa kanila at gusto kong makita sila. Makakaasa ba ako Mr. Anthony? Tawagan mo ako kapag ready na ang lahat. Inuulit ko malinis na trabaho."
"Yes Ma'am Lee. Ako na ang bahala naiintindihan kita sa nais mong mangyari kahit ako ay gusto ko din silang patayin dahil sa mga kasong natuklasan ko ngayon sa kanila. E mga hayop at mga demonyo pala sila. Dapat na talagang wakasan ang mga makahayop na gawain ng grupong iyan sa lalong madaling panahon baka may mabiktima nanaman. "
" Sige Mr. Anthony maraming salamat! Bye. "
Alam kong masama ang binabalak ko pero kong magtatagal pa ang pag aksiyon baka marami pang mga kaawa awang babae ang mabiktima nila. Ano ang silbi ng perang hawak ko gagamitin ko eto para makamit ko ang hustisya kasama ng mga babaeng nabiktima din ng mga hayop na 'yon.
Napagpasyahan kong mag shower mona bago matulog at nang makatapos ay nagpalit ng terno na pajama na pangtulog. Ka-agad na nahiga hanggang sa nakatulog.
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang mga kamay na naglalandas sa aking katawan. Hinihimas ni Sam ang kurbada ng aking katawan at nakatitig sa akin. Amoy alak s'ya na natural naman dahil gaya ng sabi n'ya gagabihin s'ya dahil nayaya sa inuman.
"My little Wife your so beautiful! I need you so badly can I?"
" Nawala ang antok ko sa sinabi n'yang iyon. 'wag ngayon dahil wala akong gana bukod duon ay nalilito pa ako sa totoong nararamdaman ko sa kanilang dalawa ni Levi. Ayaw kong pagsisihan sa huli ang gagawin ko. Hindi ako makikipag s*x kahit sino sa kanilang dalawa hanggat hindi pa ako sure sa sarili ko. Hindi din ako papayag na gagawin akong parausan ng init ng katawan tulad ngayon ni Sam. Nakainom s'ya wala s'ya sa matinong kaisipan. Ka-agad ko s'yang itinulak papalayo sa aking katawan.
"Sam mag shower ka mona lasing na lasing ka." Ang utos ko sa kan'ya. Natigilan s'ya habang nakatitig sa akin Maya maya ay kumilos papuntang shower room. Nang makita ko s'yang pumasok ng bathroom ay agad akong umalis sa aming silid dala ang aking cellphone. Duon ako sa kabilang kwarto matutulog alam kong delekado ako ngayon kay Sam. Kaya mainam ng umiwas mona baka mapahamak ng tuluyan.
Pumasok ako sa isang bakanteng silid ng bahay at katabi lamang ng aming silid ang napili kong pasukin. Pagka pasok ay agad kong ini lock ang pintuan at kinuha ang aking cellphone Upang bigyan ng mensahe si Sam na nasa kabilang silid ako at dito ako matutulog. Naisip ko kasi baka akala nya bumaba lang ako saglit at hantayin pa ako...
Lumabas ako ng shower room na ganado na buong pagaakala ay naghahantay sa akin si Ella. Laking pagkadismaya ko ng makita kong wala s'ya sa aming silid. Kinuha ko ang aking cellphone upang tawagan s'ya sana para tanungin kong nasa baba ba s'ya naisip ko baka nagutom pumunta ng kusina. Nang mabasa ko ang kanyang mensahe.
"Anong?" Napaupo ako sa gilid ng kama at napaisip ng malalim. Akala ko ay okay na kaming dalawa ngunit mukhang hindi pa pala.
"Baka takot s'ya at hindi pa s'ya handa." Ang bulong ng aking isip.Seguro nga iyon ang dahilan o kaya naman seneseguro n'ya na wala na akong relasyon kay Mina. Sa totoo lang malaki ang ipinagbago ni Ella mula nuong una ko s'yang makita at ayon na din sa kwento kwento ng mga kakilala nya at kay Grandpa.
Si Ella Lee ay isang mahinang babae, madaling pasunurin. Iyakin at tahimik. Eleganteng kumilos, manamit, pati sa pananalita at pagkain. Pero ang Ella na kasama ko ngayon ay hindi. Napaka simpleng manamit, hindi eleganteng kumilos at magsalita. Parang ka level ng mga katulong ko sa bahay at matapang malakas ang self control. Kong kumain iba din, parang ibang tao s'ya. Pero seguro dahil sa pagkaka aksidente seguro ng ulo n'ya kaya may nabago.
Wala akong nagawa kong hindi ang huminga ng malalim at uminom ng tubig nahiga at natulog.
" Pasensya ka na junior, si mommy mo hindi pa ready kaya sleep na tayo mag behave ka na wag matigas ang ulo " Ang parang sira ulo kong sabi sa aking sarili.
Unang araw ng pasukan sa kolehiyo excited na kabado ako, biruin mo from grade three naging kolehiyo. Kinakabahan ako dahil kakayanin ko kaya? Ngayon ko masusubok ang utak ko kong may naiwang katalinuhan dito ang dating Ella Lee dahil kong wala mas mabuti pang maupo na lamang ako sa bahay. Pero Marunong naman ako magbasa, magsalita, magsulat ng English nakakaintindi na ako ngayon kahit gaano pa eto kalalim. Eto ang napansin ko sa aking sarili nakalimutan ko ang pangyayari sa buhay ni Ella Lee pero pakiramdam ko ang kaalaman n'ya sa edukasyon ay nanatiling nakarehestro sa utak ko ngayon.
"Ella, bakit mukhang napakalalim naman ng iniisip mo. Pinagod ka ba ni Daddy Sam kagabi o hanggang ngayon ninanamnam mo pa ang ginawa n'yong dalawa kagabi? Masarap ba?"
" Oy! , Dionne ang dumi ng utak mo ha? Walang nangyari sa amin kagabi 'no."
"So frustrated ka kasi nga walang nangyari kagabi ganun ba? Sabagay kong si Daddy Sam naman talaga na napaka yummy ay talagang segurado ako napakagaling nun sa kama. "
"Hay naku Dionne magtigil ka, Kong ano ano' yang pinagsasabi mo ay! bat ba s*x life ko ang inuungkat mo e ikaw ba kailan ka ba ikakasal ha? para patas na tayo at may pagkaabalahan din yang isip mo nang hindi ang s*x life ko ang nauulirat mo." Ang natatawa at naiinis kong sabi sa kanya.
" Seguro hindi na yata ako makakapag asawa. "
" Ha! Anong ibig mong sabihin? at bakit naman? Maganda, mabait at mayaman ka. Hindi ako maniniwala sa'yo kong sasabihin mo lang na walang nagkakagusto sa'yo. Dahil isang napakalaking kasinungalingan iyon at never ako maniniwala no. " Ang deretsang wika ko kay Dionne na nuon naman ay lumungkot ang mukha tila may dinaramdam.
" Ella, tama ka OO maraming gustong manligaw sa akin pero hindi ko mapipilit ang aking sarili sa lalaking hindi ko gusto o minamahal."
" Naiintindihan kita Dionne pero may napupusuan ka na ba?"
"Ella, aaminin ko sa'yo na meron. Ngunit lihim na pagtingin lang sa kanya ang meron ako. Hindi n'ya alam na may gusto ako sa kan'ya."
"OH e bakit hindi mo sabihin malay mo naman baka torpe s'ya."
"Malakas ang kutob ko hindi s'ya torpeng lalaki sadyang hindi lamang n'ya ako pansin seguro may iba s'yang Gusto. Hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko iniibig Ella, dahil alam ko nakasalalay dito ang magiging kaligayahan at pighati ng aking buhay."
" Dionne naiintindihan kita, bakit kaya ang buhay ng tao ay hindi madali ano? Minsan din mapapaisip ka din na sana dalawa ang puso mo para wala kang masaktan na tao. " Ang wala sa sarili ko na naman na nasabi habang nakatingin sa malayo nakalimutan kong katabi ko lang si Dionne na ngayon ay nakatitig na sa akin.
" Don't tell me bukod kay Sam ay meron pang iba, tell me mag tapat ka sa akin Ella sino s'ya? "
" Huh! W-wala ah, naisip ko lang 'kaw naman." Ang pagsisinungaling ko kay Dionne dahil ayaw kong malaman pa n'ya ang tungkol kay Levi. Kong ang dating Ella Lee nga hindi sinabi sa kan'ya ang tungkol sa kanila ni Sam. Kaya may pagdududa pa din ako kay Dionne hindi ko maibigay ang aking lubos na pagtitiwala sa kan'ya. Kailangan ko parin mag doble ingat at iyon ang nararapat mona sa ngayon.
"Halika na nga pumasok na nga tayo time na ng unang klase natin. Kailangan maging masaya tayo huwag maging nega dahil baka maapektuhan ang buong taon ng school year natin ngayon."