Patungo kami ni Mang Dan sa meeting place namin ni Anthony Bermundo ang private invistigator ng family Lee. Sa isang coffee shop sa marikina ang aming tagpuan. Pagkarating ko sa coffee shop ay naruon na s'ya na tahimik na naghahantay sa akin habang umiinom ng kape. Ang buong akala ko ay isang matandang lalaki si Anthony Bermundo nagkamali ako sa tantiya ko ay nasa bente singko pataas ang edad nito. Matangkad na tao malaki din ang katawan naka white na t-shirt at black jeans pantalon. May wrist watch at may sylver hikaw sa kanyang tenga. Makapal ang mga kilay, matangos ang ilong, mapangakit na mga mata, kissable lips at Moreno. Hindi ako makapaniwalang private invistigator s'ya.
Ang sabi ni Mang Dan sa akin professional na invistigator si Anthony at Isa sa mga pinakamagaling na agent ng NBI. Nang makita n'ya kami ni Mang Dan na tumapat sa mesang kinauupuan n'ya ay agad naman etong tumayo at nagbigay galang.
"Good afternoon Ma'am Lee! Ako po si Anthony Bermundo at your service po."
"Ahm, Gandang hapon din sayo. Maupo tayo at wag mo akong popoin mukhang mas matanda ka pa kesa sa akin." Ang sabi ko sa kan'ya at ngumiti siya na nakatingin sa akin.
"Ma'am Ella, Maiwan ko na po kayo ni Sir Anthony hintayin ko na lamang po kayo sa car." Ang pagpapaalam ni Mang Dan upang bigyan kami ng pagkakataon ni Anthony na makapagusap. "
" Opo Mang Dan, Salamat! "
" Ma'am Lee, Anong maipaglilingkod ka sa'yo?"
" Gusto kong alamin mo ang bawat detalye ng mga lalaking sangkot sa isang pagkamatay ng isang babae na sinasabing nagpakamatay mula sa mataas na balcony ng isang condo. "
Sinabi ko kay Anthony ang ibang detalye mula sa pangalan ng lugar at petsa kong kailan nangyari ang lahat.
" Okay! Ma'am Lee, makakaasa po kayo sa mabilis na balita. "
" Salamat Anthony, at sana walang ibang makakaalam nito bukod sa ating dalawa lamang makakaasa ba ako?"
"OO naman. Sayo ako nagtratrabaho at alam ko ang klase ng trabaho ko. Bukod pa d'yan nasa family Lee ang buong katapatan ng pamilya ko. Ang sabi ng tatay ko malaki ang utang na loob namin kay Mr. Lee, sa iyong yumaong Grandpa. Ang tatay ko ang dating naglilingkod sa kanya pero dahil retired na s'ya ako na ang nagpatuloy ng gawain n'ya. "
" Ganun ba? Maraming salamat kong ganun, panatag ang kalooban ko na maghahantay sa iyong magandang balita sa kanila. "
Natapos ang aming paguusap ni Anthony Bermundo at ngayon ay pabalik na muli ako sa bahay namin ni Sam. Biglang nag ring ang aking cellphone at madali ko naman etong kinuha sa loob ng bulsa ng suot ko na pantalon. Pagtingin ko sa screen ng cellphone ay Devil ang nabasa ko ibig sabihin si Attorney Levi ang tumatawag sa akin.
"Hello!"
"Asan ka?"
" Nasa sasakyan pauwi ng mansion may inasikaso lang ako.May kailangan ka ba? " Ang aking tugon sa tanong n'ya.
" I'm free and I miss you! Let's have a dinner together. Same place okay?"
Sandali akong hindi makapagsalita dahil sa narinig ko na I MISS YOU. Nakalimutan ko may relasyon pala kami ni Attorney Levi, hindi ako ang may relasyon sa kanya si Ella Lee ang dating Ella Lee. Ang kaninang masaya Kong pakiramdam ay binabalot ngayon ng pag-aalala. Akala ko okay na ang lahat kagabi sa amin ni Sam hindi pa pala. Sinabi sa akin ni Sam kagabi kakausapin n'ya si Mina para tapusin ang kanilang relasyon. Pero ang tungkol kay Attorney Levi ay dapat ko na din tuldukan.
"Sige, I'm on the way there."
"Malalate lang ako ng kaunti may meeting pa kasi ako sa isang client pero hindi naman mag-tatagal iyon just wait me there okay?"
" Oo sige na bye.!"
"Teka nga Ella, matanong nga kita, Sino ang mas gusto mo si Sam na asawa mo o Si Attorney Levi na boyfriend mo nuon pa?" Ang tanong ng aking konsensiya na pilit rumerehistro sa aking isipan.
Hindi ko na kailangan pang mamili dahil sa tuwing kasama ko si Sam ay mas higit na kakaiba ang nararamdaman ko. Pakiramdam na nananabik akong maangkin n'ya, hindi ako naiilang sa mga himas at halik n'ya. Samantalang kay Attorney Levi ay iba ang pakiramdam. Nang minsan halikan n'ya ako sa labi ng biglaan iba ang naramdaman ko, eto ay pagkailang at hindi kagaya ng nararamdaman ko kapag hinahalikan ako ni Sam.Kaya bilang ako susundin ko ang gusto ng puso ko hindi dahil sa kasal na kami ni Sam.
Pagkarating ko sa sea side sa MOA nagpasya akong maglibot libot mona sa paligid dahil ayon nga sa sinabi ni Levi malalate s'ya ng dating. Habang patingin tingin ako sa paligid habang naglalakad ay may nakabangga ako at laking gulat ko ng makilala ko kong sino iyon si Mina.
"Miss Ella, 'kaw pala kumusta?" Ang Matabang nitong Sabi.
"Okay lang, Ikaw kumusta din?"
" Hindi mabuti kasi hindi patas ang mundo." Ang wika nito na sa mapaklang tono.
" B-bakit mo naman nasabi yan Mina?"
"Hindi ba' t totoo naman. Kapag Mayaman mapera lahat nakukuha kaya din bumili ng lalaki hindi ba't tama ako Miss Ella Kim? Dahil gawain mo 'yan hindi ba?"
Hindi naman mahina ang utak ko para hindi magets ang sinabi n'ya. Pangiinsulto ang ginagawa n'ya ngayon sa akin. Hindi ko dapat s'ya patulan dahil alam kong malaki talaga ang kasalanan ko sa kan' ya inagaw ko si Sam na boyfriend n'ya.
" I'm sorry Mina!" Ang tanging nasambit ko.
" Buti nagkita tayo, alam kong may amnesia ka dahil nakalimutan mo ang tungkol sa akin." Ang sabi n'yang nakangiti.
"Anong ibig mong sabihin?"
" See! hindi mo alam, So, totoo pala talaga na may amnesia ka girl Hahahaha! Sorry ka na lang."
Tumalikod na s'ya upang umalis pero huminto si Mina at muling hinarap ako.
"S'ya nga pala makuha mo man si Sam sa akin pero seneseguro ko sa'yo na kailan man ay hindi n'ya ako makakalimutan, babalik at babalik s'ya sa kandungan ko seneseguro ko '' Yan sa'yo."
Napatda ako sa matalinghagang sinabi n'ya. Pinagmasdan ko na lamang s'ya habang papalayo sa akin.
Nagring ang aking Cellphone Kaya agad ko etong sinagot.
" Asan ka? Andito na 'ko. "
" Levi, lumipat tayo ng ibang lugar. Esend mo na lang sa akin ang location ."
Hindi ko na hinantay ang sagot ni Levi at binabaan ko na s'ya ng phone. Hindi ko alam kong nandirito pa si Mina mahirap nang makita n'ya kami ni Levi. Agad akong lumisan sa lugar na iyon at tutungo sa bagong tagpuan namin ni Attorney Levi.
Habang sakay ng kotse nagiisip ako kong paano ko sisimulan ang pakikipagkalas sa kan'ya. Papayag ka s'ya maunawaan kaya n'ya ako.Ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Ang gusto ko lang naman ay itama ang lahat. Nang makapamuhay ako ng maayos na walang kinakatakutan.
Sa isang chinese restaurant sa malapit sa Binondo ang ang napili ni Levi na kakainan namin ng Dinner. Open space iyon at malawak. Naunang dumating si Levi at hinantay ako sa entrance. Nakangiti eto sa akin habang papalapit na agad naman akong niyakap at biglang hinalikan sa labi. Nagulat man ako pero wala naman akong magagawa dahil para sa kan'ya natural lang iyon dahil mag kasintahan nga kami.
" I miss you!" Ang wika n'ya pa sa akin.
Wala talagang dating ang yakap at halik n'ya sa akin. Hindi katulad kay Sam na nananabik ako at gusto ko. Samantalang kay Levi naiilang ako at walang kuryente akong nararamdaman.
"Ahm, Let's go inside I'm hungry na." Ang sagot ko sa I miss you n'ya. Dahil hindi ko naman kayang tugunan ng I miss you din, dahil hindi naman iyon ang aking nararamdaman.
Iginiya n'ya ako papasok s restaurant Para makahanap kami ng mauupuan. Palinga linga kami hanggang sa makita n'ya ang pwesto sa gilid na medyo malayo sa Ibang mga customers duon na kumakain. Naupo kami at may lumapit na water nagbigay galang at inabot sa amin ang menu list nila.
Siomai, seafoods canton bihon at beef pares ang inorder ni Levi. Hindi n'ya ako tinanong sa kong ano ang gusto ko. Hinayaan ko na lamang s'ya dahil parang alam na alam n'ya ang mga pagkaing gusto ko o ni Ella Lee. Pero sa pagkaing inorder n'ya alam kong magugustuhan ko dahil hindi naman ako mapili sa pagkain basta makakain ay okay sa akin.
Masaya si Levi habang inaasikaso ako sa pagkain at kausap hindi ko tuloy Maisingit ang nais kong sabihin sa kan'ya. Ang totoo nahihirapan akong sabihin sa kan'ya na tapusin na namin ang relasyon na kong anong meron kami kalimutan na at maghanap na lang s'ya ng iba. Tila umuurong ang aking dila na walang lakas upang sabihin eto.
Makakaya ko bang sirain ang kaligayahan na nararamdaman n'ya sa oras na iyon na magkasama kami. Akala ko madali lang, nagkamali pala ako hindi ganun kadali mahirap lalo na hindi ako sanay manakit ng damdamin ng kapwa ko. Seguro hindi pa eto ang tamang panahon kailangan ko pa ng sapat na lakas ng loob.
"May problema ba Ella? Bakit parang wala kang ganang kumain?"
"Huh? A e hindi ah, masarap nga may iniisip lang ako."
"And ano naman 'yon Can you share it with me?"
"Huh, A e...... Ano ah Gaano mo ako ka mahal?" Sa subrang kabado ko Ewan bakit eto ang nasabi ko.
Ngumiti s'ya ng subrang Ganda masasabing maaakit ang sino mang babae na makikita s' yang ngumiti ng ganuon..
"Ella 'wag mong sukatin ang pagmamahal ko sa' yo. Dahil lahat ay handa kong gawin para sa'yo. You are my world, and without you My life will be nothing. Hindi mo alam gaano kita kamahal na kahit pumatay at magagawa ko. I love you so so much Ella.!"
Hinawakan n'ya ang kamay ko at ikinulong iyon sa palad n'ya ang higpit ng pagkakahawak nito habang pinipisil pisil. Kong ibang babae sana ako panigurado ay kikiligin sa sitwasyon na iyon. Subalit dahil nakapokus na ang isip ko kay Sam na aking asawa ay walang dating ang lahat ng sinabi ni Levi sa akin ngayon. Bagkus natatakot ako at naawa sa kanya. Lalo tuloy akong naduduwag at natatakot na makipagkalas sa kan'ya.
" Sya nga pala Ella, mawawala ako ng Isa o dalawang buwan pupunta ako sa Canada dahil may importante akong aasikasuhin. Sana sa pagbalik ko may magandang balita ka na sa akin sa ating dalawa. Sa totoo lang halos hindi ako makatulog ng maayos sa kakaisip sa'yo sa inyo ni Sam. "
" Anong ibig mong sabihin? "
" Ella, Kahit hindi ka mahal ni Sam at hindi mo s'ya mahal lalaki parin s'ya at maganda ka. Alam mo bang parang sasabog ang utak ko sa kakaisip na okay lang ang lahat. Na walang nangyayari sa inyong dalawa ni Sam. "
" Wa-walang nangyayari pa sa amin ni Sam !. " Ang lumabas sa aking bibig hindi ko din kasi kayang makita s'ya na napakalungkot ang kanina na masaya n'yang aura ngayon ay nagkulimlim. May bagay sa aking puso ang hindi ko kayang saktan s'ya at makitang nasasaktan.