Napapadiin ang halik n'ya sinisibasib ang malambot kong labi. Naibuka ko ang aking bibig dahil tila kinakapos ako ng hangin na ka-agad naman n'yang sinamantalang pasukin. Ang tila kuryente na dumadaloy sa aking katawan ay parang nadadagdagan, at nakakapagpahina ng aking tuhod. Nakakapag paikot ng aking katinuan nakakapagpa blanko ng aking isipan.
Hinawakan at tinanggal ni Sam ang tuwalyang nakapalupot sa aking katawan inihagis n'ya eto sa sahig. Lumantad ang hubot hubad kong katawan sa kaniyang mga mata. Sandali syang natigilan at pinagmasdan mabuti ang katawan na nasa harapan niya.
" Ahhhhhh!!! Oh God Your so beautiful Ella!" Ang lumabas sa kaniyang labi na hindi mapigilang humanga na may halong pagkatakam. Kumilos ang kaniyang kamay at sinapo ng dalawa n'yang palad ang malabundok kong dibdib mapangahas na pinisil pisil eto habang nakatingin sa anyo nito.
Yumuko s'ya at salitang isinubo ang mga tila rosas na pasas na nakapatong dito. Napaigtad ako sa sensasyon na aking nararamdaman at napakagat labi ako sa pag pipigil na huwag makagawa ng anumang ingay. Napahigpit din ang pag kapit ko sa mga braso ni Sam at hindi ko na mapigilang mapatingala ako sa kisame at magpakawala ng ungol.
"Ahhhhhh!!!"
Nakapikit ang aking mga mata at blanko ang isipan nagpapaubaya sa ginagawang kapangahasan ni Sam sa aking malusog na dibdib. Naramdam kong hinawakan n'ya ang dalawang kamay ko na nakakapit sa kaniyang braso at tinanggal nya eto ng dahan dahan. Sunod na naramdaman ko ay ang paghaplos ni Sam sa leeg ko sa balikat pababa ng mga braso, at pababa eto hanggang sa aking balakang.
Saglit na nahinto ang paglalakbay ng kaniyang mga palad ng dumako eto sa aking likurang pang upo. Maya maya ay sinapo nya eto at pinisil ng madiin. Napasinghap ako sa kaniyang ginawa at muling naglandas ang mga palad n'ya papunta sa aking puson pababa ng aking hiyas sa pagitan ng dalawa kong hita. Hinimas himas n'ya eto habang sinisipsip ng salitan ang mga u***g ko sa dibdib. Muling umiba ng pwesto ang kaniyang kamay naramdaman ko etong pumunta sa aking kanang hita at binuhat paitaas habang himas himas niya. Napahawak ako sa kaniyang batok at kumapit sa leeg ni Sam nang may biglang....
Knock! Knock knock!
Ang sunod sunod na pagkatok sa pintuan ng aming silid na nag pabalik ng aking katinuan ng isip. Napahinto si Sam sa kaniyang ginagawa at ka-agad kong inilayo ang aking katawan mula sa kan'ya.
" S-sam may kumakatok puntahan mo?" Ang hinihingal kong sabi sa kaniya. Nilingon niya ang aming pintuan at salubong ang mga kilay na pinuntahan ang pintuan upang alamin kong ano ang kailangan ng kumakatok na iyon.
"BAKIT? Ang galit na wika ni Sam sa taong nasa labas ng aming pintuan.
" S-----sir Sam, Ma'am Ella, Naka ready na po ang dinner nyo sa ibaba. " Ang wika ni Irene na mukhang natakot dahil sa malakas na tono ng boses ni Sam. Syempre sino ba naman ang hindi magagalit kong malapit ka na sa tuktok ng tagumpay ay biglang nawala.
" Okay! "
Pagkasabi ni Sam ng okay ay isinirado n'ya ang pintuan. Nagulat s'ya ng makitang nakabihis na ako.
" Hindi pa tayo tapos my wife." Ang sabi ni Sam na papalapit sa akin.
" S-Sam bumaba na tayo at kumain."
" Ikaw ang gusto kong kainin." Ang seryosong sabi nito.
Napalunok ako ng laway sa sinabi nito. Nagsisi tuloy ako sa ginawa ko kanina na pang aakit sa kanya. Ang hangad ko lang sana ay biruin siya tingnan kong ano ang magiging reaksiyon n'ya. Hindi ko sukat akalain magiging ganito s'ya ka wild. Ngayon ako ang nalagay sa alanganin sarili kong patibong ako ang nabiktima.
Sa itsura ngayon ni Sam ay parang isang Leon na hindi papayag makawala ang kaniyang pagkain. Kailangan makaisip ako ng paraan kong hindi ay makakain talaga ako ng tuluyan.
"S-Sam please stop! H-hindi ako parausan." Ewan bakit eto ang aking biglang nasabi.
"What do you mean?"
" Okay, tell me San ka natulog kagabi?"
Hindi siya ka-agad nakasagot sa hindi niya inaasahang tanong ko sa kan'ya.
" Next time tiyakin mong walang bahid ng lipstick ang damit mo. Halika na bumaba na tayo at kumain." Ang malumanay kong wika kay Sam. Alam kong matalino siyang tao, Alam na niya kong ano ang ibig kong iparating sa katagang binitawan ko.
Nauna na akong lumabas ng aming silid at bumaba upang tumungo sa aming hapag kainan sa ibaba ng bahay at sumunod naman sa akin si Sam na walang kibo.
Tahimik kaming kumakain na dalawa at parehas din kaming walang kibo sa isat isa. Masarap ang inihandang hapunan ni Nana Helen sinigang na ribs ng baka, may relyenong bangus at pusit na malaki. Subalit hindi ko eto malasahan ng mabuti basta sinusubo ko nginunguya at nilulunok lang. Nakatuon ang aking pansin sa tensiyon na namamagitan sa amin dalawa ni Sam.
"Ano kaya ang iniisip nito? Mali ba ako? Pagbalik ba namin sa kwarto pipilitin kaya n'ya ako?" Sa laki ng katawan ni Sam alam kong wala akong laban hindi ko kakayanin pumalag."
" Ella. "
" Huh. "
" Tapos ka na bang kumain? "
" Ah, Oo B-bakit Sam? " Ang nagtataka kong tanong.
" Halika ka na sa taas may pagusapan tayo." Tumayo s'ya sa kaniyang inupuan at tumungo sa gawi ko. Huminto sa tapat ko at tila hinahantay na akong tumayo.
" OO na eto na."
Sabay kaming tumungo sa aming silid at pagkapasok ko ay inilock n'ya ang pintuan.
" A-anong pagusapan natin? "
" Ikaw at ako, magkaliwanagan nga tayo. Pinaglalaruan mo ba ako ha Ella?"
"Anong pinaglalaruan? ikaw nga etong salawahan may asawa ka na sumisiping ka pa sa ibang babae."
" Nagseselos ka ba?"
" E, ugok ka pala e, happy ka pa sa lagay na 'Yan no? Hindi gawain ng isang matinong lalaki ang mambabae kahit may asawang tao na tama ba ang ginawa mo? "
" Una palang alam mona ang tungkol kay Mina hindi ba? Ikaw ang pumili sa akin ginusto mo ako, So bakit mo ako tinatanggihan huh? Bakit mo ako pinaglalaruan? "
" Hindi kita pinaglalaruan ang gusto ko lamang ay makasegurong Ako lang ang babae mo hindi isang parausan. Alam ko din na ipinilit ko ang sarili ko sa'yo, sinira ko kayong dalawa ni Mina. Sorry! Ang gusto ko lang naman ay magsiping tayo ng may pag mamahal sa isat isa. Alam ko naman kasi na hindi ako ang mahal mo at kong hindi mo talaga ako kayang mahalin handa naman kitang palayain. Alam ko ang kasunduan n'yo ni Grandpa 'wag kang magalala hindi ko gagawin iyon sa' yo. Kong maghihiwalay man tayo hindi ko gagalawin ang kumpanya ng family Kim. Kaya sana maunawaan mo kong bakit ako nagkakaganito sa'yo. Iniingatan ko lang din ang sarili ko. "
"Sam, Sory! Kasi ginusto kita kaya hiningi kita kay Grandpa. Ang pagkakaalam ko kasi kapag gusto mo ang isang tao lahat ay gagawin mo hindi ba? " Ang halong pagsisinungaling ko dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na hiningi ko s'ya kay Grandpa upang gamitin namin dalawa ni Attorney Levi.
" S-sory! Hindi ko alam na ganyan ang takbo ng isipan mo. Akala ko isang spoiled brat na babae ka kong ano ang gusto kailangan makuha sa kahit anumang paraan. Ngayon ko nalaman na mali ang pagkakakilala ko sa'yo. Okay from now on aayusin ko ang tungkol sa amin ni Mina at kapag naayos ko ba tatanggapin mo na ba ako? "
" Bakit? Kaya mo bang makipagtapos kay Mina? Hindi ba't mahal mo s'ya at ilang taon kayong mag kasintahan. "
" Naisip ko na tama ka, kasal na tayo at magasawa na tayo. Bagay na nangyari na, ikaw na si Mrs. Ella Kim. Ang ginagawa kong pakikipagtagpo kay Mina ay isang kasalanan,Sorry! Ella, nawala sa isipan kong bilang asawa mo ay may karapatan kang masasaktan. Ang tanging kasalanan mo lang ay ang gustuhin ako. Nasa akin padin ang desesyon nuon, kong papayag ako na magpakasal sa'yo o hindi.Pumayag ako kaya nasa akin ang malaking kamalian,at wala sa'yo. I am so sorry Ella!. CAN YOU GIVE ME ANOTHER CHANCE? "
Tahimik akong nakikinig sa mga sinasabi n'ya at nadarama ko naman ang senseridad ng mga katagang sinabi n'ya. Ngunit nakokonsensiya ako kong alam lang din n'ya ang tungkol sa amin ni Attorney Levi at ang pag gamit namin sa kanya marahil ay kamuhian n'ya ako. Pero hindi naman ako si Ella Lee, Ibang tao ako.
Wala akong kasalanan kay Sam, isa din akong biktima dito. Pero alam kong may magagawa ako para itama ang lahat, dahil ako na ang may ari ng katawan na eto. Ako na ang bagong Ella Lee, hanggat naririto ako sa katauhan na eto ako dapat ang masusunod. Hindi ko papayagan na masira ang bago kong buhay, hindi ako papayag na may didikta sa tatahakin kong buhay ngayon. Alam ko sa sarili ko na nasa kamay ko ang ikaliligaya ko at ikababagsak ng aking pangalawang buhay, at hinding hindi ako makakapayag na maging katulad ng dati.
" Your only 18 at ako ay nasa thirtie's na, Hindi ako dapat naging e mature sa'yo. Hindi ko din naisip na wala ka nang natitirang pamilya at ako na lang ang mayruon ka sa ngayon. Pasensya na hindi ko ka-agad narealize ang mga bagay na eto ng maaga. Bata ka pa ako ang mas higit na matanda kesa sa'yo pero ano ang ginawa ko. I promise you Ella, from now on magiging mabuti na akong asawa sa'yo at sa ating magiging mga anak sa ating pamilya. "
Napako ako sa kinatatayuan ko sa mga oras na iyon. Napaka sarap sa tenga ang marinig ang mga sinabi n'ya. Dahil iyon ang aking pangarap ang maayos na pamilya. Tila nagtutubig ang aking mga mata at ang puso ko ay tumatalon sa subrang kagalakan, parang sinasabi ng isipan ko this is it Ella magiging masaya at kompleto ka na. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang yakap ni Sam sa akin at pinahid ng kaniyang mga palad ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi ng hindi ko namamalayan.
"Tahan na 'wag ka nang umiyak nauunawaan na kita at humingi naman na ako sa' yo ng sorry hindi ba?"
"P-paano si Mina?"
" Kakausapin ko s'ya, Bigyan mo lang ako ng panahon dahil hindi madaling gawin iyon. Alam kong masasaktan ko din s'ya."
"Huwag ka nang umiyak, a ayusin natin eto okay my little wife."
Yakap yakap ako ni Sam at inaalo, Ganito pala ang pakiramdam na may kayakap kapag umiiyak ka. Pakiramdam na parang wala kang dapat ika bahala dahil sya na ang bahala. Pakiramdam na parang nakatapak ka sa rainbow na maraming kulay. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtulo ng luha ko masaya kasi ako sa mga sandaling iyon. Nakasandig ako sa dibdib nya at mahigpit ang pagkakayakap ko sa kan'ya.
Natulog kami ng gabing iyon na gaya ng dati iisang kama ngunit hindi magkadikit o magkayakap sa pagtulog.Subalit natulog kami ng may ngiti sa labi lalo na ako.Gigising ako bukas ng umaga na alam kong okay na kami ni Sam ng asawa ko.