" Sir Anthony Bermundo po Ma'am Ellah, Sya po ang investigator ng Family Lee."
"Ha? Totoo po Mang Dan? Hindi ko alam na mayruon pala kaming family investigator."
"Kaya nga po kong may kailangan kayo o katanungan huwag po kayo mag dalawang isip nandirito ako Ma'am Ellah katulad ng sinabi ko sa inyo paglilingkuran ko po kayo sa abot ng aking makakaya.Sa ilang taon ko pong paninilbihan sa lolo nyo marami po akong alam na mga taong koneksiyon n'ya po. Huwag po kayong mahihiyang magtanong po sa akin Ma'am Ellah, kayo na po ang Master ko. "
" Salamat po! Sige po Mang Dan Punta po tayo sa kanya ngayon din.May kailangan po kasi akong ipagawa na Sana ay matapos na.
"Naku Ma'am Ella, Kailangan po mona natin s'yang kontakin para makipag kita po sa inyo. Palipat lipat po iyon ng tirahan dahil sa trabaho n'ya po."
"Ay! ganun ba? Okay po Mang Dan, Ikaw na po ang bahala. Sabihin mo na lang sa akin kong kailan kami magkikita.Punta na lang po tayo sa bahay ni Dione." Naisipan kong kay Dione na lamang ako pumunta dahil nagtatampo na din iyon sa akin. Ilang beses na n'ya akong niyayaya na mag shopping o mag bonding kaming dalawa. Ngunit parati ko etong sinasabihan ng later kasi bussy ako.
Pagkarating namin sa bahay ni Dione ay talagang nagulat s'ya sa hindi inaasahang pagdating ko. Tuwang tuwa etong yumakap sa akin.
"Naku Ellah, anong nakain mo at sa wakas dinalaw mo ako. Nagtatampo na sana ako sa'yo akala ko kinalimutan mo na ako."
"Sus! Hindi ah! Bussy lang sa buhay may asawa." Ang pagsisinungaling ko sa kan'ya pero ang totoo bussy sa pag adjust ng bago kong buhay at medyo ilang pa ako sa kan'ya. Sa dati kong buhay ni isang maituturing kong kaibigan ay wala ako. Sanay akong magisa sa buhay, at Hindi ko rin sya lubos na kilala. Kailangan ko parin mag-ingat kaya hindi ko rin alam ang dapat na ikilos ko kapag magka harap kami. Pero napagtanto ko din naman na hindi pwedeng hindi ko sya kilalanin maigi. Isa din s'ya sa may alam ng buhay ni Ella Lee may mga impormasyon ako na malalaman buhat sa kan'ya.
" Halika sa room ko at magbibihis lang ako. Ikaw naman kasi pabigla bigla kang babae ka."
" May supresa pa na kailangan magpaalam mona.Available ako today kaya iyong iyo ako." Ang masaya kong Sabi Kay Dione na sa tingin ko naman ay masaya din naman s'ya.
Nagpalit s'ya nang damit nagbistida din s'ya ng simple walang masyadong kolorete sa mukha at katulad ko din hikaw at relo lang din ang suot na burluloy sa katawan.Isa s'yang simpleng babae na sa isang tingin ay hindi pansinin ang kaniyang Ganda.
Ngunit kapag sa malapitan at kapag tinitigan mo s'ya ng matagal duon mo lang malalaman na maganda at cute s'ya. Iyon nga lamang may makapal na salamin s'ya sa mata.
Nong una ko din s'yang nakita nuon ng araw ng kasal ko nakasalamin din s'ya. Kaya segurado akong may deperensya ang kaniyang mga mata. Unang punta ko pa lamang sa bahay nila pero hindi ako nagpahalata at talaga namang napamangha ako sa napaka bonggang bahay nila. Ang akala ko ang mansion ni Sam o bahay namin na tinitirhan ang subrang laki at magarbo nagkamali pala ako.
Ang bahay nila Dione ay napakaganda din at Moderno ang pagkakadesign halatang isang napakayamang pamilya. Pero Kong titingnan mo si Dione hindi mo aakalain na napakayamang tao napaka simple lang kasi na babae.
"Dione saan mo ba gusto pumunta ngayon?"
"Sa Mall na lang nang makabili na din tayo ng mga gagamitin natin sa na lalapit na pasukan. Pero may magandang movie ngayon manuod mona tayo before mag shopping okay lang ba Ella?"
"OO naman, sige manuod mona tayo ng movie."Ang napaka saya kong tugon Kay Dione. Lingid sa kaalaman n'ya ngayon pa lamang ako makakapunta sa sinehan upang manuod.Para akong batang paslit na subrang excited na isasamang manuod sa sinehan. Sa loob ng labing walong taon parang ngayon lamang ako nabubuhay na parang tao. Maraming bagay ang ipinagkait sa akin ng dati kong pamilya, kong pamilya nga bang matatawag. Lumungkot ang mukha ko at tila may namumuong luha sa aking mga mata.Naramdaman ko na naman ang subrang awa para sa sarili ko.
"Ella, Are you okay? Why you crying?"
"Huh, umiiyak ba ako? Hindi ah."
"Don't tell me kakasal n'yo lang ni Sam nag away na kayo."
"H-hindi naman iyon ang dahilan hindi naman kami nagaaway ni Sam. W-wala may naalala lang akong bigla."
"Ano 'yon? tell me? What are friends are for kong wala akong silbi sayo. Malay mo makatulong ako hindi mo lang alam."
"I'm okay Dione naalala ko lang si Grandpa K - kasi nag promise ako sa kanya na kong gumaling s'ya manunuod kami ng sine together. Kaso hindi na mangyayari kasi wala na s'ya. 'Yon ang dahilan kaya seguro napaluha ako na mimiss ko si Grandpa." Ang naisip kong palusot para tigilan na ako ni Dione.
Tinitigan n'ya ako saka s'ya lumapit sa akin at niyakap. Tinapik tapik ang aking likuran.
" I am here. We're Sisters! kapag nalulungkot ka o may problema remember andito lang ako."
"Thank you Dione!"
"Okay let's go na Ella, 'wag mo nang isipin ang mga sad moments mo.Past is past Done is done. Move on be happy as long as you can. Dahil malulungkot din si Grandpa at parents mo kong saan man sila naruruon kapag nakita ka nilang ganyan."
Tama nga naman si Dione may mga bagay na dapat nang kalimutan at mag Move on. Napaka swerte ko pa nga dahil nabigyan ako ng pangalawang buhay. Ang iba hindi nabibigyan ng ganitong klaseng chance sa buhay, kaya mapalad ako at dapat ko etong pahalagahan.
Umalis kami sa bahay nila Dione na may ngiti ako sa mga labi. May mga bagay bagay akong napagtanto sa buhay ko ngayon Isa na ang kaalamang nasa mga kamay ko ang magiging kinabukasan ko.
Pagpasok namin ni Dione sa loob ng sinehan ay talagang namangha ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa loob ka ng sinehan. Dati rati kasi sa TV ko lang eto nakikita. Sa dati kong buhay ay wala akong oras para gumala, manuod ng sine na kagaya ng ganito o mamasyal sa kong saan saan.
Ngayon ko lang naranasan na manuod ng sine na kumakain ng pop corn, May juice na inumin at may kasamang kaibigan. Ang napiling panuurin ni Dione na movie ay isang romance drama na talagang nagpatulo ng luha sa aming dalawa ni Dione. Tungkol eto sa isang babaeng ipinagkasundo ng pamilya sa isang lalaki, pero hindi s'ya nito gusto. Kayamanan lang ang gusto nito sa kan'ya. Ang bidang babae ay isang mabuting asawa at naging sunod sunuran s'ya. Kahit alam n'yang may ibang babae ang kaniyang asawa ay tiniis n'ya eto dahil ayaw n'yang mawasak ang kaniyang pamilya lalot buntis s'ya. Ngunit hindi n'ya akalain na eframe up s'ya ng kaniyang asawa.
Masaya silang naginuman ng gabing iyon sa kanilang bahay, at pagkagising n'ya nagkakagulo na sa isang hotel room na hindi n'ya alam kong paano s'ya napunta duon. Duguan ang kaniyang mga kamay at damit may patay na lalaki na nakahandusay sa sahig. Nakulong s'ya ng dahil duon naparatangan s'yang pinatay n'ya ang kaniyang kalaguyo. Nadungisan ang kaniyang karangalan at nabilango ng buntis.Ang masaklap hindi inaako ng kaniyang asawa na anak n'ya iyon, galit na galit sa kanya at ididivorce daw s'ya kasi maduming babae daw s'ya.
Kaya sino ba naman ang hindi maiiyak sa palabas na iyon. Kaya kahit nasa bahay na ako ay dala dala ko pa din ang palabas na napanuod ko. Medyo kahawig kasi sa buhay ko. Hindi ako makakapayag na ganun din ang mangyari sa akin. Hindi ako pwedeng maging mahinang babae hindi ko hahayaan na maging ganun din ang buhay ko.
Ipaglalaban ko kong anong meron ako at gagamitin ko ang mga bagay na mayruon ako ngayon. Bigla pa akong nagulat ng biglang pumasok si Sam sa silid naming dalawa.
Natuon ang tingin ko sa kan'ya napaka gwapo nyang talaga at nakakapaglaway para s'yang isang pagkain na masarap segurong kainin. Bigla kong naisip akin s'ya at hindi ako makakapayag na maagaw s'ya sa akin ng Ibang babae. Hindi ako tutulad sa bidang babae sa pelekula na napanuod ko na naging mahina at naghahantay lang. Kong kinakailangan maging isang wild hunter ay gagawin ko maging akin lang ang aking asawa.
Nakaupo ako sa gilid ng aming kama habang nakatitig kay Sam. Biglang may pumasok sa isip ko at walang sabi sabing hinubad ko sa harapan n'ya ang suot kong bistidang damit. Nahulog eto sa aking paanan nakita kong tila nagulat si Sam nang makita ang katawan ko na naka bra at bikini panty lang.
Alam kong pinagpala ang hubog ng aking katawan at kutis. Segurado akong walang sinoman ang hindi makakapansin sa taglay kong alindog. Sanay na sanay ako sa mga tingin ng mga lalaki na may pagnanasa at paghanga sa aking katawan, at nakita ko eto sa mga mata at mukha ni Sam.
"Gotcha baby!" Ang nag mamalaking sabi ng isip ko. Natutuwa ako sa nakikita kong reaksiyon ni Sam lalo ng napalunok eto ng laway habang nakatingin sa akin. Ngayon ko lang kasi eto ginawa na maghubad sa harapan n'ya. Ngayon lang din nya nakita ang hubog ng katawan ko sa malapitan.
" Laway mo tumutulo punasan mo?" Ang natatawa kong sabi sa kan'ya bago pumunta ng bathroom upang mag shower.
Iniwanan ko s'ya na alam kong nakatitig parin s'ya sa aking likuran habang papalayo sa kan'ya. Nagtagal ako sa loob ng shower room sa loob ng isang oras. Pag labas ko ay nakatapi lang ang katawan ko ng maikling tuwalya. Mula shower room ay pumunta ako sa aming closets room para kumuha ng damit. Na agad naman akong sinundan duon ni Sam at bigla na lamang akong kinabig at kinapit sa aking beywang.
Kanina ay matapang akong nang-aakit subalit ngayon ay napalitan na ng takot bigla akong naduwag sa aking ginagawa.
" Ella, Are you seducing me?" Ang tanong n'ya sa akin na nakatitig sa mga mata ko.
"H-hindi ah! At bakit ko naman gagawin iyon. P-pwede ba P-pakawalan mo 'ko?"
" You smell so good Ella,"
"A-Alam ko matagal ko nang alam na mabango ako bitawan mo na ako."
"What if sabihin kong ikukulong kita sa aking bisig ngayong magdamag." Ang mapangakit at ma awtorisado nitong bulong sa gilid ng aking tenga. Naramdaman ko na naman ang tila kuryenteng gumapang sa buo kong katawan sa mga sandaling iyon.
Napahigpit ang pagkakayakap n'ya sa aking beywang at nag-umpisa na n'yang halikan ang aking leeg ramdam ko ang mainit n'yang hininga at ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking balat. Hanggang sa maramdaman ko na lamang na hawak hawak na ng dalawa n'yang kamay ang aking mukha. Nakita ko pa ng aking mga mata ang pagbuka ng labi n'ya bago ilapat sa labi ko. Napahawak ako bigla sa kanyang magkabilang braso at napapikit ng maramdaman ko na ang sarap na dulot ng ginagawa nyang paghalik. sa'kin.