Pasalamat na lamang ako at sumakit ang sugat sa aking ulo.Nawala ang atensiyon ko kay Auntie Loring dahil kong nagkataon baka kong ano ang aking nagawa sa kan'ya.
Hindi ko alam kong saan ko hahagilapin ang kawawa kong katawan. Pagkatapos pakinabangan at babuyin ng eto ay nabubuhay pa, ngayon naman na patay na ay pinakinabangan parin. Awang awa ako sa kawawa kong katawan sa sinapit nito. Hindi pwedeng hindi ako maghigante sa mga taong gumawa sa'kin nito pagbabayarin ko silang lahat Isa Isa at iyon ay aking ipinapangako....
Maaga pa lang alas otso ng umaga ay dumating si Attorney Corpus, wala man lamang etong pasabi sa amin ni Sam. Pinatuloy ni Sam si Attorney sa isa sa mga living room dito sa mansion ng mga Kim,at kaming tatlo ay naupo sa mga mamahaling sala set na may desenyong gold ang bawat gilid. Mula ng dumating ako sa mansion na eto ay ngayon ko lamang napasok at nakita ang living room na eto.
Alam kong napakaraming pintuan dito sa bahay ngunit wala sa isipan ko ang maglibot o alamin ang itsura ng mga eto. Na focus kasi ang aking isipan sa aking problema at eto talaga ang kailangan kong pagtuunan ng pansin. Hindi ako makakapamuhay ng maayos kapag hindi ko naisasaayos ang mga gusot sa buhay ko.
"Mr, Kim at Miss,Lee heto na ang lahat lahat ng documents na kailangan n'yong mabasa eto ang last will testamento ni Grandpa Xian Lee para sa inyong dalawa.Miss Lee, paki basang mabuti ang mga dokomento at pirmahan agad ng maisaayos ko ang lahat lahat sa iyong pangalan.Heto namang folder na naka sealed ay pribadong dokomento na pinabibigay sa'yo ni Grandpa Lee kapag nawala na daw s'ya. Walang ibang pwedeng mag open nito kong hindi ikaw lamang. "
" Salamat! Attorney Corpuz, tatawagan na lamang kita after matapos kong mabasa at pirmahan ang mga eto. Para mabalikan mo at makuha. "
" Walang anuman Miss Lee. Trabaho ko eto wala kayong dapat na ipagpasalamat. " Naka tingin sa akin si Attorney pero ramdam ko ang pagtagos ng bawat titig n'ya sa akin. Para naman akong sinisilihan sa pagkakaupo, ganito pala ang pakiramdam ng may asawa kang tao pero may iba kang lalaki sa buhay.At ang matindi pa katabi mo lamang ang iyong asawa at nasa harapan mo naman ang kalaguyo mo. Hindi naman ako sanay sa ganitong buhay, sanay akong magpokpok pero ang buhay may boyfriend at asawa ay never ko pang na experience. Ang lahat ng mga eto ay mga bago sa akin. Malakas ang kaba o tens'yon na nararamdaman ko. Kong bakit naman kasi ang tapang tapang ni Attorney tumingin sa akin. Parang hindi s'ya natatakot kay Sam.
Heto naman si Sam abala sa pagbabasa at pag pirma ng mga dokomentong hawak n'ya kaya seguro hindi nito napapansin ang malagkit na pagkakatitig sa akin ni Attorney.
"Salamat! Attorney Corpuz, at eto na ba lahat ang dapat pirmahan na mga documents mayruon kasi akong meeting sa clients kaya aalis ako agad. Hindi ka naman nagsabing pupunta ka ngayon. Tatawagan na lamang kita kapag okay na ang lahat, I think I need to read it carefully before I submit it to you. Wala lang akong time sa ngayon. I hope you understand Attorney Corpus. "
"It's okay Mr. Kim, idinaan ko lang din ang mga eto, Para matapos na. Marami pa kasing naghahantay din sa'kin na trabaho sa office. "
Naunang nagpaalam si Sam Para umalis, nagmamadali na din kasi eto dahil may appointment nga eto. Naiwan naman kaming dalawa ni Attorney Corpus.
" Kumusta ka Ella? "I miss you a lot!" Ang sabi n'ya sa akin ng matiyak niyang nakaalis na si Sam. Tumayo s'ya at tipong balak akong lapitan. Naalarma naman ka-agad ako sa maari niyang gawin sa akin.
" f**k you talaga sa Hell, Sinasabi ko na nga ba e." Ang wika ko sa aking sarili.
"Ahm, A - att..... este Levi, Wait Nasa pamamahay tayo ni Sam, Please be carefull. May mga cctv dito sa loob ng bahay." Ang biglang naisip kong sabihin sa kan'ya. Kinakabahan talaga ako na baka may makahuli sa amin ni Attorney at baka bigla na naman s'yang manghalik mahirap na.
Maraming katulong dito sa mansion at lahat ay mga tao ni Sam. Paano na lang kong bigla akong yakapin at halikan ni Attorney gaya nga ng sabi n'ya miss na daw n'ya ako. Hay naku ayaw ko pang masesante sa bahay na eto, buti kong sipain lang ako ni Sam e paano kong patayin n'ya ako sa galit, dahil Isa akong makating asawa. Minsan na akong namatay sa karumal dumal na paraan at ayaw ko ng maulit pa iyon.
"Ohh, I'm sorry Ella. Tatawagan na lamang kita. Sige aalis na ako." Ang Sabi n'ya na may halong pagkakadismaya. Sa tono ng pananalita n'ya at sa mga mata halatang nalungkot s'ya.
"Sige Levi, kong may gusto kang sabihin call ka lang o kaya chat ka na lang." Ang nakangiti pero naiilang kong sabi sa kan'ya.
"Okay bye!"
OK bye, Attorney ingats. "
Hinatid ko si Attorney palabas ng bahay hanggang sa makasakay eto sa kaniyang sasakyan at hinatid ng aking tingin ang tuluyang paglabas ng sasakyan n'ya sa mansion. Heto lamang ang maibibigay ko sa kan'ya ngayon. Nang ako ay mag-isa na lamang ay binalikan ko ang mga dokomento na iniwan ko sa living room. Sa aming silid ko na lamang eto babasahin kaya umakyat na ako sa second floor kong saan naruon ang aming silid ni Sam. Pinihit ko ang door knob upang bumukas eto.Saka ko lamang napansin na gold din pala ang kulay ng Door knob nang aming silid. At hindi basta basta normal lang na design halatang mamahalin.Ngayon ko napansin na maraming design na gold sa mansion.
Pumasok ako sa loob at sumalampak ng upo sa aming kama. Inumpisahan ko ng basahin Isa isa ang mga dokomento na iniwan sa'kin ni Grandpa.Natagpuan ko dito ang kasulatan o kontrata sa pagitan nila Sam at ni Grandpa. Totoo pala talaga ang sinabi sa akin ni Attorney Levi,. At malaki ang ipinagtataka ko kasi nakakabasa ako ng English at naiintindihan ko ang mag eto. Nakatapos lamang ako ng grade three kaya napaka imposible nito sa akin. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang kasunduan na iyon pero inilagay ko iyon sa aking drawer.
Napakayaman pala talaga ni Grandpa Lee. Maraming pag-aaring negosyo at ang karamihan ay mga share holders ang hawak n'ya. Mayruon din eto sa China, Hong Kong, Korea, America, japan, at Dubai. Kahit wala akong gawin o hindi ako magtrabaho patuloy ang pagdaloy ng pera sa akin. sa dami ng kayamanan na napasakamay ko ay tila hindi ako masaya. Nasa isip ko ang pagbibigay hustisya sa sinapit ko, iyon ang higit na mas importante sa ngayon.
Napagpasyahan kong umalis muli bukas. Pupunta ako ng presento upang isuplong ang mga ginawa ni Auntie Loring, at ni Mama Sang. Pakikilusin ko ang pera na nasa aking mga kamay ngayon.Kukuha din ako ng private invistegator para sa mga lalaking kasama ko ng gabing iyon.
Abala ako sa pagbabasa ng mga dokomento. Ngunit ng kumalam ang aking sikmura saka ko napansin na lunch time na pala. Napagpasyahan Kong bumaba sa kitchen upang kumain magtanong na din kong ano ang menu na niluto ni Nana Helen.
" Nana Helen ano po ang niluto mo ngayon?"
"Naku ma'am, nilagang baka po at pritong bangus po. "
" Wow masarap yan Nana Helen, luto na ba?"
"Opo ma'am, punta na po kayo sa dining table at wait lang po ihahanda ko na ang pagkain nyo."
"Naku Nana Helen bakit pupunta pa ako duon sa malaking table e ako lang naman magisa ang kakain. Dito na lang sa kusina may table and chairs naman dito."
"Po? A e kayo po ang bahala ma'am." Napakamot ng ulo si Nana Helen at nagtatakang nakatingin sa akin naman sina Irene at Mona.
"E kayo ba kumain na ba?" Ang tanong ko sa kanila.
"Hindi pa po ma'am." Ang sabay na sagot nina Irene at Mona.
" Oh, Kong ganun pala e sabay sabay na tayong kumain ditong apat."
"Ma'am ano po, sa sabay kami sa pagkain mo?"
"Opo! Anong masama duon Nana Helen?"
Si Nana Helen at ang dalawang katulong ay tila nagulat sa aking sinabi. Pero alam ko na ang ikinababahala nila gaya sa mga napapanuod ko na ang Amo ay hindi Sumasabay sa mga katulong sa pagkain. Pero hindi naman ako ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kaya bakit ako aasta na Isa sa mga katulad nila. Isa lamang din akong hampas lupa na pokpok.
"Asan ba nakalagay ang mga Plato at kutsara?" Ang aking tanong sa kanila balak ko kasing tulungan sila.
"Naku ma'am kami na po ang bahala maupo na po kayo."
Wala akong nagawa kong hindi ang maupo at panuurin na lamang sila habang naglalagay ng mga Plato, kutsara at pagkain sa lamesa.
Hindi ko maiwasan na ikumpara ko na naman ang aking dating buhay. Nuon wala akong estado at wala akong halaga. Subalit ngayon pakiramdam ko ay mahalaga akong tao. May tumulong luha sa mga mata ko at mabilis ko etong pinunasan ayaw kong mapansin nila na naiiyak ako.
Habang kumakain ay napansin kong naiilang parin sila sa akin.
"Nana Helen, Irene At Mona h'wag kayong mailang sa akin. Hindi ako iba sa inyo. Pare pareho lamang tayo kumakain ng kanin, iisa lamang ang hangin na sinisinghot natin pare-pareho, huwag kayong mailang sa akin dahil hindi kayo naiiba sa akin. Pamilya tayo dito, tayo ni Sir Sam nyo ako at kayo. " Ang buong puso kong sabi sa kanila, at nakita ko naman sa kanilang mga mukha na medyo napawi ang pag-aalangan nila sa akin.
Nang matapos kumain ng Lunch ay bumalik na muli ako sa aking kwarto , at muling binalikan ang mga importanteng dokomento. Seguro kinakailangan kong bumili ng personal Computer upang ma search ko ang mga negosyo ni Grandpa. Kailangan ko silang alamin at pag-aralan. Hindi ko din alam kong alam ko bang gumamit ng computer o hindi. Pero may bahagi sa utak ko at puso na nagsasabing kailangan ko ng computer at pagaralan ang mga bagay bagay na naka saad sa mga Dokomento na nasa pangangalaga ko ngayon.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may gumagapang sa aking balakang. Sa pagmulat ng aking mga mata nakita ko si Sam nakaupo sa aking tabi at nakatitig sa akin. Ang kaniyang kamay naman ay marahang humihimas himas at pumipisil pisil sa aking balakang. Hanggang sa dumako sa tambok ng aking pwet at pinisil pisil eto. Pakiramdam kong nag-sisipagtayuan ang mga balahibo ko sa aking katawan. Dahan dahan din n'yang inililihis ang suot ko na blouse paitaas. Naalarma ako ano ang balak n'yang gawin sa akin. Nananatiling nakatingin s'ya sa akin Ngunit ang kamay naman n'ya ay nag-Lilikot sa loob ng aking suot na damit. Nababanaag ko sa kaniyang mga mata ang panga-nga ilangan.