CHAPTER 9

1896 Words
Habang sinisibasib ni Sam ang aking labi ay dahan dahan n'ya akong inihihiga sa kama. Ang labi n'ya na sumasakop sa aking bibig ngayon ay dahan dahang naglalakbay sa aking pisngi, chin, at pababa sa aking leeg. Nakakapagpatayo ng balahibo sa buo kong katawan, at ang bawat banayad na halik na iginagawad n'ya s'kin ay nag. Ang mainit na hininga nya at mama sa masang dila na dumidikit sa aking balat. Nakahawak s'ya sa aking batok at ang isa naman n'yang kamay ay pumipisil sa aking balikat. Ako naman ay dumidiin ang pagkakapit ko sa kaniyang matigas na braso. Naririnig ko ang paghihirap ng hininga n'ya,at ang pagkiskis ng katawan n'ya sa aking katawan.Ang matigas na bagay na dumidiin sa tambok ng kepyas ko ang lalong nagpatindi ng aking pagnanasa. "Kapalit ng pagsalba sa kompanya nila Sam ay ang pakasalan ka Ella.May minamahal s'yang iba. " Bigla etong pumasok sa aking isipan na hindi ko alam kong bakit at nasundan pa nang pag flash back sa nakita kong paghahalikan nina Sam at Mina sa pasilyo ng Hospital.Ang kiss mark sa leeg n'ya, kasal na s'ya sa'kin ngunit nagawa pa ni Sam makipagtalik sa Ibang babae. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nawala ang kaninang masidhing libog na naramdaman ko at nagawa kong itulak si Sam palayo sa aking katawan na ikinagulat n'ya. "Why?" Ang medyo asar na tanong n'ya. Sandali akong nagisip ng idadahilan, Kaya nakatingin si Sam sa'kin habang nagaantay ng aking kasagutan. "S-Sam K-kasi, kakalibing lang ni Grandpa, hindi ba?" "Okay, nakuha ko na, I'm sory! .." Tumayo s'ya at naglakad patungo sa aming closets at pagbalik nakasuot na s'ya ng ternong pajama din. Nahiga s'ya sa kama at tumalikod sa akin. "Sorry Sam, hindi pa ako handa. Ako na ang mayari ng katawan na eto. Ako ang magpapasya kong kanino ko eto ibibigay.Mag asawa na tayo kaya dapat ako lang.Kahit sinasabi ng may relasyon kami ni Attorney Levi ay iiwasan ko na s'ya dahil may asawa na akong tao. Gagawin ko iyon dahil iyon ang nararapat. " Ang bulong ng isip ko. Second chance ko na eto, gusto kong maging maayos ang aking buhay. Ayaw ko na magkasala, Kaya Ipinapangako sa asawa ko lang ako m************k muli, pero kailangan ako lang at dapat at mahal namin ang isat-isa Hindi na ako ang dating Ella, na kong kanikanino lang nagpapagamit.Hindi rin ako papayag na magsesex kami dahil sa libog lang. Kailangan kong magpakatatag at maging matalino dahil alam ko ako mismo ang gagawa ng future ko Eto na ang buhay ko..... Maaga akong nagising, si Ella ay mahimbing padin ang kaniyang pagkakatulog.Ang babaeng aking pinakasalan, Ngunit hindi ko mahal. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng kabaliktaran sa lahat ng gusto ko sa isang babae ay mapapakasalan ko.Isa s'yang spoiled Bratt,walang alam sa buhay, lahat ng gusto ay nakukuha ng walang kahirap hirap kasama na ako duon. "Grandpa, gusto ko si Sam, gawin mo ang kahilingan ko, kong hindi ay hindi mo na ako makikitang muli." Ang dinig na dinig ko nuon na paguusap nina Grandpa at Ella habang papasok ako sa opisina ni Grandpa. Si Ella ay tumingin sa'kin na parang wala lang at umalis ng silid na iyon. Hindi ko akalain na may gusto sa'kin ang heredera ng mga Lee. Dalawang beses ko pa lamang s'yang nakita, sa isang party kasama ang lolo n'ya at sa opisina kong saan naabutan ko ang sinabi n'yang iyon kay Grandpa. Nang sabihin sa'kin ni Grandpa na tutulungan n'yang hindi bumagsak ang kompanya namin kapalit ang pagpapa kasal sa apo n'ya ay pumayag na rin ako. Lalaki ako walang mawawala sa'kin at kahit may asawa na ako kahit ilang babae ay kaya kong maikama. Hanggat may pera at kapangyarihan magagawa mo ang lahat lahat ng iyong naisin. Pero tuso at mautak si Grandpa Lee, kaya hindi nakakapag tataka na napangalagaan n'ya at napalago ang mga assets n'ya. Pinapirma n'ya ako ng kasunduan na sa oras na hiwalayan ko si Ella ang kompanya ng aking pamilya ay mawawala sa'kin. Pero kong si Ella mismo ang gustong makipag-hiwalay sa'kin eto ay mananatili sa pangalan ko. Gumawa ako ng plano, paiibigin ko si Ella Lee, hanggang sa masaktan s'ya ng dahil sa'kin. Sa oras na mangyari iyon pipiliin n'yang hiwalayan ako kesa sa magdusa sa piling ko. Bata pa s'ya at hindi sana'y na masaktan. Lalo't may taning na din ang buhay ng lolo n'ya,wala na s'yang makakapitan upang ipagtanggol. Hindi s'ya magtitiis sa'kin, mayaman s'ya bata, at maganda.Ang mga tipo n'ya ay madaling mag-sawa at laging sabik sa mga bagong bagay. Subalit kagabi ay may kakaiba akong naramdaman. Hanggang ngayon ay dala dala ko pa din ang sama ng loob na hindi ko s'ya nakuha kagabi. May bahagi sa aking pagkatao ang nanghihinayang at nananabik. Hindi ko alam kong ano eto at kong bakit. Seguro dahil bagong putahe s'ya para sa'kin at bilang lalaki normal lang ang malibugan at magpakawala ng init ng katawan. Lalo't nasa harapan mo na ang masarap na putahe. Parte eto ng plano at asawa ko s'ya ako ang pinili n'ya kaya karapatan kong gamitin ang katawan n'ya at iyon ang katungkulan n'ya sa akin.... Nagising ako na wala na si Sam sa aming kama. Segurado naman na ako na nasa kompanya na iyon. Bumangon ako, naligo at gumayak upang umalis. Ngayon ko naman aalamanin kong ano ang nangyari sa aking katawan at sa kinagisnan kong pamilya. " Ano na Kaya ang nangyari kina Auntie Loring, Kathy at Cora? " Sakay ng kotse na pinagmamaneho ng aming driver na si Mang Tom ay nag pahatid ako sa isang kilalang shopping mall. Ang sabi ko sa kan'ya ay pwede syang gumala o umuwi mona dahil matatagalan ako tatawagan ko na lamang s'ya kapag uuwi na ako. Wala namang pagdududa na sinunod ako ni Mang Tom uuwi daw mona s'ya sa kanila. Medyo malapit naman daw ang bahay n'ya sa kinaroroonan namin ngayon. Pumasok ako sa loob ng shopping mall at lumabas sa kabilang exit. Palinga linga akong naghanap ng masasakyan na taxi at nagpahatid sa lugar kong saan ako nahulog ng gabing iyon. Hindi ko maaring makalimutan ang gusali na iyon at ang numero ng kwarto na pinagdalhan sa'kin. Nang nasa loob na ako ng taxi ay pumasok sa aking isipan na sa police station muna dapat ako pumunta kaya iyon ang aking ginawa... Nasa harapan ako ngayon ng isang police at ako naman ay nakaupo. "Sir, magtatanong lang po sana.Tungkol sa babaeng nahulog ng Gabi sa terrace duon sa Samuel's Condo Building noong nakaraang buwan." "Bago ko sagutin ang katanungan mo, pwede bang ibigay mo ang tunay mong pangalan, address, at ano ang kaugnayan mo sa biktima?" Ang utos sa akin ng police habang nakaambang tumipa sa kanyang Computer desk. "Ahm, Ako si Ella Lee, 18 years old. Nakatira sa Ph3 blk8 lot28 52st. Green Meadows Makati City. At kaibigan ko po yong hinahanap ko." "OH, magka-pangalan pala kayo ng kaibigan mo Miss Ella Lee." "Yes po Sir, kaya nga naging kaibigan ko po s'ya dahil kapangalan ko s'ya." "Okay , Anong buong pangalan at edad ng kaibigan mo?" "Ella De Guzman po Sir, at katulad ko 18 years old din po s'ya. " "Ahm, okay, Ayun dito sa case report si Miss, Ella De Guzman ay bangag sa ipinagbabawal na gamot at isang prostitute.Kusa s'yang tumalon mula sa ika pitong palapag ng Samuel's Condo Building dahil sa subrang kalasingan at high sa droga." Totoong lasing s'ya at high sa droga ng gabing iyon. Dahil pinilit s'yang painumin ng alak na halos magkandaduwal duwal sya at mapasukan ang baga n'ya ng alak. Pinagtulungan s'ya ng mga lalaking iyon na ibuka ang kaniyang bibig at painumin ng alak. Bukod pa duon pinipilit din s'yang pasinghutin ng cocaine at may itinurok pa sa kanyang katawan. "Nahuli po ba ang mga kasama ni Ella ng gabing iyon? Sino sino po sila anong pangalan nila?" Ang napaka importante kong tanong sa police na kaharap ko. "Miss Ella, isang party ang naganap ng gabing iyon sampong tao ang naruruon ng gabing iyon. Limang prostitute na babae at limang lalaki. At ayon sa kanilang police report dito ay sila ay mga tulog na nang gabing iyon dahil sa kalasingan at hindi Nila Alam na gumamit ka ng droga na nakuha sa bag mo. "Mahimbing silang lahat na natutulog ng gumamit si Ella De Guzman ng droga at tumalon sa balcony. Saka lamang nila nalaman ang nangyari nang nagising silang lahat sa sunod sunod na ingay mula sa labas ng pintuan ng condo unit." Nangangalit ang mga ngipin ko at nag-iinit ang aking pakiramdam dahil sa galit ng mga sandaling iyon.Malinaw na pinagtakpan ang kasalanan ng mga hayop na iyon. Hinding hindi ako makakapayag ng hindi mabigyan ng sapat na hustisya ang sinapit ko sa kanilang mga kamay. "Miss Ella Lee, okay ka lang ba?" Ang tanong sa'kin ng police na kausap ko. Natahimik kasi ako at may mga luhang nagsipagpatakan sa pisngi ko na napansin n'ya. "Sir pwede po bang makahingi ng copy ng police report nyo. Dadalhin ko sa kaibigan kong attorney." Ang pagsisinungaling ko na sabi sa kan'ya. "Kailangan kong malaman ang mga taong sangkot dito at pagbabayarin ko silang lahat." Ang wika ko sa aking sarili na kinakain ng galit at awa sa sinapit ng katawan ko sa mga demonyong iyon. "Sir, huling tanong na lang po, saan po ba inilibing ang kaibigan ko?" "Yan ang hindi ko alam Miss Lee.Ang kaso lang ng tao ang responsibilidad namin at kong may pamilya ang namatay sila ang dapat magpalibing dito. Kaya ipinapakuha namin sa kanila. Mas mabuti pang ang mismong pamilya n'ya ang tanungin mo." "Ahm. Sige po Sir maramaning salamat." Nagpaalam na ako sa kausap ko na police na nag-asikaso sa akin.Nilisan ko ang presento na una kong pinuntahan, at sunod naman na aking tutunguhin ay ang lugar namin.. Nasa harapan ako ni Auntie Loring ngayon.Ganun pa din ang bahay walang pinagbago at mukhang gaya ng dati wala ang mga anak n'ya na sina Cora at Kathy. " Kaibigan ka kamo ni Ella, At ano naman ang pangalan mo? Mukhang ngayon lang kita nakita." "Auntie Loring, Lee na lamang po ang itawag n'yo sa akin. Yes, kaibigan ako ni Ella at gusto ko po sanang dalawin s'ya sa kan'yang puntod. Nasa ibang bansa po kasi ako ng makarating sa akin ang balitang patay na s'ya." "Naku, huwag mo nang hanapin dahil wala s'yang puntod.Umalis ka na at may lakad pa ako." "Ho? Ano pong ibig n'yong sabihin na wala s'yang puntod?" Ang naguguluhan kong tanong kay Auntie Loring pero may kaba na akong nararamdaman. " Ebenenta ko ang katawan n'ya sa mga estudyante na nag-aaral maging doktor. May kakilala kasi ako na naghahanap ng katawan ng patay bibilhin daw. E kesa sa gagastos pa ako pampalibing sa kan'ya na wala naman akong pera para dun. Ayon ebenenta ko ng sa gayon e kahit papano makabayad s'ya sa pagpapalaki ko sa kanya. " Ang walang kakurap kurap na sabi ni Auntie Loring sa'kin. Sa narinig kong iyon kay Auntie ay biglang dumidilim ang aking paningin parang gusto ko s'yang sugurin at patayin gamit ang aking dalawang kamay. Ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa papalapit sa kan'ya. Ang sugat sa aking ulo na akala ko ay naghilom na ay sumakit ng subra. Nawala ang atens'yon ko kay Auntie Loring napunta eto sa sumasakit na ulo ko. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD