CHAPTER 8
"What? It's that true Ella?"
"Ohm, M--maraming bagay na hindi ko maalala at kasama ka na dun." Ang pagsisinungaling ko sa kan'ya. Pinapanalangin ko na lamang na maniwala s'ya.Sa ganitong paraan hindi ako masyadong mahihirapan.
"It's okay no need to worry, I understand.Alam kong nakalimutan mo man ako pero sa puso mo madarama mong ako ang mahal mo." Bakas sa kaniyang mga mata ang bahid ng kalungkutan o pagaalala. Pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha gusto kong mabatid kong ano ang magiging reaction nya. Gusto ko din sukatin kong talagang mahal nya si Ella Lee at kong tunay nga silang nagmamahalan na dalawa.
Kong kinakailangan na hiwalayan ko si Sam ay gagawin ko, oras na mapatunayan kong nagmamahalan talaga sila.
"Attorney, pasensya na gusto ko sanang malaman ang pangalan mo? Sorry! hindi ko talaga matandaan?" Ang lakas loob kong tanong sa kan'ya. Sa isip ko bahala na ang mahalaga magkaruon ng kasagutan ang lahat ng kailangan kong malaman.Hindi ako makakakilos ng tama kong wala akong alam sa buhay ni Ella Lee. Wala akong choices kong hindi ang ipagpatuloy ang buhay n'ya.
Tumingin s'ya sa akin, nang hindi nagsasalita halos tatlong minuto bago s'ya nagsalita, at nakita ko sa kaniyang mga mata ang kalungkutan.Para namang tinusok ng karayom ang puso ko hindi ko magawang tagalan ang pagtitig sa kan'ya.
" Levi Corpus, Ella."
"Levi Corpus, magandang pangalan bagay sa'yo. Pasensya ka na Levi hindi ko naman gustong mangyari eto basta na lamang nangyari.Hindi ko hangad na masaktan ka." Ang aking buong katotohan na sabi sa kanya.Hindi ko gustong makasakit ng kapwa ko. Kaya sa nakikita kong kalungkutan sa mga mata ni Attorney Levi ay nasasaktan din naman ako.
" Pupunta ako sa bahay nyo ni Sam pagkatapos ng libing ni Grandpa. "
" Ha? Anong gagawin mo? Sasabihin mo bang may relasyon tayo?"
"Hindi Ella. Hindi pa oras. Pupunta ako sa inyo bukas upang ipaalam ang huling testamento ni Grandpa Xian Lee.Ang gusto ko lang alagaan mo ang iyong sarili para sa akin, at sana huwag mawawala ng tuluyan ang pag mamahal mo sa akin.At eto ang iyong tatandaan. Mahal na mahal kita handa ako maghintay at magsakripisyo para sayo nuon at ngayon. Gaya ng naipangako ko, at tutuparin ko eto. " Sa sinabing eto ni Attorney Levi, kumirot ang puso ko nanaman. Damang dama ko ang bawat kataga ng may bahid ng pait, ramdam ko na nasasaktan s'ya ngunit walang magawa.
Alam na alam ko ang pakiramdam na eto. Yong tipong malagay ka sa sitwasyon na hindi mo kagustuhan. Wala kang ibang pagpipilian kong hindi ang sapilitang tanggapin at tiisin ang mga bagay bagay. Gawin ang hindi mo nais gawin.
Kinabukasan inihatid na namin si Grandpa sa kaniyang huling hantungan.Hindi kagaya kahapon na wala man lang ni Isa ang pumunta. Subalit sa araw na eto pumunta ang ilang kaibigan ni Grandpa, mga kasosyo sa negosyo at ibang mga empleyado n'ya. Iilan lamang sila, hindi kagaya sa mga nakikita ko sa ibang mga chinese na inililibing kagaya sa mga napapanuod ko. Hindi ko tuloy maiwasan na magtaka at mapagtanto na masama bang tao si Grandpa at wala s'yang masyadong kaibigan.Madalas kasi naririnig ko na makikita mo daw kong anong klase kang tao nong ikaw ay nabubuhay kapag patay ka na..
Ang mga sumama sa libing ay isa isa na silang nagpahatid ng pakikiramay sa 'kin.Bukod duon wala na akong iba pang nakuhang impormasyon na may kinalaman sa aming pamilya.Tahimik na dumalo at tahimik din na umalis.
"Beshy mauna na din ako sa' yo, basta kapag need mo ako call ka lang." Ang wika sa'kin ni Dione. Gusto ko sanang magtanong sa kan'ya ng iba pang mga impormasyon tungkol kay Ella Lee , Ngunit natatakot din ako, hindi ako dapat basta basta magtitiwala hindi ko sila lubos na kilala.
Nagulat na lamang ako ng lumapit sa'kin si Attorney Levi,ng makaalis na si Dione.
"Okay ka lang ba?" Ang tanong n'ya sa akin at tumango ako bilang pagtugon sa tanong n'ya.Gwapo,matangkad at seguro ang edad n'ya ay below thirties.Parehas naman silang pogi ni Sam pero si Sam kasi ay gwapong chinese at si Attorney Levi naman ay gwapong pinoy. Maputi, singkit at makinis ang balat ni Sam. Si Attorney Levi naman ay may pagka Moreno tipikal na lahing pinoy, at mas matangkad at matanda sa kanya si Sam.
"Levi, pwede bang magtanong?" Ang hindi ko mapigilan magtanong muli.Ewan kong bakit parang magaan na ang loob ko sa kan'ya.
"Ella naman, kahit ano pwede mong tanungin sa'kin No need to ask first."
"Ahm, kasi ganito yon, hindi ko maalala talaga ang relasyon nating dalawa naguguluhan ako. Kong mag kasintahan tayo bakit hindi alam ni Grandpa? at bakit hindi tayo ang ipinakasal na dalawa?"
"Alam ni Grandpa na may relasyon tayo Ella.?
" Ha? "
" Tutol s'ya sa pagmamahalan natin. "
" B-bkit daw? Anong dahilan n'ya. "
" Pinagaral kasi ako ng lolo mo, laki ako sa bahay ampunan kong saan isa s'yang sponsors duon.Lahat lahat ng pangangailangan ko ay Ibinigay n'ya.
Tinanong n'ya ako nuon kong handa ko daw bang paglingkuran ang pamilya n'ya. Sinagot ko naman ang tanong n'ya ng OO, buong buhay ko ay paglilingkuran ko s'ya ng tapat. Pero na kilala kita at nahulog ang loob natin sa isat isa. Ng nalaman n'ya ang relasyon natin nagalit s'ya.Huwag daw ako maghangad ng subra subra. Kinuha daw n'ya ako upang protektahan ang negosyo at pamilya n'ya. Pinapili n'ya ako maglilingkod ng tapat o pagpipilitan ang relasyon nating dalawa. Kong pipiliin daw kita, mawawalan ka ng mana,itatakwil ka n'ya at ako ay mawawalan ng license sa pagiging abugado.Bibitaw na din s'ya sa pagiging sponsors sa bahay ampunan na kinalakihan ko.Sanay ako sa hirap Ella, pero ikaw ang inaalala ko.Ayaw kong maghirap ka ng dahil sa'kin.
" G-ganun ba si Grandpa? Levi totoo ba lahat ng sinasabi mo? "
" OO Ella.Hindi ka ba nagtataka kong bakit walang masyadong tao sa lamay at libing ng lolo mo. Dahil Isa s'yang nakakatakot na tao.Makapangyarihan ang lolo mo at matalino. Mailap na tao at mapagmataas. Pero tingnan mo hindi naman n'ya nadala sa hukay ang kayamanan n'ya. "
Kaya pala, ibang klase din pala si Grandpa hindi pala s'ya ang inaakala kong mabait na grandpa. Kaya pala walang tao sa lamay at kaya pala iilan lang ang dumalo sa kaniyang libing. Maraming may galit sa kan'ya at wala s'yang masyadong kaibigan.
Habang nasa malalim akong pagiisip na gawi ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Sam. Katabi n'ya si Mina at tila may seryosong pinaguusapan.Kaya pala malayang nakalapit sa'kin si Attorney Levi ay dahil wala na pala sa tabi ko.
"May relasyon sila ni Mina, tulad natin bago kayo ikasal sila ang nagmamahalan."Ang biglang sabi sa akin ni Attorney Levi, na akala n'ya ay hindi ko batid.
" Levi, Alam mo ba kong bakit kami ang ipinakasal ni Grandpa?"
"Alam ko ang lahat Ella."
"Alam MO? Okay tell me?"
"Magaling at matalino sa negosyo si Sam Kim, bukod duon dati n'yang kaklase at kaibigan ang lolo ni Sam. Pabagsak ang kanilang kompanya sa kamay ng kaniyang ama.Nakaisip ng paraan si Sam kong paano sasagipin ang kanilang kompanya ngunit kailangan ng malaking halaga. Lumapit si Sam sa lolo mo at sinabing tutulungan sila subalit may hihingin s'yang kabayaran.Ang pagpapa kasal n'ya sayo ang kabayaran. "
" Teka naguguluhan ako. Bakit s'ya? "
" Ella, kailangan ng lolo mo ang taong magaling sa negosyo ang magma manage ng mga negosyo n'yo. Dahil Bata ka pa hindi mo pa kaya at wala ka pang kaalam alam. Gets mo ba? "
" Pero matalino ang lolo mo Ella. Gumawa s'ya ng kasunduan sa pagitan nilang dalawa na sa oras na ayawan mo s'ya o kaya sinaktan ka n'ya mawawala sa kamay n'ya ang lahat lahat pati ang kanilang kompanya. At may karapatan ang Lolo mo na gawin iyon dahil pera n'ya ang sumalba sa kompanya nilang pabagsak na. "
" Levi saka na tayo magusap papalapit na si Sam, salamat. " Dumistansya agad ako kay Levi ng makita kong papalapit sa amin si Sam.
" Ella, let's go, Attorney Corpus mauna na kami."
"Sige Mr. Kim. Miss Ella.Baka one of this days magawi ako sa inyo."
"It's okay, you'r always welcome to our house Attorney." Ang nakangiting wika ni Sam kay Levi. Natapos ang mahabang araw at nakakakabang tagpo sa burol ni Grandpa. Naka upo kaming parehas ni Sam sa gilid ng aming kama.Parehas din kaming bagong ligo.Amoy na amoy ko ang ginamit n'yang sabon at shampoo. Nagmumukha s'yang masarap na pagkain para sa 'kin.Tila nanunuyo ang aking lalamunan at naka-kakatatlong lunok na yata ako ng laway ng hindi ko namamalayan. Sino ba naman ang hindi maaakit naka boxer shorts lang eto at walang damit pang itaas.Nagyayabang ang magandang katawan nito at ang anim na pandesal nito. Ang balikat at dibdib nya na malapad na tipong ang sarap yumakap. Ang kaniyang mga muscles at mga ugat na nagbibigay lalo sa kan'ya ng malakas na s*x appeal.
Naalala ko ilang araw na ba akong hindi nakakatikim ng s*x, hindi lang pala araw, lagpas isang buwan na pala ang nakakalipas. Kaya aaminin kong nakakaramdam ako ng libog sa mga oras na eto.Nauna akong naligo kay Sam, kaya nakapag palit na ako ng ternong pajama at napatuyo ko na din ang aking buhok gamit ang hair dryer.
"Asawa mo ako Ella, hindi mo ako kailangan titigan lang. I'm yours." Ang Sabi n'ya na ikinabigla ko. Pakiramdam ko naginit ang mukha ko habang nakatitig s'ya sa akin habang nagpupunas ng buhok gamit ang tuwalya. Maya maya ay tumayo s'ya lumakad papalapit sa akin.
Pakiramdam ko naninigas ako ng nakalait na s'ya sa akin at nasa harapan ko na si Sam.Nakaupo parin ako sa gilid ng kama kaya nang nasa harapan ko na s'ya ay tumapat sa akin ang kaniyang hubad na katawan ang kaniyang anim na pandesal.Ang maumbok na bagay na nakapa loob sa boxer shorts n'ya.
"Ay! Ella, patawarin ka ng lahat ng mga Santo, huwag kang gan'yan hindi ka malibog hindi ba? Parang awa n'yo na tukso layuan mo ako." Ang pikit mata kong bulong sa aking sarili.Ngunit taliwas sa isip ko ang aking katawan. Ramdam ko kasi ang pamamasa sa b****a ng aking kepyas, at ang matindi pa nito ramdam kong tila pumipitik pitik ang aking tinggil.
Hinawakan ni Sam ang aking baba at dahan dahang itinaas,hanggang sa magtama ang aming mga mata. May kakaibang karisma o magic ang pagtitig n'ya sa 'kin. Pakiramdam ko natutunaw ako at umuurong ang aking dila. Yumuko s'ya at idinampi ang kaniyang mga labi sa aking labi. Ang banayad na halik na iginawad n' ya sa akin ay tila hindi sapat, parang gusto kong sabihin na higit pa duon ang kaniyang gawin. Ibinuka ko ang aking bibig gusto kong magsalita ngunit bigo ako. Bago pa lumabas ang mga kataga sa aking bibig ay pinasok na ng basang dila ni Sam ang loob ng aking bibig. Ang kaninang banayad na halik ngayon ay napalitan ng madiin at mapangahas na halik.....