Elisse POV Sa sobrang taranta ko sa pag aasikaso dito sa catering para sa house warming ng bagong renovation ng bahay ko hindi ko na alam kung anong uunahin kaliwa't kanan ang datingan ng mga event organizers dito sa bahay ko. Buti na lang kahit naaligaga ako nandito si Mommy pati yung secretary niya at si Lisa para tulungan ako mag asikaso hindi ko na pinasunod si Lara kasi ayoko naman siya mahirapan lalo na ngayon na buntis siya at maselan pa ang pag bubuntis niya. Hindi ko sinabihan si Mark tungkol sa party na plinano ko dahil hindi naman siya part na ng bagong simula ko dito sa bahay. Pero sinabihan ko sila Mama na pumunta at huwag na lang ipaalam kay Mark ang tungkol dito. Ayoko masira ang party nang dahil sa kaniya kaya minabuti ko na lang na sabihan sila Mama na huwag na lang ul

